Justin's POV

208 3 0
                                    

Kagagaling ko lang sa Flower Shop. Bumili ako ng red roses para kay Althea, paborito niya kasi ang mga roses. Parang ibang saya din kasi ang nararamdaman ko kapag nakikita ko siya na masaya. Alam ni Althea kung gaano ko siya kamahal. Higit pa sa buhay ko. 

Dumiretso na ako sa kanila para bisitahin at kamustahin siya. Hindi ko alam pero gusto ko bawat araw at bawat oras lagi ko siyang nakikita. Parang kulang kasi ang araw ko kapag hindi ko siya nakita.

Althea! tawag ko sa kanya habang papasok na ako sa bahay nila. Matagal nang patay ang mga magulang niya, dahil sa aksidente at ang lola na lamang niya ang nag-palaki sa kanya pero ngayon iniwan na din siya nito. Solong anak lamang si Althea. Pero ang alam ko meron siyang half sister na naging anak ng kanyang papa sa iba. At iyon ang gustong niyang malaman at makilala.

Nadatnan ko siya na nakaupo at nagbabasa ng libro. Pagkakita niya sa akin, tumayo na siya at sinalubong ako. Iniabot ko na rin ang mga roses sa kanya.

Flowers for you. Nakangiti lang ako at nakatingin habang ibinibigay ang mga roses sa kanya. Nagluluto ka? tanong ko sa kanya kasi malayo pa lang ako naaamoy ko na eh.

Oh thank you. Ahm yup nag-bake ako ng cakes para sayo. Tara. . .Tara. . . Dun tayo sa kusina ! haaay may pagka-isip bata talaga itong si Althea. Sumunod na ako sa kanya habang hila-hila niya ang kaliwang kamay ko. 

Pagdating namin sa kusina. Nakangiti at proud na proud na ipinakita niya sa akin ang mga cakes na ginawa niya. 

Tada! Cakes for you Justin. hahah parang bata talaga with hand gesture pa eh.

Wow. . .ikaw talaga ang nag-bake niyan? mangha kong tanong habang nakatingin lang sa kanya. Paano ba naman three flavors of cakes ang nadatnan ko. 

Siyempre naman. Bakit hindi ka ba naniniwala? pout.

Hindi! haha joke lang. Siyempre naniniwala ako. Ikaw pa! Ikaw yata ang kilala kong pinakamasarap mag-bake ng cake! Lumapit na ako sa kanya at inakbayan siya sabay gulo sa buhok niya.

Uhm, ginagawa mo naman akong bata oh. sabay kurot sa tagiliran ko. Ang sakit kaya, tapos sabay takbo palayo sa akin.

Haha, ang sakit nun ha. Ikaw talaga. Bakit hindi ba? Ikaw  nga ang princess ko di ba. Halika na nga dito, patikim ng cakes na ginawa mo. Lumapit na siya at ako na ang kumuha ng plates at spoon para sa amin.

Sana lagi  na lang ganito. Sana puro saya na lang lagi. Bakit kasi taksil ang panahon, kung kelan masaya ka na saka magdadatingan ang mga problema para manggulo. Para maging malungkot ka ulit. Dadating ang problema para pigilan ka. Para pigilan kayo. Ganun ba talaga sa bawat hapiness may sadness. Bakit hindi na lang puro saya. Ayoko lang kasi na nakikita niyang nalulungkot ako, sigurado magagalit yun sa akin. Iyon ang ayokong mangyari, ang magalit sa akin ang babaing sobrang mahal ko. 

Habang nakain kami nakatingin lang ako sa kanya. Para talaga siyang bata. My cute little princess. 

Ahm Althea? sumagot siya pero hindi naman siya natingin sa akin tuloy pa rin siya sa pagkain ng cake. Sarap na sarap, syempre siya ang nag-bake. 

Hmmm. . .bakit? sobrang mahal ko talaga ang babaing ito. Itong babaing kaharap ko ngayon.

Althea wag ka masyadong magpapa-pagod ha. Alam mo namang ayokong napapagod ka. Nakatingin lang ako ng seryoso sa kanya, alam niya kasi kapag ganung tingin seryoso talaga ako sa sinasabi ko.

 Oo naman. Atsaka hindi naman mahirap ang mag-bake lang ng cake. Haha, hindi naman ako baldado noh. Nakangiti nyang sabi. Kita ko masaya naman siya. Masaya na din ako makita ko lang na masaya siya.

Habambuhay [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon