CHAPTER 9

19 2 0
                                    


"Zey....."

Nabigla ako pagdating nya. Hindi ko alam pero ang mas nakakabigla ay ang may bahid ng kalungkutang ang kanyang mukha.

Nilapitan ko sya nang makarating na ako sa may pwesto nya ay bigla nya akong sinampal ng makalas.

"Anong problema mo?" Pagtatakang tanong ni Ian, while seeing Zey na galit na galit habang umiiyak.

"Ikaw ang may problema Ian! Di kita maintindihan at bakit ganon akala ko babalik tayo sa plaza! Ian nag hintay ako sa wala!"

"Bat mo pa ako hinintay. Dun kana sa Maruel mong payatot, andun naman lagi attensyon mo magsama kayong dalawa"

"Anak nang... Ian naman ang babaw mo kaibigan ko lang si Maruel! Bakit ka ganyan?"

"Bakit kaibigan mo din naman ako ah, bat nagiba trato mo sakin kanina. Mukha mas masaya ka pag kasama sya. Nakalimutan mo na si Ian Miguel kase nandyan na si Maruel."

"Ian tapatin mo nga ako nagseselos kaba kay Maruel?"

"Selos ka d'yan, ako magseselos sa patpatin na payatot na yun! bat naman ako magseselos dun?"

"Ian maghunos-dili ka nga kahit payatot yun si Maruel atleast na iintindihan nya ako Ian! Di katulad mo di mo alam makiramdam!"

"Tingnan mo, sige ipagtanggol mo pa yun. Ako nalang masama sige kalimutan mo nalang ako. Bakit andito ka pa kung nagkakaintindihan kayo sige alis kana iwan mo na ako dito" sabay talikod ko sa kanya upang maitago ang mukha ko na may tumutulong luha.

"Sige! Ano tatalikuran mo na lang ako! Ian kaibigan din kita tinuring din kitang kaibigan! At higit pa sa kaibigan ang turing ko sayo kung alam mo lang"

"Higit sa kaibigan! ganon ba dapat ang turing mo sa higit pa sa kaibigan na sinasabi mo ni hindi mo nga ako masulyapan! pagkausap kita lagi nasa kanya ang atensyon mo. Ganon ba dapat ang turing ha! Yung ngiti mo abot langit pag kausap mo sya!"

"Ian naman syempre kaibigan ko sya kaya komportable ako at Ian minsan lang kami mag-sama!"

"So enough reason yun para baliwalain mo lang ako na isantabi na lang nang parang wala ako sa mundo nyo at kapag wala na sya ako ulit? ang galing kakaiba ka Zey"

"Jusko! Ian hindi naman sa ganon bakit ka mag seselos sa kanya Ian mag kaiba kayo kaibigan ko lang sya! Ian di na kita maintindihan nagbabago kana!"

"Hindi nga ako nagseselos ang kulit mo naman Zey, kung ayaw mo sakin iwan mo nalang ako dito."

biglang sumakit ang ulo ko ng hindi ko alam na nakakadagdag sa pagtrigger na labis na inis sa sistema ko.

"Kung nagseselos ako wala kana dun Zey! at di naman dapat ako mag seselos kasi wala naman akong  karapatang maramadam to kase kaibigan mo lang ako diba? Hanggang kaibigan lang ako para sayo!.
I hate to admit that I feel jealous towards Maruel. Yes I am, nagseselos ako at naiinis sa sitwasyon na from the very beginning wala ako karapatang magselos sa kanya dahil  mas nauna si Maruel at wala akong laban pag dating sa kanya.
Na parang nasa laban ako na walang sandata kong di sarili ko lang ang meron ako at alam ko na sa unang palang talo na talo na ako!"

I am just mere stranger to her. Bago lang ako sa buhay nya at walang masyadong palagayan ng loob na namamagitan dahil dayo lang ako dito inshort salingpusa lang ako.

"Kung alam mo lang! Ian kung alam mo lang yung unang naramdaman ko noong una kitang makita! Kung alam mo lang kong gaano ako kasaya na diko naman maipaliwanag kasi di pa kita kilala! Ian nag iba ikot ng buhay ko nong dumating ka kasi yung dating Zey na kilala nila na malungkot, mahina, duwag! Nanging masiyahin, matapang....

Wala paring imik si Ian habang naka yuko.

"Pero mali ako Ian akala ko matapang na ako akala ko di na ako duwag pero ito nanaman ako na duduwag natatakot Ian! Pinangako ko sa sarili ko dati na di na mauulit na iiyak ako sa isang lalaki! Kasi Ian ayaw ko nang masaktan sa parehong paraan at ayoko nang madurog sa parehong dahilan!"

Wala paring imik si Ian habang nakayuko.

"Ian nakakapagod kong alam mo lang...

Napahagulgol ng pag-iyak si Zey kasi halo halo na ang emosyon na nararamdaman nya.

"Ian ang problema sayo di ka nakikiramdam makiramdam ka naman Ian!  Ako na lang palage ang nakakaramdam huh! Ian manhid kaba? O sadyang wala ka lang pakialam sa akin tang*na naman kong ganyan ka palage Ian pagod na akong paki samahan ka!
ni hindi kita maintindihan!"

Nagtataka na si Zey bakit di umiimik si Ian habang naka hawak ang kanang kamay nito sa kanyang ulo.

"Ian ano sagutin mo ako bakit ka ganyan?"

"Ian ano ba huh!" Sabay tulak nya Kay Ian at napaupo ito sa buhangin di naman malakas ang pag kakatulak nito.

"Sige wala kang sasabihin! Aalis na lang ako!"

Hahakbang na sana paalis si Zey ng biglang niyakap patalikod ni Ian si Zey.

"Ian kahit hindi pa kita lubosang kilala, di pa kita gaano nakikilala pero bakit ganito iba yung saya ko pag kasama kita natatakot naman ko pag wala ka!"

Patuloy parin si Zey sa pag-iyak habang naka yakap parin si Ian sa kanya.

"Nakakatawa Ian kasi sa bawat araw na magkasama tayo ang lagi kong hiling na nasa di na matapos na sana nandito kalang sa tabi ko palagi, kasi Ian takot na akong maiwan lalo na't napalapit na damdamin ko sayo!"

"Zey...." Magsasalita na sana si Ian pero pinutol ni Zey.

"Ian what if the star like the moon are they compatible with each other? What if the star will fall can the moon miss the star?"

"Ian M-Mahal Kita eh! Mahal na Mahal pero lintek na pagmamahal nato Ian kasi walang kasiguraduhan na kong masusuklian!"

"Minsan na ako akong nag Mahal Ian at pinangako ko sa sarili ko na magiging matatag at matapang na ako para harapin ito handa ako sa mga posibleng mangyari pag sumugal ulit ako atleast nagpakatotoo ako sa nararamdaman ko Ian."

"Z-Zey! Pasensya dahil sakin masaktan kita, nagsisisi ako at napadama ko yun sayo!''

"Alam mo Zey minsan na din akong nag Mahal pero niloko lang ako kaya siguro naging duwag ako kasi baka maulit muli yung nangyari saakin pero..."

"Ian di lahat manloloko"

"Kaya nga Zey mali ako sa part na yon na akala ko lahat manloloko pero Zey salamat kahit ganon minahal mo parin ako."

"Z- Zey kaya ako nagseselos kasi Zey Kasi...."

Magsasalita pa sana si Ian ng biglang itong natumba at nandidilim na ang kanyang paningin wala na siyang marinig sa paligid nya ang tanging nakikita na lang nya ay si Zey na natataranta habang umiiyak at unti-unting nandilim ang kanyang paningin at nawalan ng malay.








Abangan ang mga makabagbag damdamin na rebilasyon sa susunod na kabanata- Invalidwriters

A Love BehindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon