Chapter 2: Bisikleta

148 4 0
                                    

Chapter 2: Bisikleta




5:11 am.



Sa kusina dapat ang punta ko ngayon pero dinala ako ng aking mga paa sa veranda. Mula dito ay malinaw kong naririnig ang malamyos na alon ng dagat. Well, the house I'm in is not very large, like it's intended only for no more than ten people. I haven't really seen the entire place so I don't have any judgments for now.



Nevertheless, the seashore is so pretty.



"Oh, hija? Maaga ka yatang nagising ngayon?"



Napahinto ako sa pagmamasid dahil sa biglaang pagdating ng isang ginang. Nakahawak pa ito ng sandok na animoy kagagaling lang sa pagluluto.



She smiled at me. "Nagluluto ako kanina nang makita kitang papunta rito. Halika at maupo ka muna. Ano ba ang gusto mong kape?"



"Ah, mamaya na po siguro. Maglilibot muna ako sa paligid dito. Maganda sa tingin ang resort na ito." Malumanay kong sagot. Again, I am not very sure with my grammar. Filipino language is hard when it is spoken.



"Sigurado ka?" paniniguro niya.



Tumango ako at nahihiyang nag-iwas ng tingin. I'm afraid. She seems to know me well but I don't even know her name. She does not look familiar to me.



"Ako nga pala si Hilda. Tawagin mo na lang akong Manang Hilda. Halos tatlong taon na rin akong naninilbihan sa pamilya mo dito sa Pilipinas." Dinig kong tugon ng ginang.



Tipid akong ngumiti. "Sige po, Manang Hilda."



Tumango siya at umupo sa isang bakanteng silya. "Siya nga pala, mayroong bisikleta riyan. Kung gusto mong gamitin, kunin mo lang. Basta't 'wag ka lang lalayo at baka mapagalitan ako ng kuya mo."



My eyes widened in excitement. A bicycle! Matagal na akong hindi nakakapagbisikleta. Hindi ko nga rin alam kung marunong pa ba ako.



"Uhm, gusto ko pong gumamit ng bisikleta. Sa labas ako magbisikleta kasi may sementado na." Nahihiya kong wika.



Mahinang natawa si Manang Hilda. "Oh siya siya. Magbihis ka muna doon at ako na lang ang kukuha ng bisikleta."



"Sige po! Salamat!"



Mabilis akong bumalik sa aking kuwarto at nagbihis ng bagong damit. I wear a blue sweater and a black leggings. I also styled my hair into a braided space buns. Nang lumabas ako ng kuwarto ay naroon na nga sa harapan ng bahay ang bisikleta. It is not very old but it is not new either.



"Sandali lang hija," Napatigil ako at kunot-noong lumingon kay Manang Hilda.



"Po?"



"Dalhin mo na ang note na 'to. May protocol kasi dito eh. Hindi pwedeng lumabas ang mga 17 years old and below." Tinanggap ko ang maliit na papel at mabilis na isinuksok sa munting bulsa ng aking sweater. Wow. I'm impressed. The security guard of this resort must be an early bird.



"Salamat po ulit!" Magiliw kong sabi. I barely know her but I can feel that Manang Hilda is such a compassionate person.



"Walang anuman. Mag-iingat ka."



Marahan kong dinala ang bisikleta patungo sa main entrance ng resort. Katulad ng inaasahan ko ay mayroon ngang nakaupo roon na security guard. Nakasuot siya ng dark sun glasses kaya hindi ko alam kung gising ba siya o tulog.



Tumbang Preso (Batang 90's Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon