Chapter 1

16 2 0
                                    

   〰️  Ellizabeth Gail Bautista〰️

Napabalikwas ako ng bangon dahil para akong nasusuka sa sobrang hilo. Nanaginip ako na para akong nahuhulog galing sa mataas na lugar habang nagpapaikot ikot sa ere. Pawis na pawis ako .Habol ko rin ang aking hininga.

Hinihingal kong inilibot ang paningin ko sa palibot ng aking kwarto.

Napadako ang tingin ko sa may side table ko kung saan nakalagay ang digital clock ko na may kasamang kalendaryo.

07/15/20
9:45 am

Nararamdaman ko pa din ang hilo na para akong sumakay ng rollercoaster. Kaya naman tumayo na ako sa higaan at pumasok ng banyo.

May kakaiba akong nararamdaman na hindi ko maipaliwanag. Parang meron sa dibdib ko na lungkot na hindi ko alam kung saan nanggagaling. May hinahanap ako at inaantay pero hindi ko alam kung ano.

Huminga ako ng malalim nagbabakasakali na mawala ang bigat sa dibdib ko pero walang talab. Pakiramdam ko ang lungkot lungkot ko. Ngunit wala naman akong maalala na nangyaring hindi maganda kagabi bago ako matulog.

Ipinagsawalang bahala ko nalang ang nararamdam ko at nagtuloy na sa pagligo.

---

"Hello ?"

sagot ko sa tawag ng kaibigan kong si Eunice habang nagpapatuyo ako buhok.

"San ka na Ellie? Punta ka na dito. Gala tayo" aya nito saakin.
Gustuhin ko mang tumanggi at magkulong sa kwarto dahil sa hindi ko maintindihang bigat sa dibdib ay pumayag narin ako.

"Ge , saan tayo? "

Tumayo ako at isinabit sa likod ng pinto ang ginamit kong towel bago nagsuot ng sapatos habang kausap ko parin sa cellphone si Eunice.

"Kala Jake daw. Birthday daw ng tropa nila."

Nangunot naman ang noo ko.

"Sinong tropa ? Invited ba tayo? Ayoko mag gate crash Eunice ha."

"Adrian daw e. Hindi ko din kilala . Punta nalang tayo sayang yun libre alak at foods hehe" napangiwi nalang ako sa sinabi nya. Ang kapal talaga ng mukha ng babaeng to.

"Loko ka talaga , haha sige. San tayo magkikita?"

"Sa Mariza's na lang" ang tinutukoy nito ay ang paborito naming coffee shop.

"Okay sige , kita nalang tayo dun bye" sabi ko bago ibinaba ang tawag.

Tumayo na ako at lumapit sa full length mirror na nasa may dingding ng kwarto ko. Pinagmasdan ko ang sarili ko at napabuntong hininga.

"Ano ba 'tong nangyayari saakin?" bulong ko sa sarili. Sinuntok suntok ko pa ng mahina ang dibdib ko dahil pakiramdam ko ay may mabigat na nakadagan dito at nagdadala ng kalungkutan saakin.

Napabuga ako ng hangin at napailing iling.

Lumabas na ako ng kwarto at nagtuloy sa kusina doon ko naabutan ang Mama ko na naghuhugas ng pinggan.

"Morning Ma " lumapit ako sa kanya at hinalikan ito sa pisngi.

"Tinanghali ka yata ng gising Ellie." sabi nito .

Kumuha muna ako ng isang baso ng tubig at agad na ininom iyon. Baka sakaling mabawasan ang bigat sa dibdib ko kapag nakainom ako ng tubig bago sumagot kay Mama.

"Napasarap lang po ng tulog Ma." Naupo narin ako sa upuan sa harap ng lamesa at binuksan ang takip ng pagkain.

"Wag ka kasing nagpupuyat." paalala nito pero hindi ko na nagawang sagutin dahil naramdaman ko na naman ang lungkot sa dibdib ko.

The Time Keeper (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon