DOS

13 1 0
                                    

Alas otso na ng gabi ng makarating ako sa bahay nila Johann. I called Anton earlier and said that I will come. He said okay at ang siraulo ay sinabihan pa akong magdala ng pagkain dahil wala daw stock sila Johann.

Napakabobo talaga ni Johann kahit kailan, nag aya-aya tapos wala palang pagkain? Wala akong nagawa kundi dumaan sa may convenience store malapit sa subdivision nila.


Ipinarada ko ang motor sa public parking space ng convenience store at bumaba. Pumasok ako sa loob at binati ng guard na naroroon. I nooded and continued walking towards the food section of the store. Kumuha ako ng mga chichirya na malalaki at mga noodles. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Johann. Pagkaraan ng isang ring ay sinagot niya ito.


"V? San kana?" pambubungad nito. Narinig kong tumunog ang wind chimes ng convenience at nakita ang isang lalaking papasok. He had this tousled dark brown hair, which was thick and lustrous. Ang kanyang kutis na hindi maputi ngunit hindi rin maitim. Moreno.

He use the back of his palm to wipe his sweaty forehead. Lumingon ito sa gawi ko at nagsimulang maglakad. Natauhan ako ng marinig muli ang boses ni Johann na tinatawag ako sa kabilang linya.

"S-sorry. What are you saying again Hann?" paghihinging pasensya ko sa kausap. Binitawan ko ang mga hawak-hawak kong chichirya at kumuha ng basket para paglagyan sa mga ito. Bumalik ako sa pwesto ko kanina at nakitang nasa malapit na ang lalaking kanina lamang ay tinitignan ko.

"Where are you? Anton told me na dederetso ka dito?." Johann asked with a loud voice. Rinig na rinig ko sa kabilang linya ang music na pinapatugtog nila. Kinuha ko ang mga chichirya at kung ano-ano pa tsaka nila ito inilagay sa basket habang hawak ko sa kaliwang kamay ang cellphone.

"Oo papunta na...bumili lang akong pagkain." sagot ko rito at tinignan ang lalaking nasa kanan ko na kunot noong nakatingin sa akin. Kumunot rin ang noo ko sa paraan ng pagtiitig nito sakin.


Anong problema mo? Gusto ko sanang itanong ito sakanya ngunit baka hindi naman ako ang tinitignan kaya hinayaan ko nalang ito at pumunta sa cashier para magbayad.



"557 peso po ma'am." kinuha ko ang wallet sa bulsa at nagbayad.

Nang makarating ako sa ay nakita kong nagkakasiyahan na ang mga ito. Si Anton na tawa ng tawa sa may sofa dahil pinagtitripan na naman ata si Jack. Si Alex na nasa sofa at naakbay sa girlfriend niyang si Celine. Si Brianna na kumakain sa center table habang nanonod ng t.v at si Casper na natutulog sa isang mahabang sofa at may nakalagay pang earphones sa tenga.

Napansin kong lumabas sa kusina si Johann kasama si Chris. Kumunot ang noo ko. Aning ginagawa nito dito?

Napansin nila ako kaya nilapitan ako ni Johann at nakipag apir. Aapiran rin sana ako ni Chris ng nakita niya ang pagkakakunot ng noo ko sakanya. Tinaasan ako nito ng kilay at nagsalita.

"Oh? Ganyan ka makatingin? Ano suntukan?" sabi nito at tumatawa tawa pa. Tumawa rin ang ibang kasama namin ngunit natigil ng samaan ko sila ng tingin. Lumapit ako kay Brianna at kinuha ang kinakain nito na stick-o. Sinamaan niya ako ng tingin ngunit hindi nagreklamo. Binato ko kay Anton ang plastic na hawak hawak ko na may laman pagkain.

"Napaka bastos, Valerie!" sigaw nito at kinuha ang mga nahulog na chichirya at nilagay sa table. Kinuha ko ang cellphone ko at nakita ang text message ni Zandrick. Kumuyom ang palad ko sa nabasa. Tangina. Kailan ba nila ako titigilan?

Tumayo si Jack sa sofang inuupuan at ginulo si Casper na tahimik na natutulog. Sino ba tong mga to? Kilala ko ba sila? Bakit kasama ko sila? Amputa hindi ko talaga alam kung paano ako napunta sa grupong 'to. Kumuha ako ng junk food sa mesa at nagsimulang kumain.

SEGRETOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon