Chapter 5

11 0 0
                                    

   〰️Ellizabeth Gail Bautista〰️

"Pwede ba kitang ligawan?."

Kung may iniinom lang akong tubig sa oras na 'to ay baka naibuga ko na dahil sa sinabi ni Adrian.

Andito kami ngayon sa may rooftop ng condominium building nya at nakatanaw sa malawak na kalangitan na punong puno ng mga bituin. Naglatag pa kami ng blanket at nilagyan ng mga unan. Para kaming nagpipicnic sa gitna ng gabi.

Hindi ako makapaniwalang napatingin sa kanya dahil sa out of nowhere nyang tanong.

Napatitig ako sa kanya at nakikita ko ang sincerity sa mga mata nya .

"L-liligawan mo 'ko?." nakaturo pa ako sa sarili ko at pinipilit iabsorb sa isip ko ang sinabi nya.

Oo alam kong may special nga na meron saaming dalawa pero never naman namin iyong pinag uusapan or nababanggit man lang. Dahil gaya nga ng sabi ko ay sapat na para saamin na magkasama kami at laging nagkikita. Lalo na saakin. Kaya hindi ako makapaniwalang tatanungin nya ako ng ganon ngayon.

"Oo , bakit ayaw mo ba?." mahinang tanong nito.

Agad naman akong umiling dahil pakiramdam ko ay nalungkot sya.

"A-ano.. hindi ano ka ba , nagulat lang ako." napalunok pa ako dahil sa lakas ng tibok ng puso ko.

Nandito na naman yung feeling na parang nangyari na 'to. Pero hindi ko maalala kung kaylan. Parang narinig ko na yun dati sa kanya na tinanong saakin pero wala naman akong maalala na tinanong nya ako ng ganon noon. O kahit ng ibang mga naging boyfriend ko.

"Papayag ka bang ligawan kita?."

Napayuko naman ako at napahugot ng malalim na buntong hininga.

Alam kong papayag ako. Dahil alam kong hindi lang naman basta basta crush lang ang nararamdaman ko para sa kanya. Mas malalim at alam kong ganitong feelings ang gusto ko.

Kaya naman walang pag aalinlangan akong nag angat ng tingin sa kanya at matamis na ngumiti.

"Sige ." yun lang ang sinabi ko pero napakalaki na agad ng mga ngiti nya.

Agad nya akong niyakap at bumulong ng mga salitang lalong nagpatambol sa puso ko.

"I love you Ellie."

Wala akong mabigkas na kahit na anong salita. Parang nalunok ko ang dila ko dahil natameme ako.

Pero sobrang saya ng puso ko. Saya na parang ayaw ko ng mawala sa pakiramdam ko. Saya na parang ayoko ng makaramdam pa ng lungkot.

---

Nakahiga kaming dalawa ni Adrian habang nakatanaw sa payapang kalangitan habang nakaunan ako sa mga braso nya.

Sobrang ganda ng langit. Napakadaming bituin. Indikasyon na hindi uulan.

Maya maya pa ay may nanlaki ang mga mata ko ng biglang may isang mabilis shooting star na dumaan.

Agad agad naman akong pumikit at nagwish .

"Nakita mo yun ? Nagwish ka ba?." naeexcite kong tanong kay Adrian.

"Hmm.. nakita ko."

"Nag wish ka.?"

"Hindi nga e , ambilis kasing nawala."

Tumingala naman ako sa kanya napasimangot.

"Ano ba yan sayang naman."

Natatawa naman syang ginulo ang buhok ko.

"Stop pouting Ellie. " nakangiting sabi nito saakin. Kaya naman mas pinahaba ko pa ang nguso ko.

Natawa naman sya lalo at napailing nalang.

Bumangon ako at umupo paharap sa kanya ng may maisip ako.

"Ganito na lang , kung bibigyan ka ng tatlong wishes. Anong hihilingin mo.?" nakangiting sabi ko.

Tumitig naman sya sa mga mata ko at matamis na ngumiti.

"Kung bibigyan man ako ng tatlong beses para humiling ..." tumaas ang kamay nito at hinaplos ang pisngi ko. 

Nakatitig naman ako sa kanya habang hinihintay ko ang sasabihin nya. Kitang kita ko ang kislap sa mga mata nya at sari saring emosyon hindi ko mapangalanan. Ngumiti ito at nagsalita sa pinakamalambing na boses na narinig ko.

"Tatlong beses kitang hihilingin. " sinabi  nito na nakatingin din diretso sa mga mata ko.

Pakiramdam ko ay parang nag init ang pisngi ko at halos tumalon na ang puso ko mula sa aking dibdib.

Napangiti ako at hinawakan  ang kamay nyang humahaplos sa aking pisngi.

"Talaga?"

"Hmm.. ikaw lang ang gusto ko Ellie." malambing na sabi nito.

Ramdam ko ang labis na tuwa sa puso ko. Tuwa na parang ikawawasak ko kung sakaling mawala saakin. Yung tuwa na lahat gagawin ko wag lang mawala sa sistema ko.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko para kay Adrian. Para bang matagal ko na syang kilala. Na sa sobrang tagal ay hindi na ako sanay na wala sya sa tabi ko. At hindi ko kakayanin kung mawawala sya.

Nahiga ako ulit at patagilid na yumakap sa kanya. Siniksik ko pa ang mukha ko sa leeg nya at pumikit. Naramdaman ko din ang pagyakap nya saakin.

Napakapanatag talaga ng loob ko  kapag kasama ko sya. Na malapit saakin at ngumingiti. Nawawala ang mga weird na pakiramdam na palagi kong nararamdaman.

Sana palagi nalang ganito. Magkasama kami at masaya.

"Ikaw lang din ang gusto ko Adrian."

Sinabi ko sa isip ko. Sasabihin ko din yon sa kanya  sa tamang panahon.

---

a/n: Medyo maiksi itong chapter na to..Pasensya na.

The Time Keeper (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon