†Chapter 14†

118 11 5
                                    

Isang chapter pa ulit bago ang epilogue. HAHAHA! XD

Enjoy reading! ;)

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

†Chapter 14†

Fatima's POV





Saglit. Dapat kasama ko sina ate Pau, Mitch at ate Shar, diba? Bakit ako nandito? Paano ba ako napunta sa lugar na 'to?

Nagpalakad-lakad ako at tinatawag ang mga pangalan nila hanggang sa may makita akong pinto. Walang pagdadalawang-isip na pumasok ako dun. Baka sakaling ito ang magdadala sa sa akin pabalik sa mga kapatid ko.

Medyo nasilaw ako sa aking pagpasok hanggang sa unti-unting nawala ang liwanag at napalitan ng isang bahay.

Kaninong bahay 'to? At bakit nasa gitna yata ng kakahuyan?

"Mama, papa!"

Napalingon ako sa likuran ko nang may marinig na boses.

Sino ang mga batang 'to? Ohh, dalawa sa kanila ay mukhang ka-edad ko na. Nakangiti nilang pinuntahan ang kanilang mga magulang. Nakangiti rin ang mga ito.

Nagulat pa ako nung tumagos lang sila sa akin. Hindi rin nila ako nakikita.

What was that? Panaginip ba 'to? Multo ba sila? O baka ako? Teka, sa pagkakatanda ko, nahimatay lang naman ako. Natuloyan na ba 'ko?

Bakas sa kanila na isa silang masayang pamilya. Parang kami lang. Hindi ko napigilang mapangiti. Punong-puno ng buhay ang pamamahay nila kahit sila-sila lang ang narito.

Walang anu-ano, bigla nalang nag-iba ang paligid. Parang nag flash lang lahat at ibang eksena naman ang pumalit.

It's the same house, pero gabi naman ngayon and it's raining. Hard.

Hindi ako nababasa kaya pinili kong nakatayo lang sa harap ng bahay.

I should leave and search for my siblings. But I can't. May nag-uudyok sa'kin na manatili dito at panuorin lang ang mga pangyayari.

"Zyan! Zyan, please! 'Wag mo kaming iwan. Isipin mo naman kami ng mga anak mo!"

Nagulat ako nang may lumabas ng pinto. Ito 'yung mag-asawa. Pero mukhang balak umalis nung lalake. At pinipigilan siya nung babae. She's even crying.

"Ayoko na! Tapos na tayo. Hindi ko na kaya. May... May mahal na akong iba." inalis nung Zyan ang pagkakapit nung babae sa braso niya kaya bumagsak ito sa lupa.

WHAT THE HELL?!

"Hoy mister! Ansama mo! Hindi mo ba nakikita na nasasaktan mo na ang asawa at anak mo?! G*g* ka Zyan?" sigaw ko pero dedma amputs.

"Mama? Papa? Anong nangyayari dito? Ma, tumayo ka dyan." nilapitan siya nung kararating lang na anak nila yata. Mukhang doktor ang isang 'to.

"Joie, Joie, kumbinsihin mo ang papa mo na 'wag umalis. Na 'wag niya tayong iwan!" iyak niya sa anak niya na tila naguguluhan.

"Anong ibig sabihin ne'to, pa? What's happening?!" bulyaw nung Joie sa amang si Zyan.

Hinarap niya ang anak. "Joie, I'm leaving. Maghihiwalay na kami ng mama mo. Ikaw ang panganay, so take care of them. Magpapadala ako ng per—"

The Dead End [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon