CHAPTER THIRTY-SEVEN

655 31 12
                                    


JIRO POV  

Ang tagal naman ni Lighty.

"Ba't ang tagal ni Light?"tanong bigla ni Raven habang nakaupo narin sa lupa. Sa totoo lang nakaupo na kaming lahat kahit ang mga Royalties nasa sangang tumba na nasa tabi namin.

"Hindi ko rin nga alam. Ang tagal naman talaga ni Lighty na lumabas sa dimension na iyan"sabi ni Thiro na nasa puno parin ng sanga pero nakahiga na naman siya.

Hayst. Ang tagal naman talaga ni Light. Hindi ko rin alam ang nangyayari sa kaniya sa loob dahil nga wala akong kontak sa kaniya. Hindi gumagana ang link namin. Ng biglang lumindol?

"Anong nangyayari?"biglang sabi ni Raven. Tinignan ko naman ang tinitignan niya at ang dimension nawawala?

"Everyone labas sa dimension ngayon na!!"sabi ko at umalis agad sa dimension na iyon. Lahat naman kami ay mabilis na lumabas sa dimension na nasa harapan namin.

"Anong nagyayari Kuya Rave?"takang tanong ni Relia sa kuya niya. Habang nakatingin sa loob ng dimension ngayon kitang kita namin ang pagkawala ng dimension na nasa karapan namin.

"Natalo ni Lighty yung may gawa ng dimension na ito?"takang sabi ni Thiro na nasa tabi ko na.

"Yun ang hinala ko"sagot ni Raven kay Thiro.

"Pero si Rove? Nasa loob pa siya kasama si Rose hindi ba?"nababahalang sabi ni Anna sa harapan namin.

Totoo dahil pagmapasama sila diyan sa pagkawala ng dimension na iyan. Dalawa ang posibleng magyari sa kanila manghina sila o masama sa pagkawala ng dimension na iyan.

"Wala ng kahit na sino ang nasa loob"sabi ni Raven sa amin kaya alam ko ang sinasabi niya. Nasa labas na sila Light o nasa safe area sila.

He is a werewolf kaya alam niya ang kilos ng isang gubat at kung may tao pa ba ito o wala na.

"Pero-look si Leviathan diba yan?"biglang putol ni Tyre sa sinabi ni Anna.

Tumingin naman agad kami sa langit at kitang kita ko ang isang dragon snake na nasa himpapawid.

Ang kulay nito ay puti na may pagkasky blue at mahaba ito mukhang ahas. Nasa haba ito ng dawalang malalaking bus na pinagbuntot.

"Si Leviathan yan diba mga kuya?"tanong ni Relia sa amin. Tumango lamang ako.

Tama si Leviathan nga iyan dahil nagiisang uri ng dragon na lamang si Leviathan lamang ang may ganiyang kulay na may puti.

Bumaba naman si Leviathan sa amin at kitang kita ko si Rove na nasa likuran ni Light at sa harapan ni Light ay may babaeng pula ang buhok. Na tulog?

"Lighty"masayang sabi ni Thiro kay Light habang papunta sa harapan ni Light na tumatalon talon pa ang gago na ikinatango lamang ni Light. Kahit kailan talaga Light ang cold mo.

"Sino yan Lighty?"takang tanong ni Thiro na mukhang naging isip bata na naman dahil kay Light.

Bumaba naman si Light at Rove sa likuran ni Leviathan at ginamit ni Light ang wind magic niya upang maibaba naman yung babae.

Ay bigla nalang may lumabas na magic circle na ilalim ni Leviathan. Hinawakan lamang ni Light ang ulo ni Leviathan at bigla nalang ito nawala sa harapan namin.

"Audrey"tawag ni Light kay Audrey na ikinabaling ni Audrey ng tingin.

"Yes commander?"

"Take care of this one"maikling sabi ni Lighty kay Aud na ikinatango lamang nito at inutusan ang alaga niya na isakay ang babaeng kasama ni Light sa likuran ng Dark wolf ni Aud.

THE NERD IS THE POWERFUL PRINCESS IN DISGUISE(ON HOLD FOR NOW)(ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon