Chapter 2
Bago pa makalapit si Axl ay tinawag na siya ng kanilang coach para sa awarding. Nakahinga naman ako ng maluwag nang tumalikod na siya. Agad ko naman nilingon si Bea para yayain nang umalis.
"Bea, umuwi na tayo." Mahinang bulong ko sa kaniya at hila hila siya sa kaniyang braso pero ang talipandas na ito ay hindi natitinag! Nagmamatigas si gaga at ayaw talagang umuwi pa!
Malalaking iling ang ibinigay niya sa akin. At talagang kumapit pa siya sa may railings para hindi ko tuluyang mahila. This woman! Talagang napakabaliw. Bakit ko ba ito naging kaibigan! Lagi na lang niya akong ipina-pa-in! Kahit noong high school pa lamang kami ay ganito na siya.
Tanda ko pa noong may nagbibigay sa aking ng tsokolate at bulaklak ay sinasabi niyang mas gusto ko ang ferrero kaysa sa mga binibigay nila. Kaya ang mga iyon naman ay sinunod nga ang sinabi ng loka-lokang ito. At siya lang din naman ang nakinabang ng mga iyon! Kaya daw niya sinabi na iyon ang gusto ko ay dahil sa paborito daw niya iyon! Ang walanghiya talaga.
Bago ko pa siya mapilit ulit ay naghiyawan na ang mga tao sa paligid. Napatingin naman ako sa may stage nang marinig ko ang pagtikhim sa mic doon. Nakatayo si Axl na malapad ang ngiti na nakatingin sa akin. Siniko naman ako ni Bea at parang inaasar asar pa sa paraan ng pagtingin niya sa akin.
"I'd like to thank all of you for supporting me in this game. Your cheers fluttered me so much. And of course, I would like to thank my girlfriend, Zyle Calista for silently supporting me. Without you watching and supporting me in this game I wouldn't win this MVP award. This is for you baby."
Napatanga ako sa sinabi niya. Ano daw? Ako? Girlfriend niya? Hindi daw niya mapapanalo ang laro na 'yon kundi dahil sa akin? Bakit? Ako ba ang may hawak ng bola? Ako ba ang nag shoot ng bola sa ring? Hindi naman ah?
Nagtinginan naman sa akin ang mga katabi ko. Nakakahiya! Baka naniwala sila sa sinabi ng ulupong na ito! Naku! Panigurado magiging usap-usapan 'to bukas.
"Teh! Ikaw na talaga! The crown is yours!" Sabi ni Bea at animo'y may paglipat pa ng imaginary crown sa ulo ko.
"Ano ba! Nakakahiya oh, pinagtitinginan ako!" Hindi mapakali kong sabi. Ibig sabihin ba nito ay magtatapos na ang nananahimik kong buhay? Hindi na ba ako makakatulog sa garden ng tahimik? Hindi na ba ako makakakain sa cafeteria ng matiwasay? Hindi na ba ako makakapagbasa sa library ng tahimik dahil sa sinabi ng Axl na iyon?
Nilingon ko naman ang mga tao na nasa loob ng gym. Ang iba ay malalaki ang ngiti na para bang kinikilig. Ang iba naman ay nagbubulungan at may mga mapapanghusgang tingin.
Pagkaharap ko ay nakatingin na sa akin ang mga ka-team niya. Pati ang kanilang coach ang ibang mga teacher ay nakatingin na sa akin! Inilingan ko naman sila na nagsasabi na hindi totoo ang sinabi ng Axl na iyon!
"Stop staring at her guys, nahihiya ang baby ko." Nakangising sabi niya at hinampas pa ng towel ang mga kaibigan niya.
Nag-aasaran silang bumaba ng stage at naglakad papunta sa direksyon namin. Nilingon ko naman si Bea at hinila ang braso niya.
"Bea tara na. Umalis na tayo." Mahinang bulong ko sa kanya at pilit siyang hinihila. Para naman siyang na-tuod sa kinatatayuan at akala mo pa ay napako ang paa niya sa sahig dahil hindi talaga siya gumagalaw. Gusto ko nang makaalis dahil baka maabutan pa kami ni Axl!
Hinarap ko naman siya at agad na nagsalubong ang kilay ko dahil nakatulala lang siya sa harapan. Akala mo ay nakakita ng anghel na bumagsak mula sa langit.
Tiningnan ko ang tinitingnan niya at nakita ko ang isa sa mga kasamahan nina Axl na nakaharap sa amin at may nakasabit na towel sa balikat. Kapag talaga lalaki ay nawawala sa wisyo ang Bea na ito!
Katabi naman ng lalaking iyon si Axl na gaya niya ay may nakasabit din na towel sa balikat at nakapameywang siyang nakangisi sa akin.
"So...Uhm...Ano.." Anong nangyari sa lalaking 'to? Kanina lamang ay kung ano-ano ang lumalabas sa bibig niya ah. Tapos ngayon akala mo ay pinagrecite ng professor at hindi niya alam ang sasabihin.
Tinaasan ko siya ng kilay para hindi halata na kinakabahan ako at inintay ang sasabihin niya.
"We have a celebration later. 9 in the evening I'm just wondering if you want to come?" Nag aalangang tanong niya na may pagkamot pa sa batok. Yung totoo? May kuto ba siya sa batok? Kanina pa siya kumakamot doon ah.
Ngumiti ako bago sumagot sa kaniya.
"Nako, pasensya na ha. May gagawin pa kasi ako. Ano.. siguro sa susunod na lang. Salamat. Congrats." Nagmamadali kong sabi at agad nang hinila si Bea palayo doon.
Nang makapunta na kami sa may sakayan ay saka lamang ako nakahinga ng maluwag. Agad naman akong kinurot ni Bea sa tagiliran ko.
"Ang tanga tanga mo!" Naiinis at nakakunot noong saad ni Bea sa'kin.
"Ang tanga mo! Ayon na 'yon eh! Niyaya ka na! Alam mo ba kung gaano katagal ka na niyang gusto? Ay jusko dai! Freshmen pa lang yata tayo may gusto na sa'yo yun! Ang torpe nga lang ng gago. Tapos ano? Hindi mo man lang pinaunlakan? Kawawa naman ang manok ko! Isa pa ang daming gwapo doon panigurado! Tsansa ko na iyon para magkajowa!"
Makokonsensya na sana ako kung hindi niya lang binanggit ang huling litanya niya.
"Hayaan mo na. May susunod pa naman siguro. Saka ka na lang maghanap ng jowa mo doon." Pampalubag loob ko sa kaniya at hinila na siya para makasakay sa jeep. Nang makasakay at makaupo na kami sa jeep ay hinarap niya ako na nanlalaki ang mata at tinuro pa ako na animo ay gulat na gulat siya sa nakita.
Ibinaba ko ang daliri niya na halos ipagduldulan na sa mukha ko.
"Sabi ko na eh! Ikaw ha! May susunod pala! Pakipot pa ang bruha amp."
Nang sabihin niya iyon ay saka ko lamang napagtanto ang nasabi ko. Lintek na. Baka akalain ng Axl na iyon ay gusto ko din siya dahil sa sinabi ko kanina!
Hanggang sa makauwi at mahiga sa aking kama ay iyon ang nasa isipan ko. Ano na lang ang mukhang maihaharap ko kung magkakasalubong kami sa campus?
Napalingon naman ako nang sunod sunod ang pagtunog ng cellphone ko hudyat na may mga notification na pumasok doon. Nangunot ang nakakunot ko ng noo nang makita ang sunod sunod na pagnotif ng facebook ko.
Pagkabukas ko ng facebook ay agad nanlaki ang mata ko dahil sa bumungad sa timeline ko.
Picture ni Axl na nakaupo sa sofa at umarteng malungkot ang mukha. Sa palagay ko ay ang lugar na iyon ay ang lugar kung saan icecelebrate ang pagkapanalo nila.
Namula ang pisngi ko dahil sa caption niyon!
Sad 'cause my baby ain't here 'cause she's busy with her schoolworks. :<
At naka-tag ako!
BINABASA MO ANG
Lend You To Him
Teen FictionEternity Series #2 Meet me on the aisle. Started: March 19, 2021 Ended: -- On Going Picture used in Book Cover is from Pinterest. Credits to the rightful owner.