Chapter 1

151 2 0
                                    

Hello ako si Heart Castillo, 20 years old. Mabait, simple, maganda at magaling mag-bake ng cake. Hindi ko alam kung paano ako natutong mag-bake basta ang natatandaan ko noon lagi kong pinapanood si mama habang gumagawa siya ng cakes.

Bukod sa makatagpo ng isang prince charming o knight in shining armor, gusto ko rin matupad ang pangarap ko na maging isang writer. Mahilig kasi akong magsulat ng mga kwento like fantasy, teen-fiction at syempre love stories. Hindi ko alam kung bakit ako nakakapagsulat ng mga love stories kahit alam kong hindi naman ako makaka-relate.

Siguro nakakatulong yung pagiging adik ko sa panonood ng mga love o romance movies. Pero kahit kelan hindi ko inilusyong mangyari sa akin ang mga pangyayari sa kwento ko. Sa isinusulat ko kasing kwento kung hindi happy ending, eh happily ever after. Parang pareho lang naman yun ah, haha.

Basta! Darating din naman ang araw na itinakda ng diyos para makita ko na ang taong nakalaan para sa akin at tamang oras para magtagpo kami. Hindi naman ako nagmamadali eh, alam ko talagang malapit na yun eh. Makikita ko na talaga siya. Iyon siguro ang dahilan kung bakit NBSB pa rin ako, No Boyfriend Since Birth. Hindi naman ako pihikan eh, at mas lalong hindi ako man-hater. Gusto ko kasi kung sino yung una, siya na rin ang huli.

Siguro ang qualification ng isang lalaki para sa akin dapat mabait, gentleman, kayang sakyan ang ugali ko kahit na minsan may pagka-isip bata ako at mas madalas parang bata talaga, haha. Dapat syempre marunong mag-sorry kapag siya ang mali, honest, mapagmahal at higit sa lahat dapat maka-Diyos.

Mayroon pa bang ganung lalaki sa panahon ngayon. Ngayon kasi ang mga lalaki sa una lang magaling, kapag nanliligaw. Haha, hindi ko naman nilalahat noh. Baka maraming mag-react eh. Tapos ang tataas ng pride atsaka dishonest din sila minsan, two-timer pa. Makakakita pa kaya ako ng ganung lalaki o baka naman tumanda na akong dalaga. Waaaah, I can't imagine myself like that. Ang lawak kasi ng imagination mo Heart iyan tuloy umaatake na naman yang kabaliwan mo. 

Waaaaaah! what time na ba? kakagising ko lang at galing pa ako sa napakagandang panaginip. 

It's already 8 o'clock. biglang may isang nilalang na sumulpot sa may pinto ng kwarto ko. 

Waaaaaah! Kuya naman oh, bakit hindi mo man lang ako ginising. Kainis! mokong na toh may gana pang ngumiti-ngiti sa akin. Kita na ngang mala-late na ko oh.

Eh mukhang sarap na sarap ka nga sa tulog mo eh. Nakangiti ka pa kanina habang natutulog, wahahaha. Ano gwapo ba? haha. mokong talaga toh. Ang sarap kaltukan sa fallopian tube atsaka balatan ng nail cutter. Kainis!

Kuya tigilan mo nga ako, pwede! Umalis ka na nga dyan, abala ka sa buhay ko eh. Ginugulo mo na buong pagkatao ko oh. wahahaha over naman buong pagkatao agad.

Wow ha! Agad-agad. Sige na nga aalis na ako, bye chiechaaay! Goodluck sa interview. aaaarrgggg chie lang naman ang nickname ko ah. Bakit kung anu-anong idinudugtong niya. Minsan chie-chie, ngayon naman chiechaaay. Aaahhhh kaasar talaga yung mokong na yun kahit kelan.

Dali-dali akong bumangon at inayos ang higaan ko. Kaunting unat! 1. . .2 . .3. . . . . .1. . . 2 . . . 1. . .2 haha tapos. Pwede na yun! Alangang mag-sit up pa ako hanggang 100 tapos mag-push up pa hanggang 50, wahahaha lalaki lang. Nagmamadali nga eh. Di ba! di ba!

Kinuha ko na yung towel ko at naligo na ako, nag-toothbrush at nag-ayos ng kaunti. Pagkatapos bumababa na at nag-breakfast.

Time Check ! 8:45am

Chie kain ka na muna. Bakit na-late ka ata ng gising? Ngayon ang interview mo ah. Bilisan mo at kumain ka na. sakto! pagbaba ko nakahain na ang mga pagkain. Bread, egg, hotdog and hot chocolate.

Habambuhay [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon