Chapter 6

18 1 1
                                    

  〰️Ellizabeth Gail Bautista〰️

"S-sino ka ?."

Nagpapanic na tanong ko sa isang lalaki na nakatayo sa dikalayuan saakin.

Hinahangin ang suot nitong kulay itim na  coat na umabot hanggang sa may baba ng tuhod ang haba. Nakasuot din ito ng sumbrerong itim kaya naman hindi  ko makita ang mukha nito.

"Sabi ng sino ka e ! At tyaka na'san ba 'ko?". ipinalibot ko ang tingin ko sa paligid at nakita ko na nasa gitna ako ng isang malawak na kapatagan. May maliit na damo na hanggang sakong ko lang ang taas. Wala maski isang puno akong nakikita. Wala ring ibang tao maliban saakin at sa lalaking nakatingin lamang saakin mula sa malayo.

Hindi ko alam kung anong ginagawa ko dito. Nagpapaikot ikot ako upang matanaw ang lugar pero wala akong makitang iba. Parang nasa gitna ako ng kawalan.

Napayakap ako ng mahigpit sa sarili ko ng bigla nalang humangin ng malakas. Napapikit pa ako dahil para akong mapupuwing.

Ngunit halos magtayuan lahat ng balahibo ko at mapasigaw ng maramdaman ko ang presensya ng tao sa tabi ko. Na parang napakalapit nya lang saakin.

Natatakot ako pero hindi ko parin idinilat ang mga mata ko.

Maya maya ay narinig ko na lang ang isang napakalalim at baritonong boses na bumubulong saakin. Parang napakalapit ng bibig nito sa tenga ko.

"Tumatakbo ang oras hija. Gawin mo na ang mga nararapat mong gawin. Baguhin ang dapat baguhin. Ayusin ang dapat ayusin. Mauubos na ang oras."

Ano ang ibig nyang sabihin? anong oras? anong meron sa oras?

The Time Keeper (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon