12

92 54 26
                                    


LUMIPAS ang isang araw sa loob ng barko ay nanatili kami ni Pasencia saaming silid at nakakamangha lang tingnan sapagkat naka VIP kami dahil sa sobrang Ganda ng loob na tila ba nasa hotel, ngunit ang tema lamang ay historical. Lulamabas lamang kami sa tuwing oras na ng kainan.

Hindi ko rin inaasahan na aabutin kami ng isang araw gamit ang barko, siguro kung ang gagamitin namin ay eroplano ay baka wala pang isang oras ay nasa Barcelona na kami. First time kong sumakay ng barko kaya talagang namamangha ako sa bawat pasilyo at bagay na nakikita ko sa loob.

at habang nasa loob kami ng barko ay mabilis na nagkapalagayan kami ni Pasencia sa maikling oras. dahil sobrang kulit niya na para bang balewala sakanya ang tunay na kilos ng binibini, ilang oras palang kaming nasa silid ay tila may gyera na dahil nagawa namin maghampasan ng unan na para bang nakawala sa kural.

Hindi ko inaakala na makukuha kong magsaya dahil saaking pagkakaalala ay lagi nalang akong malungkot, siguro kung pinayagan ko si Chelsea na maging kaibigan ko ay baka ganto din kami kabuang.

Chelsea and Pasencia is like a twin sister dahil pareho sila ng ugali at kilos.

"Bato. Bato. Pik!" masayang saad namin at agad kong ibinagsak ang Ang aking pamato na papel na agad kong kinanguso dahil ang kanyang pamato ay gunting.

"Talo ka!" Anunsyo niya at agad na bumwelo ng malakas na pitik

"Aray, bakit ang lakas!" Asik ko na mas kinatawa niya "kala mo ah. Lagot ka babawi ako sayo" pananakot ko.

"Kung sa larong ito din naman ang labanan ay hindi moko matatalo" halakhak niya na kinairap ko

"Edi wow!" ngiwi ko na kinakunot niya.

"edi waww?" patanong na saad niya.

"Alam mo wag mo ng alamin, halika na at mag umpisa na tayo" pagseg-way ko at bumwelo "bato. bato. pik!"

Agad na napangiwi ako ng makita ko ang pamato niya. Sakanya ay bato habang saakin ay gunting. Talo nanaman ako.

"Talo ka nanaman!" Aniya at napahagalpak ng malakas at bumwelo muli habang nakangisi ngunit napahinto kami ng biglang bumukas ang pinto ng aming silid.

"P-patawad, akala ko ay wala kayo sainyong silid" tarantang saad ni Felipe habang ilang nanakahawak sa pintuan.

Nanlaki yung mata ko at Agad na nataranta din dahil tila bigla akong na conscious sa mukha ko dahil saaking pagkakaalam ay hindi pa ako nakaka paghilamos dahil maaga akong kinulit ni Pasencia, kaya dali-dali na tumalikod ako Paatras ngunit maling desisyon iyon dahil pabaligkatad na nahulog ako sa higaan na naging sanhi ng malakas na pagkabagsak.

Aray ko! Napapikit ako sa sakit at namaluktot. Agad na naramdaman ko ang presensya ni Pasencia ng bigla niya akong hawakan at subukang patayuin.

"A-aray" agik ko dahil mukhang mas mababalian ako sa ginagawa ni Pasencia.

"Ayos kalang ba binibini?" Biglang tanong ni Felipe habang nakaluhod ang isang tuhod at gusto sana akong alalayan ngunit isa iyong kapahangasan na hawakan niya akong muli.

"Mukha ba kong Ayos lang" sarcastic na saad ko ngunit nakapikit dahil ayokong makita siya na ganto yung ayos ko na para bang ni-rape sa Kanto.

"Patawad. hihingi muna ako ng tulong" aniya na kinamulat ko tatayo na sana siya ng hilain ko yung kamay niya na kanyang kinaupo.

"Wag na. Tulungan niyo na lamang ako" saad ko. Hindi kona kayang malunok yung pride ko kung may iba pang makakakita saakin na ganto ang itsura ko noh.

VINTAGE HISTORY (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon