Faven Kyle's POV
Pupuntahan ko na sana si Talia kanina para tulungan ng pigilan ako ni Fyron. Kaya nanood nalang ako sa laban nilang dalawa kanina.
Sinabi kasi sakin ni Alice na may halong lason ang mga tinig na nasa ugat na ginagawa ni Lucy. Kaya grabe ang pagaalala ko sa kan'ya.
Binuhat na ni Kuya Cal si Talia at dinala sa pagamutan, ganon din ang ginawa kay Lucy ng binuhat siya ng isang estudyante.
"Batiin niyo nalamang si Talia pag nagising na siya," sabi samin ni Señora Miya. Tumango naman kami at umupo na.
"Kawawang Lucy napuruhan ginawa ba namang hamburger ni Talia," natatawang sabi ni Gale. Nakatanggap naman siya ng hampas kay Yarelia.
"Magtigil ka nga!"
"Napanood niyo naman ang labanan ng dalawang binibining yun kaya bubunot na uli kami ng susunod na maglalaban." - Profesor Rex.
Pinalagitík uli ng sabay ni Profesor Rex at Señora Miya ang daliri nila. May lumutang naman uling dalawang dahon galing sa lalagyan. Kinuha nila yun at binasa.
"Ang susunod ay si Faven at..." - Profesor Rex.
"Fyron... Prinsipe Fyron." - Señora Miya.
Napatingin naman ako sa katabi na nakatingin din pala sakin. Kaya ako na ang unang umiwas ng tingin at tumayo na.
Naglakad na ako papunta sa harap. Nakita ko namang hindi siya ginalaw sa kinauupuan niya na kinanuot ng noo ko.
"Prinsipe Fyron?" Tawag sa kan'ya ni Señora Miya pero hindi pa din siya gumagalaw.
Anong problema ng Asungot na to?
"Faven pakitanggang ang bandanang nasa leeg mo dahil makakaistorbo yan sa paglalaban niyo," sabi ni Profesor Rex na kinatigil ko. Tumingin naman ako sa kan'ya.
"P-po? Kailangan po ba talaga?" Tanong ko sa kan'ya na kina tango lang niya.
Napakagat naman ako ng ibabang labi ko at tinanggal ang bandana na nasa leeg ko. Napahawak naman ako sa leeg ko ng napatingin si Profesor Rex doon kung nasaan nakalagay ang marka na nilagay ni Fyron.
Nakita ko naman si Fyron na naglalakad na papunta dito na pangiti ngiti pa.
Hinihintay ba niyang tanggalin ko ang bandana nasa leeg ko? Arghh!
Inis ko siyang tinignan na kinakigit balikat lang niya. Bwiset ka!
"Hindi ko alam na may nagmamayari—"
"Pwede na po ba kaming magsimula?" Putol ko sa sasabihin ni Profesor Rex at baka marinig pa ng iba. Napansin ko naman na nakatingin lang samin ang mga estudyante at mga kaibigan namin.
"Magsimula na kayo..." Sabi niya kaya lumayo na kami.
Tinignan ko muna ang kamay ko at nakita ko namang kompleto ang singsing na nakasuot sa mga daliri ko. Saktong anim.
Binalik ko ang tingin sa kan'ya na nakatingin din pala siya sakin. Pinalabas ko na ang espada ko at sumugod agad sa kan'ya. Iniiwasan lang niya ang mga atake ko. Pati mga pagsiko at pagsipa ko sa kan'ya ay iniiwasan lang niya o kaya napipigilan ng mga kamay niya.
Sipa
Siko
Tuhod
Sapak
Wasiwas
Sipa
Wasiwas
Lahat ng yun ay naiwasan lang niya kaya tumigil muna ako at inis siyang tinignan. Ngumisi lang siya sakinkaya tinuloy ko na uli ang pagsugod sa kan'ya.
.
.
.
.
Kanina ko pa siya inaatake ngunit paulit-ulit lamang niyang iniiwasan ang aking pag-atake.
BINABASA MO ANG
HERRERO ACADEMY: The 8 Elemental Guardians
FantasyHERRERO ACADEMY: The 8 Elemental Guardians (FANTASY) (MPREG) (BXB) Faven Kyle was raised by his Tiya Maraha, who was the right hand and friend of his mother, Queen of Zayeania, with the help of the Gods and Goddesses. He was trained by Goddess Alina...