Althea's POV

142 1 0
                                    

Nandito ako ngayon sa bahay nag-iisa , walang kasama at walang makausap. Matagal nang wala sila mama at papa. Si lola ang nagpalaki sa akin, pero ngayon iniwan na din niya ako. Solong anak lamang ako. Simula ng mawala sila mama at papa, nawalan na ng sigla sa loob ng bahay na ito. Kung hindi lang dahil kay Justin baka namatay na ako sa lungkot. Si Justin lang ang nagbibigay ng lakas ng loob at tapang sa akin. Bawat araw ipinaparamdam niya sa akin kung gaano kasarap mabuhay sa mundo.

Nakaupo ako sa sala habang nagbabasa ng libro, maya-maya narinig ko ang boses ni Justin.

Althea! ang malambing na boses na iyan ang kahit kailan hindi ko pagsasawaang marinig mula sa kanya.

Sinalubong ko na siya pagkakita ko sa kanya. Siyempre may dala siyang boquet of red roses. Alam na alam niya talaga kung ano ang paborito kong flowers. Hindi ko alam kung anong saya ang dala ng lalaking ito sa akin, pero kapag kasama ko siya  feeling ko ligtas lagi ako. Siya ang isa sa bumubuo at patuloy na nagpapatatag sa akin.' Kahit na hindi ko alam kung hanggang saan tatagal ang sayang ito.

Flowers for you. sabay abot sa akin ng mga roses. Justin wag mo nga akong sanayin sa mga ngiti at tinging iyan baka hanap-hanapin ko lang iyan.

Oh thank you. tapos niyaya ko na siya papunta sa kusina, nag-bake kasi ako ng cakes para sa kanya.

Pilit kong pinapasaya ang pagsasalita ko , ayokong maging mahina, ayokong maging duwag. Ayokong mahalata niya na nalulungkot ako. Dahil ako mismo ang nagsabi sa kanya na wag siyang maging malungkot para sa akin.

Tada! sabi ko. Alam kong namangha siya sa mga nakita niya, pero hindi dahil sa mga cakes na ginawa ko, kundi dahil nakita niya na nakaya ko pang makagawa ng mga ganoong bagay.

Wow. . .ikaw talaga ang nag-bake niyan? tanong niya.

Siyempre naman. Bakit hindi ka ba naniniwala?

Hindi. . .haha joke lang. Siyempre naniniwala ako. Ikaw pa! Ikaw kaya ang kilala kong pinakamagaling mga-bake ng cakes. kahit ano namang gawin ko laging positive ang comments niya sa akin. Kailan ba ako ng negative comments mula sa kanya.

Bawat araw na kasama ko si Justin sobrang saya, kahit papaano nakakalimutan ko ang problema. Yung mga ngiti at tawa na naibibigay niya sa akin. Kahit alam ko na puso ko puro lungkot at takot.

Sana hangga't nandito ako, hindi mawala si Justin sa tabi ko. Sana hindi siya magsawang alagaan, intindihin at mahalin ako. Feeling ko kasi nagiging pabigat na ako kay Justin. Tama kaya na mag-isip ako ng ganito, kapag sinabi ko naman sa kanya magagalit yun sa akin. Bakit kasi kahit gusto mo hindi pwede.

Habang nakain kami alam ko kahit hindi ko tignan. Nakatingin siya sa akin. Hindi ko alam kung naiilang ako o natatakot lang ako na masanay siyang lagi akong nakikita.

Ahm Althea? pero hindi ako tumitingin sa kanya tuloy lang ako sa pagkain.

Hmmm. . .bakit? mahal ko talaga siya. Mahal ko siya at ayokong iwan siya, gusto ko lagi lang akong nasa tabi niya. Pero bakit ang daming bawal. Bakit ang daming hindi pwedeng mangyari.

Althea wag ka masyadong magpapa-pagod ha. Alam mo naman na ayokong napapagod ka. Iyan si Justin sobra ang concern sa akin. Samantalang ako hindi ko maibalik iyon sa kanya. Kung kaya ko lang sana gawin ang lahat, pero maraming bawal, maraming hindi pwede.

Oo naman. Hinbdi naman ang mahirap ang mag-bake lang ng cake. Haha, hindi naman ako baldado noh. Sana nga hindi lang pagba-bake ng cake ang kaya ko. Sana lahat, pero hindi eh. 

Yaaah, I mean kapag may gagawin ka na alam mong mahirap antayin mo ko. Ako na lang ang gagawa. Hindi ko alam kung paano ko mapapasalamatan si Justin. Tapos ngayon iiwan ko pa siya. Imbes na mapasalamatan ko siya. Masasaktan ko pa siyang lalo.

Pumunta na kami sa sala. At umupo.

Sana ganito na lanag tayo lagi noh, Althea. Sana nga Justin, kahit hindi mo sabihin gagawin ko, pero hindi na pwede .

Alam mo namang hindi pwede di ba. Nahihirapan ako sa sitwasyon namin ni Justin. Gusto ko pang makasama siya ng matagal. Gusto ko hanggang sa pagtanda namin. Nakakalungkot lang isipin na hindi na iyon mangyayari pa kahit lailan.

Pero bakit naman? tanong niya. Alam ko na matagal na niyang alam. Ako matagal ko nang tinanggap pero nasasaktan ako na si Justin mismo hindi matanggap ang katotohanan.

Kasi may mga bagay sa mundo na kahit gusto pa natin hindi na pinahihintulutan ng panahon. Hindi ako manhid kaya ramdam ko ang lungkot na nararamdaman niya.

I know pero bakit ikaw pa. Bakit ngayon pa? Naiinis ako sa sarili ko. Dahil sa akin nasasaktan si Justin, dahil sa akin umiiyak siya ngayon.

Wala na tayong magagawa Justin. Basta ipangako mo sa akin na wag kang malulungkot at wag kang iiyak. Gusto ko magmahal ka pa rin. Gusto ko magmahal ka ng isang babaing hinding-hindi ka iiwan. 

Hanggang dito na lang ako Justin. Salamat sa lahat. mahal na mahal kita. . . . . . . . . . . . . . . . :'(

Habambuhay [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon