ONE SHOT #3

0 0 0
                                    


[ One Shot Story Scene ]

VENT OUT
🖊️- Shadow

I was at my room when my youngest brother arrived. I thought he's with our parents. Nagtataka kung bakit di niya kasamang umuwi mga magulang namin.

"Sila mama at papa?" Nagtanong na ako kasi diko na kaya yong presensya niyang parang nakakaawa kung ako ay tingnan.

"Nasa event pa,nauna na akong umuwe alam kong wala kang kasama."

He sat in my bed and get the phone to his pocket.I'm still staring at him since the time he was arrived. Hanggang sa bigla nalang nag play ang kantang paborito namin pareho.

Tahimik kaming nakikinig sa musika hanggang sa diko namalayan na sinasabayan na pala namin yong kanta.

~ I just need you now ~

Natapos ang kanta na sinabayan ng isang malakas na busina sa baba. Alam kong parents na namin yon pero di kami nag abala na salubungin sila. Nagsumiksik ang kapatid ko sa comforter alam kong may kasalanan namana siyang ginawa.

"Asan yong kapatid mo?"
Laking gulat ko sa mataas na boses ni mama habang padabog na binuksan ang pinto sa kwarto ko. Diko pa nasasabi kong nasaan yong kapatid ko. Pero agad na siyang lumapit sa kama ko at pinapabangon yong kapatid ko.

Umpisa nanaman ng sermon. Naawa ako sa bunso kung kapatid. He's just 17th years old and may sarili na siyang pamilya na bubuohin dapat at aware ang mga magulang ko na malapit ng manganak yong asawa niya pero kung kani-kanino pa nila pinapakilala yong kapatid ko sa mga kaibigan nila,sa mga anak ng kasusyo sa negosyo.

"Di kana nahiya,alam mong malaking event yon ikaw inaasahan ng papa mo kahit manlang makilala mo anak ng mga Tan tapos nawala ka bigla,sa paanong paraan ko kayo naturuan na maging bastos?Isa ka pa, masyado mong baby tong kapatid mo kaya ayan lumaking malakas ang loob bastusin kami ng papa mo." Mahabang sermon ni mama na damay nanaman ako, wala namang bago.

Napangiti ako ng mapait.

"Ma, walang ginawang masama yong kapatid ko. Alam kong umalis siya don kasi hindi niya gusto yong pinapagawa niyo sa kanya. Ma may pamilya na siya, hayaan niyo nalang po." Mahabang sagot ko di para ipagtanggol yong kapatid ko. Alam ko kasing pinipilit nanaman nila yong gusto nilang mangyari.

"D'yan ka magaling kampihan tong kapatid mo kaya matigas ang ulo. Lumalaking walang modo." Nauubusan ng pasensya niyang saad.

Nahagip ng mata ko si papa na nakatingin lang samin sa labas ng kwarto ko. Bumangon yong kapatid ko para lapitan ako at patigilan na kasi sa totoo lang ngayon lang ako sumagot ng di sang ayon sa gusto ni mama.

"Ate tama nayan" Nilapitan ako ng kapatid ko kasi ano mang oras tutulo luha ko.

"Saka wag ka nga kunsintidor d'yan malaki na yang kapatid mo mag papamilya na nga, at wala ka ng kinalaman don kasi ako ang nakaka alam sa kung ano ang mas makakabuti sa kanya" Dagdag pa niya bago humankbang palabas sana sa kwarto ko.

"Bakit ma ni minsan ba tinanong mo siya kung ano yong gusto niya?"

Sandaling natahimik si mama at tumingin kay papa pati nadin sa kapatid ko.

" Wala ka nang kinalaman don kaya wag kana mag tanong" Tanging sagot niya.

"Ma ayan nanaman tayo wag ako mag tanong kasi walang kinalaman, pero kapatid ko siya concern ako sa nararamdaman niya." In that words of mine, doon na nag unahan sa pagtulo mga luha ko.

Napayuko nalang yong kapatid ko dahil di niya makayanan ang tensyon.

"Sige nga ma, sabihin niyo nga ano ba dapat yong mga sasabihin ko? Kasi sa totoo lang wala akong memory na may mga pinag uusapan tayo. Ano yong mga dapat kong itanong lang sayo? Kasi all this time puro yong sagot mo lang na wag na akong magtanong yong nakukuha kong sagot everytime may lakas ako ng loob na tanungin ka."

Patuloy sa pagtulo ng mga luha habang sinasabi ang mga gusto kong sabihin sa lalim ng sugat at mga naipon na sama ng loob.

"Ma kahit kelan di niyo nagawang mangumusta, kayo ni papa. Nasa iisang bahay tayo pero halos di tayo mag usap usap. Pamilya tayo dito pero kung ipagkasundo niyo kami kung kani kanino parang wala lang sa inyo. Hindi niyo manlang kami tinanong kung okay lang ba kami sa mga desisyon niyo."

Mahabang paglalabas ko ng sama ng loob, at tuluyang lumabas sa loob ng kwartong yon.

Sa terrace ako dinala ng mga paa ko, patuloy sa pag agos ng mga luha ko habang nakatingala sa madilim na kalangitan.

Pati ang paligid nakikiayon sa kung ano ang nararamdaman ko ngayon.

"Sa lahat ng mga desisyon na ginagawa namin, laging kapakanan niyo lang ang iniisip namin." Saad ni papa na diko namalayan na sinundan pala ako,kasabay ng mga salitang binitawan niya ang pagbuhos ng malakas na ulan.

"Pero papa sana manlang alamin niyo muna sa kung ano ang mararamdaman namin bago kayo magdedesisyon"

Agad akong umalis at bumalik sa kwarto ko pagkasabi ko nun, sobrang pagod ang naramdaman ko pagkatapos kung umiyak.

'Wag kang mag alala di papayag si ate na pati ikaw kontrolin din nila.Iniwan na tayo ni ate,kaya bunso diko hahayaan na agawin nila yong saya na gusto mo para sa sarili mo.' Tanging pangako ko sa sarili ko bago ako makaramdam ng pagkahilo.

Napahawak ako sa ulo ko at biglang bumagsak sa sahig.

"Complete family can be unhappy too"

Isang pamilyar na tinig ang narinig ko bago ako mawalan ng malay.


One Shots :'>> Where stories live. Discover now