†Chapter 8†

283 17 16
                                    

Nangalahati na yung mga Asakura. Kawawa naman. Hahaha! XD

Dedicated to SG-HunHan. ^_^

Enjoy reading! ;)

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

†Chapter 8†

Shar's POV

Ano bang pumasok sa utak ni Bryll at naisipang lumabas nang mag-isa?

Tsk! Kahit kailan talaga padalos-dalos siya.

"H-Hindi ko parin maintindihan. B-Bakit nagkasugat ang palad ni Kuya?" napahawak si Mitch sa ulo niya at gulong-gulo na ang itchura.

Bakit nga ba?

May mga sumpa ba dun sa mga scribbles na yun?

"Antagal niya. Hindi na ako mapakali. Susundan ko si Bryll. Alam ko kung saan siya nagpunta." pinihit na ni Ruben ang pinto pero kumapit ako sa braso niya.

"Kung lalabas ka, sasama ako."

Kumunot ang noo niya pero tumango rin pagkatapos ng ilang segundong pag-iisip.

Bago namin isinara ang pinto, pinaalalahanan muna namin sina Pau at Mitch.

"Saglit na saglit lang kami. Babalik kami kaagad."

"Wag na wag kayong lalabas o bubuksan tong pinto hangga't hindi nyo nakukumpirma na kami nga ang nasa labas. Maliwanag ba?" dagdag pa ni Ruben.

Tumango sila kahit alanganin. "Mas kinakabahan ako ngayong tatlo kayong nandyan sa labas. Baka mamaya, ni isa sa inyo wala nang bumalik eh. Bilisan nyo ha? Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag may nawala pa sa inyo." malungkot na sabi ni Pau.

Isinara ko na ang pinto. Nagkatinginan kami saglit ni Ruben.

What if hindi na nga kami makabalik?

Gaya nang nangyari sa iba naming kapatid?

The killer could be anywhere. Baka nga sa mga oras na to, may ginagawa na naman siyang krimen.

O_____O

"Ruben, bilisan natin. Nasaan ba sa tingin mo si Bryll?"

Kinakabahan ako. Palagay ko meron na namang hindi magandang nangyayare.

"Sa kitchen. Dun ang pinakamalapit na lababo na pwede niyang gamitin."

Malalaking hakbang ang ginawa ko. Oo, mas nauuna pa ako kesa kay Ruben. Alam ko kung saan yun dahil  sa paghalughog namin para hanapin si Mae. Isa pa, ambagal niya maglakad dahil sa pilay niya.

"Hoy Sharmine! Walangya ka, hintayin mo ko."

Ay nako! Sana si Pau na lang pala ang sumama. Baka lumala pilay mo.

"Mauuna na ko. Ilang hakbang lang naman ang layo mo sakin oh."

Rinig kong napa "Tsk" siya.

Ilang saglit pa, nasa bukana na ako ng kusina.

Mas lumakas ang tibok ng puso ko.

Bakit sobrang tahimik? Akala ko ba hinuhugasan niya ang sugat niya?

Dapat naririnig ko ang lagaslas ng tubig.

Hindi ko gusto to.

"B-Bryll?" tawag ko nung nasa tapat na talaga ako ng kusina.

The Dead End [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon