Chapter 4

42 1 0
                                    

Time Check ! 2:00am

Ang aga kong nagising nagwawala na ang mga alaga ko, naalala ko hindi pa nga pala ako nakakakain. Grabe ang lakasng tunog ng tiyan ko nagvavibrate. Gusto kong bumaba para kumain pero. . . .pero ang dilim natatakot ako. Baka may mumu. 

Ah bahala na! kinuha ko yung celphone ko at dahan-dahang pumunta sa pinto. Grabe para akong magnanakaw habang pababa ng hagdan, nakatingkayad at nangangpa ng susunod na tatapakan. 

Maya-maya. . . . . . . . . .

Yes success!!!

Binuksan ko yung ref. Hanap-hanap-hanap.

Ayun milk and chocolate cake. Pumunta na ako sa mesa at inilagay ang mga dala ko. Celphone ko lang ang nagsisilbing ilaw ko ngayon, hahaaay scary. Hindi ko na binuksan yung ilaw kasi baka magising si mama. 

Habang nakain ako. . . . .biglang tumunog yung phone ko. Haha bahagya pa akong nagulat, sinu ba naman kasing matinong tao ang tatawag ng ganitong oras. Pagtingin ko sa orasan, hala!! 3am na pala hindi ko namalayan naka-isang oras na pala ako dito. Nakakatakot! Naalala ko tuloy yung nabasa kong horror story, sabi dun "don't answer a phone call when it rng at exact time of 3am". Baka kasi kung sino ang sumagot sa kabilang linya. Tiningnan ko yung number, sooo strange. But I decided to answer.

Hello? Sino toh? kinakabahan sobra, pero wala naman sumasagot sa kabilang linya.

Hello! Hello! ang kulit nito ah, sino kaya toh. Ayaw naman magsalita. 

Maya-maya biglang may humawak sa balikat ko, emeged! Dahan-dahan akong lumingon huhu, pagtingin ko si mama lang pala. Haaay grabe lang kala ko end of the world na, muntik na akong atakihin sa puso ah. Muntik ko pang mabitawan phone ko. Sayang kaya kung masisira lang. Birthday gift kaya ni mama toh sa akin. 

O ikaw pala anak kala ko kung sino. Ayos ka na ba ha Chie? Pagkatapos kumuha ng tubig, umupo si mama sa upuan katapat ko. Nakatingin lang siya sa akin . Malungkot na nagtatanong ang mga mata niya. 

Yung takot na kanina kong nararamdaman ang bilis nawala pero kasunod nun muling nagbalik yung lungkot. 

Ah mama ayos na po ako. Wag po kayong mag-alala. Ako pa po, eh katulad niyo po ako na matapang. Syempre kailangan ipakita ko kay mama na kahit ano pang mangyari kakayanin at kakayanin ko. 

Ikaw talaga anak. Oo syempre naman, ikaw pa. Kahit anong mangyari, ok lang yan. 

Nagkwentuhan lang kami ni mama at lahat-lahat sinabi ko sa kanya. Tapos nun parang gumaan ang pakiramdam ko, iba pala talaga kapag may napagsasabihan ka ng mga problema.

O sige na po mama, tulog na po ulit kayo. Ang aga pa po eh, sige po. Salamat po talaga mama. 

O sige Chie matulog ka na din. Kalimutan mo na iyon. There is more opportunities to come hindi lang iyon, ok. O sige na. 

Opo mama. Goodnight po! Ah goodmorning na pala sige po mama. 

Inayos ko lang saglit yung mga kinainan ko at umakyat na ako sa kwarto ko. 

Time Check ! 4:00am

Mabilis naman akong nakatulog, kaunti lang naman ang kinain ko at siguro dahil na rin sa milk na ininom ko.

Kinaumagahan. . . . . .

 Ang aga ko pa ring nagising. I think 7am siguro hindi ko na napansin, may kumakatok kasi sa pinto.

Bukas yan. sigaw ko

O Chie kamusta ka na? Ah umalis na nga pala si Tita. Marami pa daw kasi siyang aasikasuhin sa shop. O heto dinalhan na kita ng breakfast, kain ka na. nakakapanibago naman tong mokong na toh sinong anghel ang sumapi dito. Bumait ata. 

Habambuhay [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon