Chapter Seven
"P-Popie" utal ng pagbati rito. Nginisian niya ako ngunit umiling rin kalaunan. Halatang dismayado.
"Ilang buwan lang tayong hindi nagkita, napakadali mo naman atang makalimot?" nakangising tanong nito. Tinanggal na nito ng tuluyan ang mask at nilagay sa bulsa.
Pinagmasdan niya ang paligid at tumango-tango. Tangina, paano niya 'ko nahanap?
"Anong kailangan mo?" blankong tanong ko rito. Hinarap ako nitong muli at mabilis akong napabaling sa kabila ng sampalin ako nito.
Fuck! "How many days did I gave you?" he asked me while glaring at me. Hinawakan nito at panga ko at diniinan. Napapikit ako sa sakit.
"O-One... M-Month." Nahihirapang sagot ko. Nagpasalamat ako sa taas ng bitawan nito ang panga ko.
"Alam mo ba kung saan ka nagkamali, Gomez?" ramdam kong pinipigilan lang nito ang galit niya dahil kung hindi ay baka sa ospital na ang deretso ko mamaya. Hindi ako sumagot.
"Hinuli mo pagkatapos ay pinakawalan mo. Anong klaseng tanga ka sa mga tanga Zuriah Valerie?!" malakas na sigaw nito na rinig sa buong lugar.
Malakas ang loob nito dahil alam niya sigurong wala ng ibang tao sa mga oras na ito. O kung mayroon man ay hindi pa rin siya magpapapigil na sigawan ako.
Halos takasan ako ng kulay sa mukha ng makita ang limang lalaking nakatayo na ngayon sa tabi niya. Walang suot ang mga ito na mask kaya nakilala ko agad sila. "Long time no see... Zuriah."
Umatras ako. Alam ko ang katangahang ginawa ko tatlong buwan ang nakakalipas. Kung alam ko... edi sana...
"Willers," mahinang usal ko.
Lumapit sa amin ang limang lalaking nakaitim. Bakas ang saya sa mga mata ng mga ito. Binalingan kong muli ng tingin ang leader nila.
Nakatayo ito malapit sa akin at halatang gustong gusto akong saktan.
"You fucking ruined my plan, Zah!" nangigigil na sambit nito. "Nandon na eh! Kung hindi ka lang kalahating bobo at tanga!
"I didn't know! Akala ko nasa inyo siya! Your fucking kid told me na hawak niyo siya!" pagpapaliwanag ko.
Sinamaan ako nito ng tingin at sinenyasan ang mga kasama niya.
Sa isang iglap ay biglang sumugod sa akin ang mga ito. Kaagad naman akong umatras upang hindi matamaan. Nakangisi ang mga ito habang lumalapit muli. Mabilis na sumuntok ang isa sakanila na agad ko ring naiwasan. Gumanti ako ng suntok at sipa sa mga ito ngunit hindi ko inaasahan ang biglang pagpatid sa akin ng isang myembro nila kaya napaluhod ako.
Poppie immediately hold my jaw tightly. Madalim ang tingin nito. "H-How did you find m-me?" inis na tanong ko. Pinakawalan nito ang panga ko at akmang tatayo na sana ako ng biglang hawakan ako ng mga tao niya.
Tinadyakan nito ang tuhod ko kaya napaluhod akong muli.
"I fucking spent a lot of money just to find an idiot like you,"
"Bobo, gumastos gastos ka tapos sisisihin mo 'ko?" bulong ko.
Narinig ata ng mga kasama niya kaya sinipa nila ako sa likod. I close my eyes to calm myself. I can't fight them right now because I know I have a debt, pero tangina, hindi ko naman kasalanan na bobo sila eh.
"Turuan niyo ng leksyon yan," pagsesenyans niya sa mga kasama niya. Tumango ang mga ito at ngumisi sa akin.
"Kapag nalaman niya ang kalokohang ginagawa niyo sakin ngayon Willer, alam mong may kalalagyan ka," banta ko.
BINABASA MO ANG
SEGRETO
Mystery / ThrillerHer name is Zuriah Valerie. She has a dirty little secret hiding behind her skirt. A secret that no one should know.