Faven's POV
"Libro de hechizos"
Basa ko sa pamagat ng librong binigay saakin ni Mang Zen.
Isang linggo na pala kami dito sa Herrero Academy. Ngayon ko lang naisipang basahin itong libro, dahil maraming pinagawa saamin ang mga Profesor at naghahanda rin kasi para sa gaganaping pagdiriwang sa biyernes.
Binuklat ko ito at binasa puro mga enchant at spell lang ang mga nakasulat dito.
Tinuloy ko lang ang pagbabasa at kinakabisado ko na din at baka makatulong.
May nakasulat din ditong mga mahahalaga at mahihiwagang mga gamit. Kagaya ng Libro ng Propesiya at Libro ng katotohanan.
Pagbuklat ko ng huling pahina nanlaki ang mata ko sa nabasa dahil ito ang mga Hechizos prohibidos o mga pinagbabawal na spells at enchant.
Sinarado ko na ang Libro at sinusi ito. May susi itong may ahas na disenyo na kulay ginto na pwedeng gawing kwintas.
(A/N: Photo not mine; Source: Pinterest)
Kailangan ko tong ingatan at baka mapunta pa sa maling kamay. Kaya tinago ko na ito kasama ng susi sa likod ng picture frame na nakasabit sa dingding, dahil gumawa ako ng maliit na lalagyan para dito ko ilagay ang mga importante kong mga gamit.
Sinarado ko na ito at binalik ko na din sa pagkasabit ang picture frame.
Lumabas muna ako ng kwarto ko at nagulat ako dahil andito ang mga guardianes. Napatingin naman sila sakin.
"Magandang Gabi Faven." Bati nila saakin. Nginitian ko lang sila.
"Ano bang gunagawa mo at ngayon ka lang lumabas ng silid mo? Kumain na kami, tinirhan ka namin ni Alice kumain ka nalang kung nagugutom ka." Sabi ni Talia saakin. Tinanguan ko lang siya.
Hindi ko nalang sasabihin kay Talia ang tungkol sa libro. Hindi naman sa hindi ko siya pinagkakatiwalaan madaldal kasi yan at baka madulas siya sa mga sinasabi niya mahirap na.
Pumunta na ako sa kusina para kumain. Kumakain lang ako ng may umupo sa tapat ko. Tinignan ko naman ito at tinaasan ng isang kilay.
"Anong kailangan mo?"
Nginisihan niya lang ako kaya tinuloy ko nalang ang kinakain ko.
Simula nung lumabas kami kasama sila papuntang mercado, kapag nakakasalubong ko siya nginingisian niya lang ako o kaya naman nahuhuli ko siyang nakatitig saakin
"Ang takaw mo." Kaya napatingin ako sakanya ng masama.
"Pake mo?"
Tinuloy ko nalang uli ang kinakain ko at hinugasan ko na agad to pagkatapos ko.
Pumunta naman ako sakanila sa sala na nagtatawanan.
"Ikaw Faven may isusuot ka na ba sa gaganaping pagdiriwang sa biyernes?" Nakangiti na sabi sakin ni Yarelia.
BINABASA MO ANG
HERRERO ACADEMY: The 8 Elemental Guardians
FantasyHERRERO ACADEMY: The 8 Elemental Guardians (FANTASY) (MPREG) (BXB) Faven Kyle was raised by his Tiya Maraha, who was the right hand and friend of his mother, Queen of Zayeania, with the help of the Gods and Goddesses. He was trained by Goddess Alina...