Part 4

810 56 7
                                    


Frances POV

Umaga na at wala parin akong balita sa aking cellphone, inaayos ko ang mga gamit ko at naalala ko yung pina labhan ko na damit ni Laney kaya kinuha ko ito pero nag tataka ako bakit iba yung pa bango parang naamoy kona somewhere pero diko lang matandaan sino or kung saan tapos may letter j sa may gilid ay ewan basta ang bait ni laney naalala ko tuloy yung sabi niya "wag kang mag alala nasa mabuting kamay ang cellphone mo" hmm bakit kaya? Kilala niya ba naka pulot ng cellphone ko? Bahala na nga.

Nasa school na ako sakto nakita ko papasok na si coco kaya tinawag ko lumingon naman siya at hinintay ako. Hinalikan niya muna ako sa bisngi saka kami pumasok sa gate, di kami kapareho ng schedule ni coco kaya nagka hiwalay din kami tapod si amy nag text siya na schedule niya ngayon mag pa check up kaya in short wala akong kasama saka di rin kami classmate nun eh sa ibang subjects.

So dito na ako sa room ko, medyo kunti pa ang student pero andun na ang Ms, Gamboa ang teacher namin sa Ethics boring naman eh hahahaha joke lang. Kumuha ako ng sticky notes para sumulat ng todo tapos pag angat ko ng ulo madami ba pala kami pero loner ako empty pa yung sa tabi ko. Nag start na ang discussion ni Ms. pero napahinto ito ng bumukas ang pinto pero di ako nag abalang tignan ito kasi may sinusulat ako pero napa angat yung ulo ko nung may tumabi sa akin kaya dahan dahan akong tumingin sa kanya at teka kaamoy niya yung damit na pinahiram ni laney inangat ko ang tingin ko and ayun medyo na shookt ako kasi si jaydee pala "may nakaupo?" Tanong niya kaya medyo ewan may something sa sikmura ko na nag wawala "ahm wala naman" kinakabahan pero chill lang, nag smile siya shems bat ang ganda at the same time pogi niya ayy frances ano yan don't tell me baliko ka "can I sit here?" Sabi ni jaydee na nagpabalik sa akin sa realidad, napalunok naman ako bago mag salita "ahm yes ofcourse" sabi ko at medyo umusog kasi feeling ko di ako makakahinga ng mabuti, connected kasi yung upuan kaya di maiwasang magka dikit katawan namin. Grabe yung prof. namin tumigil pa sa pag susulat at tumayo then yumuko kay jaydee di at guess what prof pa ang nag good morning pero good naman tong si jaydee kasi yumuko din siya ano to hapon? Joke. Parang mabait naman tong si jaydee pero tahimik saka parang ang mysterious niyang tao mukhang sila laney lang nakakalilala sakanya. Ang linis niya sa katawan at halatang anak mayaman, apaka ganda ng mga gamit niya pero boyish nga talaga siya, prinsesa nga talaga siya "tapos ka na bang titigan ako?" halos mahulog ako sa upuan ko sa gulat buti nalang nahawakan niya kamay ko shems frances nakakahiya ka sobra agad agad akong napaayos ng upo at binitawan ko kamay niya "salamat" sabi ko pero sa prof ako naka tingin. Frances nakakahiya ka siguro sobrang red na ng pisngi ko pero buti nalang nag blush on ako baka di rin masyadong halata. Natapos ang klase na first time wala akong naiintindihan kunwari nag may sinusulat ako pero ang totooo jaydee lang yun lahat huhuhu ayos buhay frances anong nangyayari sayo.

Wait habang dito pa si jaydee kapalan kona mukha itatanong ko kung asan si laney "ahem ahm jaydee pwede mag ask?" Bigla niyang inangat ang mukha niya kasi may sinusulat siya na something "you already asking po" sabi nito na seryosong nakatitig sa akin, ay kaya nga sabi ko nga "ahm ano kasi diko nakita si laney alam mo ba kung anong schedule niya ngayon?" Chill lang pero kinakabahan ako "may schedule check up siya ngayon as far as I know" sabi nito at tiningnan ulit ako "ah ganun ba yung damit niya kasi pinahiram niya last night isasauli ko sana" medyo dina ako kinakabahan "akin na I will be the one who will give it to her" sabi niya at inilapag ang kanyang kamay, nag mamadali gurl? Kinuha ko yung damit nanaka paper bag "ito oh salamat jaydee" sabi ko at tumango lang siya. Nag check ako ng todo list ko tapos tumingin ako sa gilid ko ang bilis naman nun wala na siya agad, lumingon ako sa likod at linibot ko buong room tatlo nalang kaming naiwan, wala akong pasok mamayang 12pm until 3pm so in short sa library ako mag sstay kasi may klase ako 4pm.

Tatayo na sana ako pero may napansin akong naka paper bag na yellow "hala baka naiwan ni jaydee" sabi ko habang kausap ko ang sarili ko pero teka bat may frances kaya dahil curious ako umupo ako at binuksan iyon and omg ang cellphone ko pero bago ko kinuha yun napansin ko na may sunflower sa tabi ng paper bag and may letter so binasa ko yun bahala na di akin

To: Frances

Hello, I'm the one who saw your phone in my tambayan, sorry diko agad binigay hinanap kita at pinahanap nadin kita and also pina announce ko pero wala kana sa campus.

Ps: The T-shirt you worn is mine and you're welcome, sana naman nalabhan ito

-Jaydong-

So omg kay jaydee pala yung damit hshsgshgehshshegegd pero mabango yun may perfume at downy yun. Pero as in? Ewan bakit ako kinikilig frances babae ka straight ka di pwede jusko. Saka bat may pa sunflower ano to? Ayaw ko bigyan ng meaning pero bakit favorite flower ko pa? Mababaliw ata ako.

Pumunta na ako ng canteen para kumain pero baliw na ata ako kasi naka smile ako kahit wala akong kasama, wala si coco kasi may group activity sila na dapat tapusin kaya kasama niya mga ka group niya mag lunch. Pero nawala yung ngiti ko nakita ko si ate maddie at jaydee sabay ata sila mag lulunch at ang bait ni jaydee siya na may dala ng bag pati ang tray na may foods nila masakit sa mata at sa harap ko pa talaga sila naupo. Nakita ako ni jaydee at nag wink siya sa akin. Utang na loob jaydee wag ganyan nakakainis naman eh, diko na sila pinansin at pumunta na ako ng library at doon natulog ako tagal pa ng klase ko.

---
Hello my sunflowers char bagong name ng readers. Breaktime ko kaya nag update na ako. I still have 2 exam left ngayong araw kaya pasensya na ha Godbless hahaha💛🌻
-jade-

Kalopsia Where stories live. Discover now