[19]

61 7 3
                                    

CALISTA

It's been a four months pero di ko pa din natatanong kay Zayden kung ano nga bang koneksyon nya kay Russell. Pinapangunahan ako ng pamumula ng pisnge sa tuwing ngingiti siya at nagpapakita ang dimple nya. GOSH! Ang rupok mo, dimples lang yan. Di pa naman kami ganun sa close pero he's so very approachable, he will lent you a time just to hear what you want to say, he never makes you feel uncomfortable every time you are with him. A gentleman. Kind. Sweet. Caring.

Pwede na! Char!

"Mom I'm home!" pero wala man lang sumagot "Dad! Mom! Raven!" agad akong napatakbo papunta sa Room nila Mommy at Daddy pero agad din akong napahinto

Sabi nila balang araw darating

Ang iyong tanging hinihiling

At nung dumating ang aking panalangin

Ay hindi na maikubli

Ang pagasang nahanap ko sa 'yong mga mata

At ang takot kung sakali mang ikay mawawala.....

I heard mom singing their wedding song. I opened the door. Nakita ko si mom na buhat ang baby brother ko na mahimbing na natutulog sa kaniyang mga bisig habang si dad ay nasa kaniyang likuran na nakayakap. They're dancing In a slow rhythm. Di ko maiwasang mapangiti sa nakikita ko ngayon. I enter to their room and..

At ngayon nandiyan ka na

Di mapaliwanag,

Ang nadarama handa ako

Sa walang hanggan

Di paasahin

Di ka sasaktan

They smiled at me then Dad walk towards me and he hold my waist and hold my right hand while he guided my another hand to his nape while singing the continuation of the song. Habangg sumasayaw ng mabagal

A father and daughter dance

"Soon my princess, will became a queen of her own palace with his king" he smiled at me. Tinignan ko si mom ngayon na binababa si baby Keith sa kama. Then mom walked towards us. Niyakap nya kaming dalawa mula sa gilid. "Can't wait to see my Baby Cali marrying her man, making their own happy story." di ko alam anong nangyayari sa kanila pero agad akong napaalis sa pagkakayakap nila

Ang awkward kasi!

"Mom! Dad! Di pa nga ako nakaka graduate ih kasal agad!" hininaan ko ang boses ko dahil baka magising si Baby Keith ko "And besides, at my age wala pa akong nakikitang the one ko" I looked down para di nila makita ang naging reaction ko "But if I finally found him, Mom, Dad kayong unang makakaalam" I hug them so tight.

Wala na akong ibang hihilingin pa para sa magulang ko kundi ang maging masaya habang buhay

KINABUKASAN maaga akong nagising dahil simula nung dumating ang kapatid ko di ko na naaabutan na gising pag uwi o kahit papasok ako. Kaya ngayon kahit ayaw ko 'tong gawin gigisingin ko siya pero di na pala kailangan dahil pagbaba ko palang sa hagdan ay narinig ko na siyang umiiyak habang hinehele ni Mommy

TAGPUAN [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon