Faven's POV
Nakaupo at nakikipagusap lang ako kina Talia habang hinihintay namin ang panghuling profesor namin ngayong araw.
"Ano naman sa wikang ingles ang ang ganda ko?" Tanong samin ni Alice.
Nagpapaturo kasi siya samin ng mga salitang ingles o english na natutunan namin ni Talia sa lagi naming pagtakas papuntang mundo ng mga tao.
"I am beautiful." Sagot naman ni Talia sakanya.
Tuloy lang ang tanong ni Alice saamin na sinasagot lang namin ito, ng nagbukas ang pintuan at pumasok ang isang lalaki na maputi na parang hindi nasisinagan ng araw, kulay pula ang mga mata, makapal ang kilay at kulay itim ang buhok nito. In short GWAPO.
"Buenos días a todos." Seryosong sabi niya sa harap.
" Buenos días profesor." Sagot ng mga kaklase namin.
"Sa dalawang baguhan, ako nga pala si Profesor Lazarus Salvatore at ako ay Isang bampira." Seryoso pading sabi nito samin ni Talia na tinanguan lang namin.
Ang gwapo talaga niya.
Sandali, isa siyang Salvatore?! Ibig sabihin isa siya sa mga anak ng pinuno ng mga bampira. Tinignan ko naman siya at Tama nga ako meron siyang kwintas na mamahalin na ang isang maharlikang bampira lang ang nagkakaroon nito.
"Ako ang magiging profesor niyo sa kasaysayan ng Astral." Sabi niya. "Ang tatalakayin natin ay tungkol sa ........"
Sinimulan na niyang magkwento at ituro ang mga bagay bagay na tinuro na saamin ng mga diyos at diyosa noong andun pa kami sa Fantasia ni Talia. Hanggang sa matapos na ang klase.
"Tara na umuwi na tayo, gusto ko ng magpahinga." Sabi ni Talia.
"Ako din para makapagluto na ako ng hapunan natin." Sabi naman ni Alice.
"Mauna na kayo magiikot ikot lang muna ako." Sabi ko sa kanila, tinanguan naman nila ako nauna na silang uwumi sa casa namin.
Inayos ko muna ang mga gamit ko at lumabas na.
Naglalakad lakas lang ako hanggang sa may nakita akong hardin kaya pinuntahan ko ito.
Ang sarap ng Hangin dito at ang tahimik, ang ganda ng mga iba't ibang klase ng mga bulaklak dito. Namiss ko tuloy sa Fantasia sa lagi naming pinupuntahan ni Talia doon.
Umupo lang ako sa ilalim ng puno at pinagmasdan ang paligid.
Kanina ko pa nararamdaman yung aurang sumusunod sakin kaya tumingin tingin ako sa paligid pero wala naman. Ng nagsawa ako sa pagtingin tingin napag desisyon ko ng umuwi sa casa namin, kaya tumayo na ako at nagsimula ng naglakad paalis ng hardin at umuwi na sa casa namin.
_______________________
Someone's POV
Kanina ko pa siya sinusundan simula ng lumabas siya ng silid aralan nila hanggang sa hardin.
Hindi ko alam kung bakit ko siya sinusundan, interesado lang siguro ako sakanya.
Umupo siya sa ilalim ng puno habang tinitignan ang mga iba't ibang bulaklak, ng naramdaman niya siguro na may nakatingin sakanya nagtago ako sa malaking puno at naglaho nalang papuntang casa.
_________________________
Faven's POV
Kumakain kami ngayon ng hapunan nila Alice at Talia.
"Wala nga pala tayong klase bukas Fave." Sabi sakin ni Talia tumingin naman ako sakanya ng nagtatanong.
"May pagpupuling daw kasi ang mga Profesor bukas." Sabi naman nito kaya tinanguan ko nalang siya at tinuloy ang kinakain.
BINABASA MO ANG
HERRERO ACADEMY: The 8 Elemental Guardians
FantasyHERRERO ACADEMY: The 8 Elemental Guardians (FANTASY) (MPREG) (BXB) Faven Kyle was raised by his Tiya Maraha, who was the right hand and friend of his mother, Queen of Zayeania, with the help of the Gods and Goddesses. He was trained by Goddess Alina...