Part 6

710 46 1
                                    

Frances POV

Monday na at napag usapan namin ni ama na 2pm kami magme meet kasi medyo busy kasi ngayon yun madami siyang na miss na activity nung nag pa check up siya. Pumunta na ako sa first class ko at nakita ko si jaydee na kasama niya si madie ihahatid ata niya sa classroom nila dala pa kasi ni jaydee bag niya.

Tinignan ko ang oras pero masyado pa naman akong maaga kaya diko alam anong pumasok sa isipan ko at sinundan ko sila. Kunwari akong nag cecellphone pero sumusulyap ako sa kanila hanggang sa makarating sila sa classroom ni madie.

"Thank you jaydee, i told you naman na di mo kailangan gawin to kasi sobra sobra na ang ginagawa mo sa akin and I really really appreciate it" sabi ni madie at ngayon hawak na niya kamay ni jaydee

Ewan ko kung ano itong nararamdaman ko pero nasasaktan ako na first time kong makaramdam nito sa buong buhay ko, gusto kong umiyak kasi nakikita ko kung gaano kasaya si jaydee halatang mahal na mahal niya, tumalikod ako diko na sila kayang tignan pa. Gulong gulo ako sa nararamdaman ko diko alam kung gusto ko si jaydee or mahal ko siya pero di kasi pwede. I never been into relationship before yes my mga crush ako pero never ako nag kaka crush ng babae, im not against sa mga lgbt ha i really admire how strong they are at mukhang maging member na din ako.

Nasa my puno ako nag tatago at nagpag pasyahan ko ng pumunta sa CR bago pumunta sa classroom ko iiyak na muna ako dun di ako to eh diko alam kung paano or kung saan nag simula, ipunin ko muna na lahat huhuhu amy I really need you or kahit si coco manlang gusto ko ng hug. Akmang aalis na ako sa punong pinag tataguan ko pero nakasalubong ko si jaydee na tila nagulat din. Nag kasalubong aming mga mata at diko na mapigilang di umiyak, nakikita ko sa mata niya yung galak at pagmamahal na nararamdaman niya ngayon.

"Hey ahm frances okay ka lang? Why are you crying?" sabi ni jaydee at yung mukha niya kanina na gulat ay napalitan na ng pangamba kasi pati ako diko na namalayan na umiiyak na ako.

Akmang hahawakan palang ako ni jaydee pero tumakbo ako papuntang CR kasi ayaw kong makita niya kung paano ako iiyak kasi ayaw kong malaman niya na siya ang dahilan. Nasa CR na ako at hingal na hingal habang patuloy padin ang luha ko, iniyak ko lahat lahat.

Inayos kona ang sarili ko at nag lagay ng make up na light lang para di halata na galing ako sa iyak. Huminga ako ng malalim bago umalis.

"So thank you Ms. Santiago very good so that was our topic last meeting" narinig kong sabi ng aming prof sh*t late na ako tinignan ko ang oras at 10 mins na akong late kinakabahan ako pero no choice kailangan kong pumasok kaya dahan dahan kong binuksan ang pinto, bawal kasing tumuktok sa pinto ewan bat bawal yun dito.

"Goodmorning po ma'am" kinakabahan kong bati sa aming prof. ngumiti naman siya.

"Goodmorning ms?" sabi nito na tila nag hihintay sa aking sagot

"Ms. Frances Lim po ma'am" magalang kong sabi at yumuko as a sign of respect

"Okay Ms. Lim you may now take your sit beside Ms. Sebastian" sabi ng prof. namin so pagka bigkas niya palang ng surename napa angat ang aking tingin at tumingin sa kinaruruonan niya.

Tadhana naman eh kailan mo ba ako tatantanan at pinatabi mo pa talaga ako dun kakatapos ko lang umiyak oh dipa ba sapat yun.

Nasa tapat na ako ng table niya, umusog siya kaya di na ako nag salita pa at umupo na.

Again wala akong naiintindihan sa tinuturo ni ma'am kasi yung puso at isip ko may sariling mundo.

"So now group yourself by two or pwede din yang mga katabi niyo para fair, so i post the topic that assign to you with your partner mamayang hapon and the only thing you will do for now is decide kung sinong maging lalake i mean mag aact as boy and as girl kasi parang audition ito for our foundation universary, so gets niyo ba?" Paliwanag ni ma'am

Tumango tango ako pero diko gets paano ba yun? And ano daw by pair? So makakasama ko itong katabi ko? Mag tatanong na nga lang ako sa kaklase ko kung anong gagawin.

Tapos na ang klase pero lutang padin ako, di rin ako kinakausap ni jaydee kasi patago syang nag cecellphone nahuhuli ko nga siyang naka ngiti eh, alam mo yung kahit nag tatago siya mag use ng phone halatang halata padin di nga lang siya sinisita anak ng may ari ng school eh. Tsk respeto naman sa tulad kong gusto ka.

Ang bilis ng oras malapit na 2 pm at makikita ko na si amy na miss ko ang baliw na yun.

Nasa food court ako ngayon waiting kay amy and coco yes kasama namin si coco sana wala silang meeting na mga officers internal secretary kasi siya sa student government kaya minsan niya lang kami nakakasama mostly ang kasama niya after class ang mga officers pero okay lang naman sa amin yun pero minsan nakaka selos na kasi miss na namin si coco baby namin.

Speaking may text si coco na may emergency meeting sila kaya resched nalang daw yung meet namin. Pero tuloy kami ni amy ang tagal tagal ng babaeng yun gusto ko na talagang ibuhos ang luha ko at kailangan ko ng mga kasagutan sa mga bumabalabag sa puso't isipan ko.

Nakita kona si amy pero bakit may kasama siya? Sino yun? Si L--Leah ah yung classmate niya dati nung shs siya na tanging med student din. Nag paalam na si Leah sakanya at patakbong pumunta dito sa kinaroroonan ko. Hinug niya ako ng napaka higpit and I really need that kind of hug right now.

--
Comment din kayo kung anong nafefeel niyo guys😘
Thank you and keep safe everyone

-Jade-

Kalopsia Where stories live. Discover now