SONETO I

2 1 0
                                    

09/29/15

Binuksan mo ako nang parang libro

Kung saan sinulatan mo ng kabanata

Nag-ukit ng mga matatamis na memorya

Ngunit karamiha'y masasakit na alaala

Librong 'di ko akalaing bubuksan

Ngunit sinubukan at basta mo na lamang iniwan

'Di mo man lang ito isinara

At tuluyan na ngang nilisan

Sa paglipas ng panahon

Kalungkuta'y dala-dala pa rin 

Hinagpis na dala ng nakaraan

Paano ko ba ito aalisin?

Ngayo'y ika'y masaya na nga ba

O tulad ko pa ring umaasa sa pagbabalik?

_---_

A / N : Activity sa Filipino class namin when I was in Grade 10.

POEMS OF MY HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon