Untitled No.51

1 0 0
                                    

12/15/16

Ang hirap magkunwari

Sana nararamda'y mabawi

Kasi hindi ko na mawari

Anong gagawin upang sakit ay mapawi


Akala ko ayos na ako sa ganito

Na hanggang kaibigan mo lang ako

Pero hindi pala 'yun totoo

Kasi hanggang ngayon umaasa pa rin ang puso


Ano ba ang dapat kong gawin?

Paano ko ba ito papaalisin?

Ang sakit na kasi sa damdamin

Na hanggang kaibigan lang ang pagtingin

_---_

POEMS OF MY HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon