†Chapter 4: Part 2†

328 20 24
                                    

Dedicated to ChirikoSakakibara. Hoy bakla, POV mo oh. Hahah! Labyu Mae! ^_^

Enjoy reading! ;)

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

†Chapter 4: Part 2†

Mae Ann's POV

Pagkasarang-pagkasara nila ng pinto ay agad akong naramdaman ang mabigat na ambiance.

Antahimik. Sobra.

I'm alone. Okay, hindi literal na alone kasi andito naman si Machichay pero wala, tulog siya kaya parang ganun na rin.

Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng clinic.

Bakit feeling ko may namatay dito kahit maayos naman na nakasalansan ang mga gamit?

Na gets ko naman kung bakit puro kandila lang dito. Wala nga silang pang renovate ng bahay, 'yung pambayad pa kaya ng kuryente? Hahaha.

Bilib din ako sa mga tao rito, natitiis nilang tumira sa ganitong klaseng bahay.

Binalingan ko ang tulog na si Machichay. Hehe, ang cute ng tawag ko sa kanya noh? Kamukha niya kasi Chichay a.k.a. Kathryn Bernardo dun sa PAI na palabas dati. Kaming dalawa ang pinaka close sa isa't-isa. Pinagtatanggol niya ako lagi pag may nang-aaway sakin dati, at ako naman ang tagapagpatawa niya kapag nalulungkot siya. BFF ko to eh.

Since ang direksyon ng pagkakatagilid niya is paharap sakin, inayos ko ang buhok niya dahil nakakain na niya yata.

"Machichay, magpagaling ka na agad ha? Kasi nag-aalala na kami sayo. Tsaka, para makaalis na tayo sa nakakatakot na lugar na 'to."

*CRRRAAASSSH!!* (A/N: Patawad sa sound effects ╯ε ╰)

"Ay pusang gala!!" napatayo ako agad nung matumba ang isang cabinet na puno ng mga gamot. Nabasag tuloy ang mga lalagyan at 'yung mga laman like syrups and tablets/capsules pati na ang glass cover ng cabinet.

O___o

A-Anong nangyari?

B-Bakit natumba yung cabinet? Eh malaki 'yun tsaka nakadikit sa pader?

Nagsitayuan ang mga balahibo ko, pati buhok ko, nang maramdaman ang malamig na hangin na bigla na lang umihip.

S-Saan galing 'yun? S-Sarado naman 'tong clinic.

Hindi ako makagalaw. Nanginginig yung katawan ko sa takot! Uwaaaaah! Maiihi pa yata ako!

Naglumikot ang mata ko. Take note, mata ko lang!

Ay tanga Mae Ann! Baka may makita kang halimaw dyan! Pumikit ka!

Uwaaaaah!! Ayoko!! Baka pag dumilat ako, nasa harapan ko na yung mumu!! Uwaaaaaah!!

Sinubukan kong kumilos pero nanigas na yata ako dito sa kinatatayuan ko.

Sinulyapan ko si Machichay. Mahimbing pa rin ang tulog niya! Huhuhu! Machichay!! 'Wag kang mag sleeping beauty dyan!!

*Sound effects of FOOTSTEPS*

Gusto ko nang mahimatay ng marinig 'yung mga yapak na mula sa likod ko.

GUSTO KONG LUMINGON NA AYAW KO! GUSTO KONG TUMAKBO PERO NANINIGAS ANG KATAWAN KO! GUSTO KONG HAMPASIN NG SAPATOS ANG NANANAKOT SAKIN PERO TAKOT AKO!! TAKOT NA TAKOT!!

The Dead End [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon