CHAPTER FORTY-TWO

603 22 7
                                    

SNOW POV

"RISE AND SHINE ROYALTIES!!"malakas na sigaw ng kung sino kaya nagising ako. Kita ko ang pagkakahulog ni Aly sa higaan niya si Ella naman ay kinukusot ang kaniyang mga mata. At si Anna ay umuunat. Ano iyon? More likely sino yon?

"GISING NA ROYALTIES ITS TIME FOR TRAINING"malakas na sabi ng kung sino sa kabilang bahagi ng pintuan namin. At malakas na kumakatok na akala mo masisira na ang pinto namin dahil sa katok niya.

"Gising na"medyo malakas na pagkakabigkas ni Anna kaya naman tumigil na sa kakatok ang taong nasa labas ng silid namin.

"Shuta! Ang sakit ng balakang ko"reklamong sabi ni Aly. I just sigh at tinignan si Anna na pumasok sa banyo dala ang damit niya.

Nasa kabilang silid ang mga lalaki at hindi ko naman alam kung saan natulog ang mga Ancient magicians sina Rose.

"Anong oras naba?"malamyos na tanong ni Ella. Tinignan ko ang orasan na nasa isang drawer dito sa kwartong ito. What the?! 2 am palang!!

"2 am"sabi ko habang nakatingin sa orasan. Kita ko sa gilid ng paningin ko ang pagkunot ng noo ni Aly.

"2 am?!"inis nitong pagtatanong ulit. Tumango ako.

Si Aly ang isang kilala ko na pinapahalagaan ang pagtulog niya. Hindi siya sanay na magising sa ganitong oras except kung may mga mission.

"Maligo na kayo"utos sa amin ni Anna kaya naman tumayo na ako at naligo. Dahil tapos narin naman si Anna ako na ang sumunod sa kaniya.

Ano kaya ang gagawin naming training sa poder ng Kuya ni Jiro. Sobra bang mahirap ang training nila na ganitong oras kami gisingin nila? Ang aga pa? Sure ako tulog pa sina Rose nito.

Ilang minuto lang ako sa loob at lumabas narin. Sumunod si Ella sa akin. Inuunahan namin si Aly dahil sadyang mabagal ito pag naliligo. Marami pa daw siyang routine bago matapos at maligo.

"Anna may ideya kaba kung anong klaseng training ang gagawin natin?"tanong ko kay Anna na may binabasang libro. Napakurap kurap ako dahil sa ginagawa niya. Hindi palabasa si Anna katulad namin si Zatris ang mahilig niyan at si Rove.

"Physical training I think"hindi sure niyang sagot habang nagbabasa.

"Himala Anna nagbabasa kana? Hindi ba hindi ka palabasa dahil mas gusto mong magtraining ng pisikalan"manghang sabi ni Aly kay Anna na hindi man lang pinansin o tinapunan ng tingin.

"Nga pala nasaan si Ky?"biglang tanong ni Aly habang nagliligpit ako ng kama ko. Huh?

Kasama naming matulog si Kyky kagabi at dito rin siya natulog. Tinignan ko naman ang higaan niya at. What the?! Walang tao. Malinis ding nakaligpit ang mga unan at kumot niya. Wag mong sabihin nasa labas na siya?

"Ang aga ni Ky"mahinang sabi ni Anna na nakatingin narin pala sa higaan ni Kyly.

"Ate Aly ikaw na"biglang sabi ni Ella na kalalabas palang ng banyo. Kita ko ang paghakot ni Aly sa mga gamit niya papasok ng banyo. Matagal tagal itong paghihintay sa kaniya. Ang bagal bagal kumilos. Akala mo pagong kung kumilos yang babaeng iyan.

*Knock *knock *knock

"Anna, Snow, Ella at Aly papasok kami"sabi ng kung sino sa labas ng pintuan namin. At ng pumasok ang panauhin sa loob ng kwarto namin. Kita namin ang pagpasok ni Reign,  Thiro at Relia. At lahat sila ay pawisan na? Huh?

Hindi na namin sila pinagsabihin sa biglaan nilang pagpasok sa loob ng kwarto namin. Bakit ang aga nila?

Nakajogger sila Reign at Thiro at nakat-shirt silang dalawa. Habang si Relia naman ay nakaleggings at oversize shirt. Nakaleggings din kaming tatlo nina Ella at Anna ang kaibahan lang ay nakajacket si Ella. Nakasports bra si Anna na may nakapatong na jacket at ako naman ay nakat-shirt at may jacket rin ako.

THE NERD IS THE POWERFUL PRINCESS IN DISGUISE(ON HOLD FOR NOW)(ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon