Chapter 1

22 5 0
                                    

Chapter 1

"Calista! Sumama ka na sa amin. Tatapusin lang naman natin yung laro eh." Pamimilit sa'kin ng kaibigan kong si Bea. Kanina pa niya ako niyayayang sumama manuod ng basketball. May laban kasi ng basketball ang mga taga Psych Department pati na rin ang sa Business Department.

"Ayaw ko nga. Wala naman akong mapapala doon. Isa pa mag-aaral pa ako."

"Ang boring naman ng buhay mo. Sa weekends ka na lang mag-aral, matagal pa naman ang midterms ninyo. Atsaka madaming gwapo doon! Tiyak mabubusog ang mga mata natin." May pagtili-tili niya pang sabi. Sa itsura niya ay para siyang nangangarap at kung makikita mo lamang ang laman ng utak niya ay sigurado akong bumubuo na siya ng pamilya kasama ang mga gwapong sinasabi niya. 

"Atsaka nandoon din si Jeremiah! Balita ko ay may gusto sa'yo yun." Dagdag niya na may halong kilig pa ang boses. Nangunot naman ang noo ko sa sinabi niyang iyon. Si Jeremiah? Axl Jeremiah ba? Ang mayabang na 'yon? May gusto sa kaniya? 

"Oh? Eh ano namang pakialam ko?" Nagtatakang tanong ko. Ano nga bang pakialam ko kung kasama siya doon? Hindi ko naman siya gaanong kakilala. Isa pa ay hindi ko gusto ang ugali niya dahil para sa akin ay masyado siyang mayabang.

"Eto naman ang taray taray. Sigurado naman akong kapag sumama ka at napanuod mong maglaro si Jeremiah ay mahuhulog ka din! Naku! Lahat yata ng babae ay rumurupok basta magaling maglaro ng basketball!" Panunudyo ni Bea at kinikiliti pa ang tagiliran ko. Hindi ko naman napigilang matawa sa sinabi niya at napa-oo na lamang.

Nang dumating ang hapon ay nakita ko sa labas ng classroom namin si Bea na nakatayo sa may pinto. Napailing naman ako ng bahagya dahil halata sa mukha niya ang pagka-excited. Lumapit naman ako sa kaniya at nagmamadali naman niya akong hinila papunta sa gym.

"Bea! Bakit ka ba nagmamadali? Hindi pa naman siguro nagsisimula ang laro diba?" 

"Ano ka ba! Baka maubusan tayo ng pwesto sa harapan! Mas maganda doon para kitang kita ko ang mga tumatagaktak na pawis sa katawan nila!" 

Ang babaeng ito talaga. Basta usapang lalaki ay talagang buhay na buhay ang diwa. Nakipagsiksikan kami sa mga tao doon at napagtagumpayan naman namin na makarating sa harapan. May nakita kaming bakanteng upuan sa likod lamang ng upuan ng mga player sa Psych Department. 

"Ayan! Ang ganda ng pwesto natin! Kitang kita mo ang pawis ni papa Jeremiah mo!"  

Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. Naglingunan yung ibang player na nasa harapan namin. Nakita ko ang pagngisi ng iilan sa kanila. 

"Captain! Nandito pala ang sinisinta mo!" Sigaw ng isa sa kanila at tinuro pa ako. Nagulat ako sa ginawa niya at naramdaman ko din ang pagtahimik ng paligid at ramdam ko din ang mata ng mga taong nakatingin sa'kin. Agad namang namula ang mukha ko dahil nasa akin ang atensyon nila! 

Mula sa pagkakayuko at pagkakasintas ng sapatos sa loob ng court ay lumingon sa amin si Jeremiah. Diretso ang tingin niya sa akin at nginisian ako at kinindatan pa! Bago pa ako makapag-react ay tinawag na sila sa loob ng court para makapagsimula na. 

Nagsisimula pa lamang ang laro ay puro hiyawan na ng tao ang maririnig mo. Itinuon ko na lamang ang paningin ko sa court. Pagtingin ko ay agad naman nagtama ang mata namin ni Axl. Nagulat naman siya sa nangyari siguro ay dahil hindi niya inaasahan na makikita ko siyang nakatingin sa akin. Napanguso naman siya na parang pinipigilang ngumiti at bumalik sa pakikinig sa coach nila. 

"Go Number 7!"

"I love you Number 12!"

"Anakan mo ako Number 7!"

"Go 18!"

Ilan lamang iyon sa sigaw ng mga tao dito. Nakakabingi man pero di ko mapigilang mapatawa sa mga sinisigaw nila. Ang mga babae talaga. Ang rurupok sa mga basketbolista. Ano bang meron sa kanila at ang daming nahuhumaling sa kanila.

"Anakan mo ako ng sampu Axl Jeremiah Dawson!"

Nagulat naman ako sa biglaang pagtayo ni Bea sa tabi ko at nilingon ang babaeng sumigaw noon na nasa likudan lang pala namin.

"Anong sabi mo? Anakan? Itigil mo na kahibangan mo please. Itong babaeng katabi ko, siya ang aanakan ni Jeremiah! Dahil siya ang girlfriend!"

Nagulat ako sa sinabi ni Bea at hindi mapigilang mahiya! Jusko! Ano ba pinagsasabi nito. Napaka-eskandalosa talaga ng babaeng 'to! Ako talaga ang nahihiya sa mga kabaliwang pinaggagawa ng taong 'to!

"Bea! Nakakahiya ka talaga! Paano na lang kung may iba pang nakarinig noon?"

"Edi maganda! Para wala ka na talagang kaagaw kay Jeremiah. Iisipin nila na taken na siya!" 

At mukhang masaya pa talaga siya sa sinabi niya. Ibinalik ko na lamang ang mata ko sa laro at hinayaan na lang si Bea sa mga kabaliwan niya.

Maganda ang laban ng dalawang team. Parehas magaling kaya nakakaaliw manuod. Nang nasa huling quarter na ay mas naging mainit ang laban. Kapag nakakapuntos ang isang team ay ganoon din ang sa kabila. Salitan lamang ng puntos. Napatayo naman ang mga tao dahil sa init na ng laban. Hindi ko naman napigilan ang sarili at napatayo na din.

Nang huling segundo ng laban ay ramdam mo na ang tensyon sa pagitan ng dalawang grupo. Pantay ang score nila ngayon at ang bola naman ay nasa kamay ni Axl. Kung ma-i-sho-shoot niya iyon ay sila na ang panalo. At kung hindi naman ay patas lamang.

"Dawson! Kapag naipasok mo daw ang bola sa ring ay girlfriend mo na si Calista!"

Napatanga naman ako sa sinabi ni Bea. Nang lingunin ko si Axl ay nakita ko itong nakangisi ng malapad sa akin. Tinantya niya ang bola papasok sa ring bago hinagis iyon. Habang nasa ere ang bola ay ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko. 

Nagsigawan ang mga tao sa buong gym nang makapuntos si Axl. Nanalo sila. Sila ang nanalo. Wala ako sa sariling napatingin ako kay Axl na may malapad na ngiti sa akin. Tinulak tulak naman ako ni Bea at halata sa kaniya ang kilig. 

Sila nga ang nanalo? Nanalo nga sila! Patay! Bakit naman ako kakabahan? Hindi ko naman susundin ang sinabi ni Bea. 

Lend You To HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon