10

118 79 33
                                    

dedicated this chapter to:

Saicahh ulan_reenie Miss_Cute_26 MIMIKO LeydInDark Selalalah_ japethii PiglessWP Yam_Assi black_girl_1726


Tahimk lamang ako habang inaayusan ako ni Conchita at tinatalian ng buhok dahil napag-usapan namin kanina ni Donya Henerosa na magsisimba kami sa Manila Cathedral.

Pagkatapos kong ayusan ni Conchita ay inayos niya ang aking damit, para mag mukha akong kagalang-galang sa simbahan. Habang inaayusan niya ako ay bahagya akong napangiti.

"Salamat" saad ko na kinahinto niya.

"Walang Anu-man po Binibini" aniya sa malambing na paraan. Matangos at may katabaan ang kanya pisngi na tila ang sarap kurutin satingin ko ay nasa edad dise-syete na siya.

"Tapos na po, binibini" wika niya. Dahan-dahan na tumayo ako at kinuha yung abaniko. Hindi ako sanay sa pananamit ko lalo na at may kabigatan ang aking saya dahil sa makapal na tela nito.

Lumabas na kaming pareho ng silid at dumiretso sa baba dahil naghihintay daw sa labas ng Casa yung kutsero at kalesa na gagamitin namin.

Pagbaba namin ay sumalubong samin si Donya Henerosa na naka-magarang barot saya, naglalaro lamang ang kulay ng kanyang kasuotan sa kulay ng puti at dilaw. Ang simple lang iyon ngunit nadadala niya.

"Halika na at tayo'y humayo na" ngiting saad ni Donya Henerosa at kumapit saaking braso na aking kinangiti.

Inalalayan kami ng dahan-dahan ng kutsero na si Mang Tabyan, nalaman ko yung pangalan niya ay dahil tinawag siya ni Donya Henerosa nito. Nagsimula ang pag andar ng kalesa at humahampas saamin ang mabangong simoy ng hangin ng Paligid. Grabe ibang-iba siya sa modern na pag konting singhot mo lang ay pamamahayan ng alikabok yung ilong mo, pero sa taong ito ay kakaiba dahil sariwang hangin ang manunuyot sa ilong mo.

Habang umaandar ang kalesa ay tila bata ako na nakasilip sa bintana nito dahil sa napakagandang tanawin at tila ba ang gandang tingnan ng mga tao na naka saya at baro dahil sa modern ay puro makikita mo ay nakadamit hypebeast na nakakaloka tingnan.

Pagdating namin sa Manila Cathedral ay bumaba na kami at meron ng mga tao doon na nagtitipon para sa gustong mag simba sa hapon at ang saya nito tingnan dahil ang pag rorosaryo at pagpunta lamang sa simbahan ang kanilang pinagkakaabalahan hindi cellphone na mas pinagkakaabalahan sa modern world.

Nakangiti na naglibot ako ng tingin at pinagkatitigan ang simbahan, Napakalaki ng simbahan na ito at first time kong makakapasok dito dahil nung pumunta kami ni mommy dito kasama si manang Aurelia ay sarado ito, at bawal pa pumasok kase may kasal na nagaganap.

"Napakaganda dito, Donya Henerosa" magiliw na saad ko ngunit napahinto ako ng mapagtanto yung sinabi ko. Dahan-dahan na lumingon ako kay Donya Henerosa at bakas sa mukha niya ang pagkagulat at pagtataka.

"HA-HA i-ina, iyon po ang aking sinabi" wika ko at pekeng ngumiti. Bakit ba nakakalimutan ko na ako si Guadalupe sa taong ito!?

Napakamot ako ng bahagya sa ulo ko at ngumiti ng ngiwi na kinangiti rin ni Donya Henerosa o mas magandang sabihin na si Ina. Kailangan ko itong sanayin, nasan na ba kase si Sir fremi para matulungan niya ako.

VINTAGE HISTORY (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon