Amy POV
Tanghali na ako nagising kasi di na ako pinapasok ni mommy ngayon din schedule ko mag pa check up ng ipin. Naligo na ako kasi ihahatid ako ni mommy at uuwi din siya so in short ako lang mag isa nubayan baby pa ako pinapabayaan na nila ako hahaha joke lang. Nasa byahe na kami papuntang clinic daming ibinilin ni mommy sa akin na dapat gawin kala talaga ni mommy di ako nag gagala hmmm baka amy to mommy. So dito na kami sa clinic lumabas na kami par kitain ang dentist ko at sakto naman kakarating niya lang, nag usap sila ni mommy diko na pinakinggan masyado na akong chismosa nun mga tol
"Amy anak iwan ko lang ikaw dito ha? Then pati si manong nestor para may kasama ka" sabi ni mommy habang may kinukuha sa bag hmmm pera ko yan for sure ay teka bat may kasama ako di ako makaka gala di pwede to
"Mommy okay lang na ako lang mag isa kaya kona po saka ano ahm wala kayong driver baka malate kayo sa pupuntahan niyo po" paliwanag ko
"Pero okay lang ba sayo? Dika ba maliligaw?" nag aalalang tanong ni mommy
"Mommy grabe ka sa akin, di naman po" medyo nagtatampo boses ko jan mga par baka kasi may ma budol tayo
"Oh siya sige sige malalate na ako, mag ingat ka ha at mag text sa akin" sabi ni mommy at na beso sa akin
"Babye mommy thank you po" sabi ko at kinuha na ang aking pera medyo madami madami to mga par tara mall tayo
"Ma'am amy doon na po tayo sa room niyo po andun na po si doc" sabi ni ate na ikinagulat ko
"Ah sige po salamat" sabi ko at sinundan na siya
Pumasok na ako sa room at tama andun na nga si doc diba? Amy lang sakalam hahaha napag hintay ang doctor.
"Wala bang natanggal na bracket amy?" tanong ni doc
"Wala po doc ay hindi meron po pala isa sa pangatlong ngipin po sa gilid" pag papaliwanag ko
Tumango lang si doc saka nag umpisa na siyang alisin ang mga rubber sa gilid, antok ako bigla doc baka pwede matulog hahaha
Natapos nadin sa wakas at makakagala na ako, nag paalam na ako kay doc kasi madami na din tao sa labas.
Paglabas ko may nakabanggan ako pero di naman yung malakas na banggaan mga 10% lang ganun. Liningon ko siya and medyo familiar pero bastos na bata di manlang ako lilingonin saka mag sorry
"Excuse me sorry ha nabangga kita sorry" ako na ang mag adjust
Humarap siya and teka tropa to ni jaydee ah sino nga ah si laney
"Ay hala sorry diko napansin lutang kasi ako" sabi nito at hinawakan ng aking kamay dalawang kamay ah da moves din itong babae na to pero cool niya tignan ngayon nasa crush list ko ito eh.
"Amy? Ayos ka lang? Masakit ba pag bangga ko?" medyo my worry sa boses niya
Oo masakit pag bangga mo pati puso ko nahulog sayo hahahaha joke lang sympre diko sinsabi yan
"Ah sorry lutang din ako, pero di naman masakit gusto ko lang mag sorry" sabi ko at para narin makapag sorry siya hehihu
"Sorry talaga ha btw saan punta mo?" tanong ni laney
"Sa puso mo ay no i mean i-- ahm pupunta ako ng mall yun tama pupunta ako ng mall kakatapos ko lang kasi mag pa check up" nanlalamig na ang kamay ko muntik kana don amy
"Pwede din welcome sa puso ko hahaha joke lang ahm sinong kasama mo? Pupunta din kasi ng mall wala akong kasama" sabi nito na naka smile
Bat ang cute niya enebe wag ganyan laney hulog na panty at puso ko sa smile at titig na yan
YOU ARE READING
Kalopsia
FanfictionKalopsia English- As a combination of the Greek roots "kallos", meaning beauty, and "opsis", meaning sight (or "opos", meaning eyes), in English Kalopsia can also mean beautiful sight or with beautiful eyes. -pinterest