Chapter 2

14 0 0
                                    

    〰️Ellizabeth Gail Bautista〰️

Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay parang bulang bigla nalang nawala ang lungkot at kaba ko. Parang nabunutan ng tinik ang dibdib ko at gumaan ang aking pakiramdam.

Nangyari lang yon ng makita ko ang nakangiting si Adrian. Ang ipinakilalang kaibigan saamin ni Jake. Ngayon ko pa lang sya nakilala pero pakiramdam ko ay nakita ko na sya noon.

Meron paring weird na pakiramdam saakin pero hindi ko na pinansin pa dahil malayo na ito sa malungkot at mabigat sa dibdib na pakiramdam ko kanina.

Abala ako sa pakikipag kwentuhan at pakikipag tawanan kala Eunice at Ellie ng may tumabi saakin sa inuupuan kong sofa. Long sofa ito at nasa kabilang side ko si Eunice at bakante naman ang kabilang side.

"Hi "

Agad akong napalingon ng marinig ko ang boses ng taong naupo sa tabi ko.

Nakangiti ito habang nakatingin din saakin.

"H-hi din " naiilang kong sagot sa kanya.

Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya ibinalik ko na lang ang atensyon ko sa pakikinig sa kwento ng isa pa naming kaibigan.

"Mukhang nagkakasiyahan kayo ah " muling salita ng katabi ko.

Natatawa naman akong lumingon sa kanya.

"Oo nga e , Haha loko talaga 'tong si Benjie Hahaha " dahil nga gumaan na ang pakiramdam ko ay nagagawa ko ng makipag sabayan sa kulitan nila hindi katulad kanina na pakiramdam ko ay pasan ko ang daigdig.

"Ellie tama? " anito kaya naman nakangiti akong tumango.

"Yeah , you're Adrian Neil right? Happy birthday pala."

"Cut the Neil please , Adrian will do. I feel like your referring to my father." nahihiyang sabi nito.

Natawa naman ako ekspresyon ng mukha nya.

"Why? Dapat proud ka kasi kapangalan mo ang tatay mo." totoo yun. Kung ako yun siguro sobrang saya ko. Hindi ko na kasi nakilala pa ang papa ko. Hindi ko din alam ang pangalan nya. Ayaw sabihin ng Mama. Hindi ko narin sya pinipilit na magkwento about kay Papa dahil nagagalit lang sya.

" Well in my case I'm not proud of my father , so yeah . I don't want his name next to mine sana kaso ayun no choice." nacurious naman ako sa sinabi nya kaya naman hindi ko namalayan na kaming dalawa na pala ang nag uusap.

Para na kaming may sariling mundong dalawa. I'm enjoying his company. Magaling itong makisama at masarap kausap. Kenkoy din. Hindi na nga namin namalayan na ilang oras na pala kaming nagkukwentuhan lang. Random lang ang pinag uusapan namin.Nakakatuwa pa dahil wala nga kaming specific na topic. Basta bigla nalang syang magpapasok ng panibagong kwento at ayun tuloy tuloy na.

Kung hindi pa nag paalam ang iba naming kasama na uuwi na ay hindi pa namin namamalayan ang oras.

Mag aalas tres na at nauna ng umuwi yung iba na maagang nagpunta dito sa unit nya.

Nagpaalam muna itong ihahatid ang mga kaibigan kaya naiwan akong nakaupo sa sofa. Kinuha ko ang isang bowl ng chips at kumain habang nag aantay.

Lumapit naman saakin si Eunice na may pang asar na ngiti sa mga labi.

"Ano yan Ellie? Kanina lang ang gloomy gloomy mo. Ngayon naman ang blooming mo na. ? Anyare?" nanlalaki pa ang mata nito pati butas ng ilong.

"Loka loka ! Pinagsasabi mo dyan? " nakangiting sabi ko. Hindi ko rin nga alam kung anong nangyayari kung bakit biglang nagbago ang pakiramdam ko.

"Asus asus , if I know. Nagwapuhan ka lang dun sa birthday boy. Akala mo hindi ko nakita kanina yung itsura mo nung ipakilala sya saatin ni Jake? Umilaw ka sis. Alam mo yun? From dark aura to Bright aura real quick."

The Time Keeper (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon