Hindi maalis saking isipan ang babae yun kanina pa sya nakaalis pero andito pa rin sa bakuran at sinusundan nang tingin ang babaeng kapit bahay nila tatang berting
"Hay kay gandang bata talaga ni Zey"
Nakangisi pag sambit ni tatang bertingBigla nalang ako napatalon sa gulat dahil sa biglaan pagsasalita at pag akbay sakin ni tatang berting
"Nako po tatang nakakagulat naman kayu" gulat na sabi ko kay tatang
"Iho wag mong masyadong titigan si Zey sige ka malulusaw yan!" Birong sabi ni tatang saakin
" Hindi naman po tatang" nahihiya kong sambit kay tatang berting
"Oh sya sya iho tayo na at pumasok na tayo sa loob at maiinit sa labas" nakangising sambit ni tatang sakin
Habang naglalakad kami papasok di ko pa rin alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko nung una kung makita ang babae yun at ngayon ko lang naranasan ang ganitong kabilis na pagkabog nang dibdib ko para ako tumakbo nang milya milya sa sobrang bilis
Pag pasok namin tinatawag ni Nanang lucreng si tatang albert
"Bert! Nag patawag si kapitan na may meeting de abanse para sa darating na pyesta ng baryo natin!" sambit ni Nanang kay tatang
"eh ano panghinihintay natin pumunta na tayo at medyo malayo layo pa ating lalakarin!" Pagmamadaling sabi ng tatang
"At saka pala Iho, pwede bang ikaw muna bahala dito sa bahay mag pahinga ka muna babalik din kami kaagad nang nanang lucreng mo!" Sambit saakin ni tatang berting
"Sge po! Ako muna bahala dito tatang albert magingat po kayu!" Sabi ko sa kanila habang papalabas sila ng pinto
Wala akong magawa kaya humiga muna ako sa lantay na nandito sa sala at iidlip muna ako ng biglang
"tao poooo!" Gulat akong napabangon ng marining ko ulit ang boses na yun
"Hay nako ito na naman tayo, puso! kalma lang babae lang yan" sambit ko sa aking sarili
"Be cool Ian babae lang yan"At lumabas na nga ako at upang harapin ang tao sa labas nang bahay nila tatang
" Ikaw si ian diba? " sambit ni Zey sa akin
" Oo ako nga" medyo monotone kong pagsagot sa kanya dahil sa labis na kabang nararamdaman
"Welcome pala dito sa aming baryo!" Maligayang bati nya saakin nang babae kapit bahay nila tatang berting na si Zey
" Oo nga pala andyan ba si tatang berting at nanang lucreng sasabay sana ako papunta sa meeting sa baranggay, nandiyan pa ba sila? "mabilisan pag dagdag nito
Hindi pa nakakabuka ang aking bibig ay nagsalita na naman si Zey
" Alam mo tingin ko masungit ka? at tingin ko bakla ka ang puti mo kase tingnan mo " prankang pagdagdag pa nito sakin na labis kong kinabigla at nagpakunot ang aking noo
"alam mo ang ingay ng bunganga mo!" alam ko nagulat sya sa sinabi ko pero wla akong pakialam dahil na insulto ako sa sinabi nya
"Wow! alam mo ang sungit mo di bagay sayu pogi kapa naman kung lalake ka nga " sabi nya na may halong pangaasar
"LALAKE AKO AT HINDI AKO BAKLA KAYA POGI AKO NAIINTINDIHAN MO at tyaka wla na sila tatang albert at nanang lucreng kanina pa umalis!" supladong sabi ko kay zey
"Alam mo dika mag tatagal dito sa baryo kong ganyan ang ugali mo nagbibiro lamang ako sayo! " inis na sabi nya at alis na sya
Hay nako po nakakainis yung babae yun kanina nakakatuwa pa sya nakakahalina sya pero ngayon sa inasta nya, hay nako po sinabihan ba naman ako masungit i am starting to hate that annoying girl arrgh
"Bakla daw ako hay nako po nakakainis kang babae ka humanda ka sakin nakoooo arggggh kaasar" sabay kamot ko sa aking batok dahil sa sobrang inis at pagkairita
Dahil sa labis na iritasyong nararamdaman ay napagpasyahan kong pumasok na lang sa loob nang bahay at umidpid nang kaunti
Pagkagising ko at malapit na magdapit hapon at tamang tama wala pa rin sila tatang at nanang napagpasyahan ko sila ipagluto sila nang hapunan
Saktong pagtapos kong magluto ng hanpunan namin ay sakto pagdating naman nang dalawang magasawa
"Ohh! Iho nag luto ka?" sabi ni nanang lucreng
"Opo! Nanang para makabawi lang kunti sa kabaitan nyo, pasensya na po kung pinakealaman ko na yung kusina nyo" hiyang sabi ko
"Ano ba ang niluto mo iho?" sabi ni tatang saakin
Sasabihin ko pa kay tatang na ang pangsabong na manok nya ay aking niluto AHAHAHAH joke lang mapapatay ako ng wla sa oras nito
"Sharshadong tilapia po nakita ko pa kase yung isa samay kusina at napansin ko pong marami po kayo kamatis kaya ayan po yung naisipan kong iluto sa inyo" nahihiya kong sambit sa kanilang dalawa
"Nako iho, mukhang masarap ang niluto mong hapunan natin ah" natatakam na saad ni tatang
At tulad nang nakagawian naghawak hawak kami nang kamat at nagsimula na kaming nagdasal upang pasalamatan ang biyayang nakahain sa hapag kainan
"Iho! napakasarap nangluto mo mukha mapapaibig mo si Zey ah" may galak at pangaasar na saad ni tatang berting
Bigla nalang akong nabilaukan sa biglang pangaasar ni tatang berting sakin at nasimula na namang akong mainis sa nung banggit ang pangalan na babae yun
"Tatang mangangahoy po ba kayu bukas oh kong ano ang gagawin nyo tutulongan ko po kayu!" pang iiba ko sa usapan at pilitin ko itago sa aking tinig ang labis na pagkainis
"Hindi iho, medyo marami pa ako naimbak na nakahoy baka sibakin ko nalang bukas" saad ni tatang berting sakin
"Iho ang ganda ni Zey nu, pansin ko mukhang nakuha nya atensyon mo dahil kanina habol tingin ka sa kanya" dagdag ni tatang berting na labis ko ikinabigla
"Akala ko di na nya ako aasarin pero nabigo ako " sambit ko sa sakin sarili sa isipan
"Hay nako po berting wag mo na tuksuhin yan ian alam kong bagay sila ni Zey" panggagatong na pangaasar sakin ni nanang lucreng
Wala akong makapangsagot sa kanila dalawa dahil sa labis na kahkahihiyan at pagkairita sa babae yun
"Hindi naman po, maganda Zey pero ayoko pa pong pumasok sa isamg relasyon, pati hindi naman sya maganda sakto na, pati narin mukha nakakairita sya" nahihiya kung tugon sa kela nanang lucreng at tatang berting at may halong magkainis na sambit
Nakangisi parin ang dalawang matanda habang kumain parin kami at pagtapos namin kumain at hinugasan ko na ulit ang nga plato
Habang nahuhugas ako nang ay naiisip ko na naman ang pangyayare kanina samin ni Zey at dahil dun ay nabuo muli ang iritasyon ko sa babae yun
Natapos ako sa paghuhugas na iniisip ang babaeng Zey na sobrang nakakairita at naglatag narin ako sa sala nang banig na binigay sakin ni nanang lucreng kanina
Simula nung nagusap kami kanina ni Zey kanina, dating hanga at napalitan nang iritasyon hindi dahil sa pagsasabi nang masungit ni Zey dahil natatakot akong mahulog muli sa isang tao at masaktan muli
Sa tuwing naaalala at nababangit ang pangalan nang babae yun hindi ko maiwasan maiinis at mairita sa kanya
Sariwa pa rin sa aking isipan ang mga masasama pangyayare bago ako dumating sa lugar na ito at okay na sana ang lahat pero dumating naman tong bwesit na nakakairitang pasmado ang bibig na si Zey
A/N
We hope na magustuhan nyo yungg update namin lovelots gummy bears ;)p.s feel free to comment po para maimprove pa po namin yung writing skills namin hehe
BINABASA MO ANG
A Love Behind
General FictionMiguel Ian Acosta has been fooled by his Girlfriend Danica Olivar matagal na pala itong may karelasyon na iba, Danica used Ian because of Wealth minahal nya lang si Ian dahil sa kayaman ng Pamilya nito Sa hindi inaasahang pagkakataon may mga bagay t...