9

115 82 36
                                    

Dedicated this chapter to: FeanaLopez2

"Guadalupe!!" Hingal na bumangon ako sa isang nakakakilabot na panaginip. Si Guadalupe, napaginipan ko siya.

Satingin ko ay kailangan ko si Sir fremi para masagot yung panaginip ko at yung kakaibang nangyayari sa mundo. Kailangan ko siyang makausap.

Bahagyang Napahawak ako sa ulo ko at napaigik dahil sa sobrang sakit ng ulo ko. Hingal at tila uhaw ako pagkabangon ko.

Panaginip lang ba ang lahat? Mabilis na nilibot ko yung tingin ko ngunit nandito parin ako sa silid ni Guadalupe. Bumagsak ang pareho kong balikat at napabuga.

Nandito parin pala ako, ibig sabihin hindi panaginip ang lahat. Totoong nasa nakaraan ako.

"Binibini, ayos lang po ba kayo?" nag angat ako ng tingin sa isang babae na natatarantang lumapit saakin na may dalang tubig na agad saaking inabot. Sa aking tingin siya ay si Conchita na nagdala ng gamot kahapon.

"Ayos lang ako" bulong na sagot ko

"Saaking palagay ay may masama po kayong panaginip binibini, at buti nalang ay ika'y nagising" aniya pa ngunit hindi ko na muna siya pinansin at Dahan-dahan na ininom ko yung tubig dahil sa sobrang uhaw.

Pagkatapos kong uminom ay tumayo siya at kinuha saakin ang baso na wala ng laman.

"Tanghaling tapat na po, at kanina pa naghanda si Donya Henerosa ng pagkain at ikaw nalang po ang hinihintay sa hapag kaya pumasok ako sa inyong silid" wika niya ulit na kinakunot ko.

Donya Henerosa? Oh My God! What? Hindi naman siguro ako bingi? Ibig sabihin makikita ko Si Henerosa Asuncion ang nagiisang anak ni Don Alberto Mulleno ang dapat na magiging presidente ng pilipinas ngunit sakanyang katandaan at desisyon ay umurong siya.

Namangha na tila kinalibutan ako at napahawak sa sariling katawan. Tila lumipad yung isip ko dahil sa pangalan na nababanggit sa taong ito, at nakakakilabot dahil parang nung nakaraan lang ay pinagaaralan lamang namin sila pero ngayon, mukhang makakaharap ko pa siya lalo na si Don Ramon na hindi ko napatunguan ng maayos kahapon.

"Halika na po at magbihis na kayo" putol ni Conchita sa lumilipad kong isip.

"A-ah Oo. Sige. Halika na" Tarantang sagot ko at mabilis na tumayo. Excited ako na kinakabahan.

Nagtungo kami sa palikuran ng silid ni Guadalupe at sasamahan pa sana ako ni Conchita ngunit umayaw ako dahil ayokong makita niya yung katawan ko lalo na si Twinkle dahil private part yun.

Medyo nailang ako sa estilo ng CR nila o palikuran dahil lahat ay gawa sa kahoy at hindi ako sanay gumamit non at buti nalang ay nakita ko ang kahoy na hugis Tabo at merong Malaking timba doon na merong punong tubig. Gusto ko sana gumamit ng bath tub kaso natatakot ako na baka bumigay dahil gawa lang din ito sa kahoy. Sinimulan ko ng maligo sa paraan ko ngunit walang shampoo at kung ano pang cleanser dito at sabon lang ang meron na may kakaibang hugis na tila inukitan pa.

Pagkatapos kong maligo ay inabot saakin ni Conchita ang isang makapal na barot saya na paniguradong lagpas hanggang talampakan ko. Nung una ay hindi ko alam kung paano isuot iyon dahil andaming patong at ng Maisuot ko ito ay lumabas agad ako at dumiretso agad sa salamin.

Napakaganda. pulang saya ang aking suot at puting baro na may burdang bulaklak na kinamangha ko, ngayon lang ako nagandahan sa kasuotan ng pilipinas. dahil more on fans ako ng Korea at hanbok ang gusto kong suutin dahil sa napapanood kong Korean drama tuwing may time ako at walang Sem, pero ngayon ay tila bago na, dahil napakaganda pala ng barot saya at mukhang kakahiligan kong suotin.

VINTAGE HISTORY (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon