Part 3

888 54 8
                                    

Laney POV

Pumunta muna ako ng room namin para kunin bag ko uuwi nadin sana ako kaso nakalimutan kong dalhin yung report ko ao pumunta muna ako sa locker para kunin yun. Kala niyo ha good student kaya to pero alam niyo mga brad gusto ko na mag ship ng course kasi naman e tagal mag decision sa buhay ng tropa ko kaya kumuha nalang ako ng med related na course ganun din si lara pero bahala na basta may balak akong mag ship ng course ha? Baka isipin niyo ship na ano ano nga tawag dun basta yung ship na di barko pero pwedeng lumayag at pwede ding lumubog hahaha joke. Pero may napansin ako sa bat may damit ako dito e pinasuot ko kay frances yun ah. Aahh baka kay jaydee ay oo tama naki lagay pala siya sa bag ko pero teka parang may L na nakalag--- "sh*t patay ka Laney" kay jaydee pala yung napahiram ko na damit kay frances *sabunot ng buhok* "tanga tanga laney" at tumakbo ako sa gate nag babakasakaling maabutan ko siya kahit alam kong malabo na marupok ako eh hahaha joke ulit. Uwi na nga lang ako ready na akong masapak.

Dito na ako sa bahay at humiga na sa kama ko ng maisip ko yung damit ni jaydee nasa kay frances kaya naisip kona tawagan siya para diko na makita pagsabog ng mukha niya *phone ring* naka tatlong ring lang sumagot na "hello laney" sabi ni jaydee sa kabilang linya at mga brad kinakabahan ako "hello? Hello? Laney baliw prank pa halata masyado" sabi nito na natatawa hmmm good mood inhale.. exhale "tol ahm ano kasi magandang gabi" tanging nasabi ko laney jaydee lang yan uy so ayun tumawa ang mokong "nagbago na ata ihip ng hangin" sabi niya na may halong galak hmm teka sandale "jaydee ganda ng mood natin ah kwento ka naman " pag iiba ko ng usapan kwento ka muna ng masaya para mamaya na yung pasabog "baliw wala masaya lang bakit bawal ba?" Sabi nito at naiimagine kona naka ngiti ito "duda ako sayo may iba eh ano bayun ha? " pag insists ko kasi kilala ko to eh di yan ganyan "ano kasi nag kasabay kami ni maddie na lumabas tapos ayun sakto wala pa yung sasakyan nila kaya nag insist ako na ihatid siya buti nga pumayag eh" pag kukwento niya na tila kilig na kilig pa "ah kaya pala ang happy natin ngayon so anong pinag usapan niyo?kasama ba si manong cano?" Pag tatanong ko, si manong cano ang driver ni jaydee sa isang sasakyan niya oh diba napaka yaman ng aking pren bawat sasakyan may kanya kanyang driver, napa balik ang aking kaluluwa ng mag salita si jaydee sa kabilang linya "ah ano madami madami kaming napag tapos tawa kami ng tawa alam yun, ang saya niya pala kasama noh tapos ang ganda ganda niya pag naka ngiti" pag papatuloy niya sa kwento niya, inlababo na talaga tropa ko akalain mo yun pusong bato yan pero nabihag ni maddie ahead ng isang taon si maddie sa amin medtech student siya pero kilala at close kami ever since kasi schoolmate din kami pag shs at jhs oh diba san ka pa sa amin kana loyal to mga tol ay joke lang hahahaha "Laney? Anjan kapa ba?" Nakakagulat naman tong jaydee nato "Oo andito pa ako grabe ang speed mo dong baka mamaya kayo na ha" pang aasar ko "baliw malabo ata yun saka wala pa akong balak, it will take time naman and saka wait may sasabihin ka diba? What is it ba?" This time seryoso na siya tapos ako ayun kabado na naman pero sige na bahala na "ano kasi tol yung damit mo na pinatago mo sa akin gift sa atin ni tita ano.. ano kasi ano ahm" umayos ka laney umayos ka kinakabahan ako ewan ko din kung bakit "kasi ano? Parang tanga naman to eh" medyo natatawa niyang tugon "ano kasi nasa kay frances" sa wakas nasabi kona din medyo naka hinga ako konti "ANO?! Bakit?" Sigaw niya sa phone "aray sakit ah chill lang mag eexplain ako, ganito kasi yun umuulan na nun tapos nag lalakad ako sa may hallway tapos may nakita akong babae na tila may hinahanap so pinuntahan ko buti may payong ako tapos pinayungan ko siya nung humarap siya medyo nagulat ako kala ko kasi makaka fish ako ng chix eh si frances pala basang basa ng ulan kaya pinapunta ko nalang sa locker, so diko naalala na andun din pala damit mo kung ano yung nahawakan ako na damit yun na binigay ko sa kanya saka kona narealize nung naka uwi na siya" mahabang pag eexplain ko at tile kalmado ba siya this time "bakit? I mean anong ginagawa niya dun? Sa tambayan ba? Gabi na ah" Kilala ko boses ni jaydee hmm nag woworry ata to mga tol "Opo hinahanap niya yung cellphone niya, teka muntik kona makalimutan nasa iyo ba yung phone niya?" Pag tatanong ko "ah yes andito nakita ko din kasi siyang umupo doon" kalmadong sabi ni jaydee "hala dong nag bago kana ah bakit dika galit? Eh ayaw na ayaw mong may umuupo doon" pang aasar ko kasi totoo naman "ewan ko sayo, diko na mapapaalis yun naka upo na eh" sabi niya, sabagay may point naman "so isuli mo na yan bukas tol sa kanya grabe yung iyak nun kanina" sabi ko na may pag alala "Alangan diko naman to aangkinin saka mukhang bago pa, hinatid mo ba siya pauwi?" May something talaga hmm "sa gate lang kasi binalikan ko yung bag ko sa room" patay malisya kong sabi "ah okay sige na babye na may gagawin pa ako" pag papaalam niya at ayun nag paalam na din ako.

Kalopsia Where stories live. Discover now