CHAPTER 3
Tiningnan ko ang comment section sa post ni Axl. Wala pang isang oras na na-i-post ang picture niyang iyon ay halos umabot na kaagad sa libong comments. Ang likes at shares naman ay nasa libo na din ang inabot. Ganito ba siya kasikat? Nakakatakot naman mapalapit dito. Baka awayin ako ng mga fangirls niya.
Awww kawawa naman ang bebe AJ namin :(((
Ulol! Ilang taon ka nang walang kasama sa after party! Ngayon ka lang nag-inarte.
Ang arte mo naman tol :3
@Zyle Calista Valderama bakit mo naman daw kasi hindi sinamahan tropa namin :d
Ang hina mo naman kasi mag-aya tol!
Tropa ba namin 'yan? Wala akong kilalang Axl Jeremiah.
Ilan lamang iyon sa mga pang aasar ng mga tropa at ka-team ni Axl. Nakahinga naman ako ng maluwag nang wala akong makita na masamang kumento. Ayaw ko pa naman sa lahat ay iyong madaming galit sa akin. Hangga't maaari ay ayaw ko ng may kaaway.
@jerehdawson started following you!
Napabukas naman agad ako ng Twitter dahil sa notification na 'yon.
Ang sexy ng ratio niya! Nasa 150k ang naka follow sa kaniya samantalang ang finafollow niya ay isa lang! Ibig sabihin niyon ay ako lamang ang finafollow niya.
Nag scroll pa ulit ako sa timeline ko sa twitter at halos lahat ay tungkol sa kaniya.
@harvinmc
After 123456789 years! Naisipan din ni captain ifollow ang iniirog niya.
Nagreply naman doon ang ilan pa nilang mga kaibigan.
@erostalir
Tol pano naman bang hindi niya ifafollow eh nadala na yata 'yan nung nagprivate si calista kasi hindi daw niya ma-stalk! HAHAHAHAHAHA
@xionmarcus
Gumawa pa siya ng dummy accs para mag follow request pero hindi naman siya inaccept lol kawawang captain.
@jerehdawson
Shut up please.
Tinigil ko na ang pagtingin dahil hindi ko na alam ang irereact ko. Ipinatong ko na ang cellphone ko sa side table at naghanda na para matulog.
Nang lunes ay medyo tanghali na ako nagising dahil umuulan at napasarap ang tulog ko. Nagsuot lang ako ng sweater panangga sa lamig.
Nang makapasok sa campus ay sinalubong agad ako ng maingay na bunganga ng bestfriend ko.
"Aba! Aba! Aba! Ang kapal naman ng mukha natin mare ano. Hindi mo finollow back si Jeremiah!" Nanlalaki ang mata niya sa akin habang sinasabi iyon. Mukha siyang mayordoma sa mansyon.
"Required ba?" Eh ano naman kung hindi ko siya finollow back? Eh sa ayaw ko eh. Isa pa ang dami nang naka-follow sa kaniya. Hindi ako kawalan kung hindi ko siya i-fa-follow.
Nanlaki ang mata ni Bea sa sinabi ko at napatakip pa siya sa bibig at aakalain mong nakakita ng multo.
"Ikaw na talaga! Hindi mo ba nakita mga tweet niya kagabi?" Inilabas niya ang cellphone niya at hinarap sa akin.
@jerehdawson
Follow back po boss @zcalista
@jerehdawson
Okay lang pala na wag boss. Basta ikaw. Malakas ka sa'kin eh.
Madaming reply doon kasama na ang sa mga kaibigan niya. Nag-scroll pa ulit ako at nakita ang iba pang tweet ng mga kaibigan niya na sa tingin ko ay patungkol pa din sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Lend You To Him
Teen FictionEternity Series #2 Meet me on the aisle. Started: March 19, 2021 Ended: -- On Going Picture used in Book Cover is from Pinterest. Credits to the rightful owner.