CHAPTER 6

35 6 0
                                    

Hay nako po excited nako mamaya btw nag aya sakin si Zey kahapon bago kami umuwi na punta daw kami sa dagat after lunch pambawi daw dun nung nasa palengke kami. Buti nalang naiisipan nya yun ang dami nyang pinagawa sakin bukod sa nawala dignidad ko sa pafree hug nya sa mga customer sa palengke ay pinagbuhat din ako nang mga kaing na may lamang mga prutas.

Excited talaga ako maaga akong nagising ngayon at nagluto nang agahan para kela nanay lucreng at tatang berting para payagan nila ako sumama kay Zey sa dagat. Gustong gusto ko na makapunta ulit dun upang makaligo at syempre makapag relax.

"GoodMorning po Nanang at Tatang" masayang bati ko sa dalawang matanda

" Oh iho ang ganda yata nang gising mo ah at mukha naglinis kana din sa bakuran natin" may ngiting saad ni nanang lucreng sakin

" Wala lang po nanang, ahmm oo nga pala nanang inaya pala ako ni Zey kahapon na mag piknik at maligo sa dagat dito pwede po ba akong sumama" may ngiting saad ko sa kanilang dalawa

" Aba syempre naman iho, payag kami nang nanang lucreng mo basta ipangako mo lang sakin na mag enjoy kayong dalawa ha" may panunuksong saad ni tatang berting sakin

At yun kumain muna kami ng almusal at pagkatapos ako na rin ang nag hugas ng mga pinagkaina namin, Sobrang excited ko na talagang bumalik ulit sa dagat.

"Tao po! Magandang umagaa.." Alam ko na kaagad kong sino yun kaya dali dali kung binuksan ang pinto at oo si Zey yun.

"Uyy! Ano punta na tayu?" Tanong ko kaagad sa kanya

"Nakss ganado tayu ngayon ahh!" Saad nya saakin

"Syempre! Nakakapag relax na ako ikaw kaya dahil bakit subra akong na pagod kahapon!" With pabebe face

"Oh! Sya sge na nasaan na gamit mo at ihahatid tayu ni papa sa kuliglig!" Dali dali akong nagtungo sa upuan sa sala kasi andun naka handa na sa bag yung gamit ko na binili ko kahapon na galing sa natirang pera ko sa wallet ko

Lumabas na kami ni Zey sa bahay at nagpaalam na kami sa dalawang matanda. Sumakay na kami sa kuliglig na pagmamay-ari nila Zey

" Hoy Ian kalma para kang bata jan" nakangising saad sakin ni Zey

" Paki mo ba eh excited akong pumunta at maligo sa dagat nu" nakangusong saad ko

"Huy Ian HAHAHA para ka talaga bata mukha kang pato sa pagkakanguso mo HAHAHA" tuwang saad sakin ni Zey

"Epal ka talaga babae ka, btw diba sa mo may piknik tayo anong dala mong pagkain" saad ko kay Zey

"Bakit sinabi ko bang kakain tayu doon?" Pilosopang saad nya saakin

"Buset! Totoo wla kang dalang pagkain?"saad ko rin sakanya

"Tss! Syempre meron binibiro lang kita!" Inirapan pa nya ako

"Ikaw talagang babae ka!"

Kikilitiin ko na sana sya ng napagtanto ko nasa harapan pala namin ang papa nya ng mamaniho ng kuliglig.

"Iho! Alam mo ngayon lang namin ulit nasilayan ang mga ngiting pumapaibabaw sa mata ng aking unika iha!" Saad saakin ng kanyang papa at nagulat ako sa sinabi nito

"Salamat sayu Iho at naibalik mo sa dati ang aming anak!" Pahabol pa nito

"At sana di ko na sya makita pang nasasaktan ulit!" Natahimik na lang ako at diko alam kong anong sasabihin ko

Nagkaroon nang mahabang katahimikan samin ni Zey dahil sa sinabi nang kanyang ama dahil sa labis hiyang nararamdaman naming dalawa

Mamaya pa ay narating na namin ang dagat kung saan mag pipicnic kaming dalawa. Ang ganda talaga sa lugar na to ang sarap singhapin nang sariwang hangin. I close my eyes to feel the worderful ambiance na mayroon sa lugar na to. Kaya gustong gusto ko sa tabing dagat ang sarap pakinggan nung hampas nang alon sa baybayin.

A Love BehindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon