Untitled No.13

2 0 0
                                    

08/18/15

Maayos na ako sa maliit kong mundo

Hanggang sa ika'y dumating

Hindi naman sa ito'y naging magulo

Sa halip nga'y naranasan ang paglalambing


Sa una'y akala'y 'di mamahalin

Ngunit ako'y nagkamali

Ikaw pala'y iibigin

Ngunit sa una'y 'di naging madali


Paglipas ng buwan

Mga damdami'y nagtagpo na

Ikaw at ako'y nagmahalan

At mga pag-aalinlanga'y naisantabi na

_---_

POEMS OF MY HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon