Chapter 3: Angkas

147 3 0
                                    




Mabilis akong nagpedal habang unti-unti ng pumapatak ang maliliit na butil ng ulan. It was very unfortunate for me. Napakaganda ng sikat ng araw kanina pero bakit biglang nag-iba ang ihip ng panahon ngayon?



A small sound I could not describe made me stop from pedalling. Kumalabog ang puso ko sa kaba. Please no. Not today. Heavy rain is coming. Ayokong mabasa at magkasakit.



I checked the front wheel and was relieved that it's fine. Pero halos panghinaan ako ng loob nang mahawakan ang nasa hulihang gulong. Napaupo ako sa sementadong kalsada. I'm so doomed. I have to go back as soon as possible or else this will be the last time that I'm leaving the resort.



Tumayo ako at walang ganang hinawakan ang handlebar ng bisikleta. Hinila ko ito at nagsimula ulit maglakad. Pagkarating sa resort ay sisiguraduhin kong magpapabili ako ng bago kay Kuya Simon. I wish he can afford it. A bicycle does not cost a lot, right?



Uminit ang gilid ng aking mga mata nang tuluyan ng lumakas ang buhos ng ulan. Kahit nanginginig na ang katawan ko sa lamig ay pinilit ko paring hilahin ang walang kabuluhang bisikleta. I like Manang Hilda but her bicycle is just so stressful.



"Sakay." Isang malamig na boses ang narinig ko mula sa aking likuran.



Lumingon ako at nakita si Garixx na basang-basa na ang damit. Parang may mainit na kamay na humaplos sa puso ko. Hindi ba't umalis na siya kanina? Why is here? Ayokong isipin na bumalik siya para sa 'kin pero bakit siya nandito?



"W-Why are you here?" Sinubukan kong pigilan ang panginginig ng aking labi pero hindi ko talaga kaya. I'm freezing.



Hindi niya sinagot ang tanong ko sa halip ay bumaba siya sa kaniyang bisikleta. Napaatras ako nang marahas niyang kinuha sa 'kin ang bisikleta ko. Ipinahiga niya ito sa may damuhan at tiim-bagang tinapunan ako ng tingin.



"Mayaman ka diba? Bakit hindi mo kayang bumili ng bagong bisikleta?" Magaspang niyang tanong.



"Maayos naman 'to kanina eh." Katwiran ko.



"Kung maayos 'to dapat ay hindi 'to agad nasisira. Tingnan mo nga ang bisikleta mo. Kinakalawang na."



"Magpapabili na lang ako ng bago." I said, my voice almost a whisper.



Mapungay ang mga matang tinitigan niya ako. There's a hint of anger and irritation in his eyes before it was replaced by concern.



He licked his lips. "Tatanggalin ko ang tali ng buhok mo." Pahintulot niya. Kahit naguguluhan ay tumango na lamang ako at tahimik na pinanood ang kaniyang ginagawa.



I could not describe the feeling of his large hands untying my hair. Napanguso ako nang makita ang kaniyang ekspresyon na para bang nahihirapan sa kaniyang ginagawa. Nang tuluyan ng kumawala sa pagkakatali ang aking buhok ay mabilis niya akong sinuotan ng kaniyang sombrero.



My face flushed red. "Thank you."



Nagtama ulit ang aming mga mata at hindi ko mapigilang hindi mapangiti. Halos ilang dangkal lang ang layo ng mga mukha namin kaya malinaw kong napagmamasdan ang kaniyang itsura. Garixx is so good-looking. Oh, God. He's really gorgeous. Walang kapintas-pintas ang mukha niya. He also smells great. He smells like, strawberry? Yeah. Strawberry.



"Walang upuan ang bisikleta ko. Kaya mo bang tumayo sa foot stunt ng bike?" Pagbasag niya sa katahimikan.



Sinulyapan ko ang kaniyang bike. "Is that safe? What if it suddenly cracks?"



Tumbang Preso (Batang 90's Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon