[01]

398 10 5
                                    



Di, Di ko inakalang~


CALISTA:

Nakaupo ako ngayon sa isang cafe kung saan kanina pa ako nag aantay sa old friend kong nag set up ng meeting place namin. Almost 2 hours na akong nag aantay sa kanya, I cut my classes para sa kanya kasi madami daw syang sasabihin na importante pero pinag antay lang ako? Akala mo naman worth sya ng time ko Hell NO!

Ghinost ka bhie! And ang worst? Umasa ka nanaman sa wala.

Yeah, I think so. Na ghost nanaman ako for the 5th time.

15th time na uyyy! At dadami pa yan

So since nandito naman na ako and naka order na ako. Hihintayin ko nalang mag dilim bago umuwi. GOOD GIRL AKO EH BAKIT BA? Habangg umiinom ako ng coffee ko aksidenteng nahagip ng malikot kong mga mata ang dalawang taong nag dadate??? King ina naman! Kaya nga ako nandito sa pinaka dulong part ng Cafe para makaiwas sa mga hayop ayy sa mga tao pala. Wala namang forever pshhh!

Ang harsh mo Calista!

Oh! I forgot! Di pa pala ako nag papakilala haystt! I'm CALISTA JANE MIGUEL, I'M A 4TH YEAR HIGH SCHOOL STUDENT AND KUNG INAAKALA NYONG I'M A GOOD STUDENT? WELL YEAH! BUT MINSAN ALAM NYO NA TARANTADO. MY PARENTS ALWAYS CALLING ME "CJ" BUT MAS GUSTO KONG TAWAGIN AKONG CALI.

CORRECTION: Kadalasan* akong mabait choss!

Hindi ko na masaydong hinintay na sobrang mag dilim ang kalangitan well papagalitan talaga ako. Mas gusto ko pang makita ang paglubog ng araw sa dalampasigan na para sa akin ay simbolo, na lahat ng bagay ay may katapusan. Malapit lang naman ang dagat sa amin ah kaya anytime pwede kong puntahan pag ayaw kong pumasok takbo! Takbuhan ko ang dagat I feel comfort every time I hear the sound of the waves of the ocean. I don't know why pero it's sound so peaceful kahit sobrang bigat ng pakiramdam ko. Habangg palapit ako sa dagat na lutang ang isip basta maglalakad ako yun na yun! Di ko namalayan na meron na palang tao sa harapan ko. Na metro din ang layo sa akin.

Multo ata eto eh! Awuuuu

A tall guy. Oo tall kasi medyo matangkad sya ng konti sa akin ng almost 2inch chaarr! Basta matangkad din ako. Matipuno ang pangangatawan. Base sa anino nya. Maputi Char! Di ko alam kasi di ko masyadong syang makita ehh takipsilim na kasi eh bakit ba?! di nya naramdaman presensya ko, kaya naglakad nalang ako pero palayo na sa kanya almost metro na ang layo ko sa kanya ng may narinig akong parang umiiyak di ko alam kung sino? O saan ba banda galing yun may multo ba dito?

Meron nga nga ata ehh! Nasa harap ko na ata awuuu!

I look back para tignan yung guy na nakita ko kanina I was shock! kasi nakaluhod na sya sa buhangin habangg hinahampas sya ng mga malalakas na alon sa dalampasigan. Well I guess sya yung umiiyak, di ko man makita ang mukha nya pero I already felt pain, ngayon lang ako nakakita ng lalaking umiiyak because, they say when a man cries it means they are weak. But now yang pinaniwalaan ko ay isang kasinungalingan! A big lie! A fucking big lie! Kasi lahat ng tao may kahinaan, may problema when they feel na di na nila kaya pag iyak nalang ang magagawa nila, natin and then laban ulit.

I found myself walking on my way home iniwan ko yung guy na nakita kong umiiyak sa dalampasigan kanina at isapa wala naman akong maitutulong sa tingin ko. Nawala sa isip ko ang oras naglakad nalang ako kahit parang lutang ako. Pag pasok ko palang sa bahay grabe ang daming tao!! halos wala akong mabilang. Wala si mom and dad they have a business meeting out of town puro maids and drivers ang kasama ko. Im their only child na nakukuha ang lahat,nabibili ang lahat pero ang atensyon ng magulang ko? Never kong nakuha.

Swerte ko diba? hehehe

Wala akong mood kumain. I walk towards to my room. I walk like a zombie. I put down all my things. I remove my shoes. Then I lay down on my bed. And I deeply thinking why?

Why I'm still in love with ficional characters?

No! Why I'm still~

Awake? Well maaga pa kasi tapos di pa ako kumakain then kasi ghin~

*phone rings*

*MOM'S CALLING*

Wala akong kabuhay buhay na tumayo para hanapin ang phone ko sa bag kong halos maapakan ko na pala. Ang dilim kaya di ko nakita ehh

Bakit ko kasi pinatay ilaw ko dito?ay di ko pala na open

Kapipindot ko palang ng answer button bigla nalang~

{"Did you cut your class today? I've already told you na wag na wag kang nag cu-cutting classes diba? Ano nanaman bang ginawa mo CJ? Saan ka nanaman ba pumunta ha?"} ramdam ko sa kabilang linya ang inis ni mom sa akin boses nya palang alam ko na. Pero wala akong maramdaman na takot sa kanya ehh

"E-ehh Mom? May importa~" she cut my words

{"Ano namang mas importante kaysa sa pag aaral Calista Jane?"} she calls me in my whole name it means galit na talaga sya

"A-ano Mom ahmm..." I bite my lower lip para makapagisip "Mood" mabilis na sagot ko sa kanya pero bahagya akong natawa

What a stupid answer Cali! Nice one!

{"What?!" }bahagya kong nilayo ang phone ko sa tenga ko sa pagsigaw ni mom na halos maka bingi na {"Next time na malaman kong nag cutting classes ka pa humanda ka sa amin ng dad mo~"}

"Akala ko ba wala kayong pake sa akin?" pabulong kong sagot sa kanya pero sana di nya narinig

{"Next time please! CJ wag mo na uulitin yun"}

"Opo"

{"Bye.. san~"} di ko na pinatapos ang sasabihin nya at agad ko ng pinatay ang tawag, oo nakakabastos na kung nakakabastos pero wala lanag talaga ako sa mood eh paki mo ba?

*TOK! TOK!TOK!*

Sinusumpa ko kung sino man yan! Wala na nga lang akong mood eh

"Paso~" di ko na natapos sasabihin ko ng bigla nalang bumukas ang pinto

Tignan mo etong hayup na to di man lang ako pinatapos

"R-RAVEN??"

To be continued.......

TAGPUAN [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon