CHAPTER TWENTY-SEVEN

725 23 0
                                    

JIRO POV

Wala talagang respeto si Light sa ibang tao. Nagteleport talaga sure ako sa kwarto niya pupunta ang babaeng iyon.

"Let's go to my office then"yaya ni Noona sa aming lahat. Sumunod naman kami sa kaniya.  Ilan minutong paglalakad nakarating narin kami sa opisina ni Ul at nakita namin ang maganda naming commander na nakapikit at mukhang nagpapahinga.

Umupo naman agad kami sa mga upuan na bakante ang iba sa amin sa sahig na umupo at ang iba nakatayo lang habang naghihintay sa sasabihin ni Athena sa aming lahat. Ewan ko ba kung bakit kailangan ang mga royalties na ito dito. They are to weak to even fight Darvelian magicians.

"So what do you want from us Athena?"magalang na tanong ni Noona kay Athena. Hindi namin sila inaadress na Gods and Goddess we simply address them as normal magicians. Dahil yun din ang gusto nila kaya nakasanayan na namin.

Gods and goddesses usually visits ancient magicians to train us and fight us. Sometimes gusto lang nilang tumambay sa amin sa village noon. Pero nung pina alis kami hindi na sila bumababa kahit kailan.

Walang nakaka-alam na bumababa ang mga gods and goddesses noon dahil may sariling barrier kaming lahat na mga ancient magicians sa mga village namin. Upang walang makahanap sa amin at maka-alam kung saan talaga ang ilan sa amin nakatira. Sineseal din ito ang mga kapangyarihan namin at enerhiya kaya naman safe na safe ang pagbisita ng mga gods and goddesses sa village.

"I just wanted to get Liam and inform you that the war is coming near Ulter. Time to train your students to be like an ancient magician like the old time trainings"imporma ni Athena sa amin.

Nakita ko naman ang pagtuwid ng upod ang mga Royalties dahil sa sinabi niya. How can this royalties even fight those darvelians if they are weak. They won't even last a day or two inside a non-stop fight for the incoming war.

"And Light"tawag ni Athena kay Light. Nakita ko naman ang pagbuka ng mga mata ni Light sa pagpapahinga niya. At tumingin ito sa mga mata ni Athena na walang expression na makikita dito.

"Yeah?"

"You have to train this royalties as soon as possible or do you want me to avert this to
Everglow and Everglade?"tanong ni Athena kay Light. Nakita ko naman ang ilan sa amin na nakahilata sa pagkakaupo ay tumuwid. Kilala namin ang dalawang iyon. Nagkatinginan kaming magkakaibigan dahil sa sinabi ni Athena.

Nakita ko ang pagputla ni Ex at Aud kahit ang mga mata ni Lia ay may halong takot. Si Reign na maingay walang boses na lumabas sa bibig niya. Tumuwid ng tayo sina Raven,Tyre at Andrei sa narinig na mga pangalan. At nakita ko naman ang paglunok ng sariling laway ni Thiro. Si Anila at Race ayon mukhang natatae na kung ano dahil sa nerbyos. Lahat kami takot sa dalawang iyon. Maliban nalang kay Light at Liam. Si Liam may takot naman sa dalawang iyon pero since hindi siya sasama sa amin wala lang siyabg imik sa pagkakaupo niya.

F*ck sana namn tanggihan niya ang sinabi ni Athena . Everglow and Everglade are twins who live in the Evertoun which is a mountain that is located far northern in this place. Malayo ang lugar na iyon at nakakatakot na pumunta doon.

At kung hell training ang binibigay ni Light sa amin na training mas matindi ang magkambal na iyon. They won't let you eat or sleep. Or even rest basta matapos mo ang mga utos nila doon kalang magpapahinga. Their challenges are the worst and their trainings are hell.

'F*ck sana tumutol si Light' biglang singit ni Reign sa link namin. Na mukhang nenenerbyos sa desisyon ni Light.

'Please naman ohhhh. Ayaw kong makita ang dalawang iyon' ngawa ni Thiro sa amin.

THE NERD IS THE POWERFUL PRINCESS IN DISGUISE(ON HOLD FOR NOW)(ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon