Chapter Six

176K 5.7K 1.8K
                                    

I won't give up. Hindi ako magpapasindak sa mga sinabi ni Xanthos last night. I'll make sure to make him surrender; he'll be at my mercy. That's for sure.

“Smells good,” I muttered while inhaling the scent of brewed coffee.

Natigilan ako nang makitang lumabas na si Xanthos ng silid n'ya. He's now wearing his typical work attire, three piece suit. I unconsciously bit my lower lip while staring at him. He's sinfully handsome face and manly physique is too much to handle for this morning. Ang aga aga kung ano-ano'ng tumatakbo sa isip ko ngayon kahit pa kumpleto naman ang damit na suot n'ya.

Nakaayos ang buhok n'ya at hindi nakabagsak, he looks neat and professional that way but I like his disheveled hairstyle more. Sa bahay lang n'ya yata hinahayaang nakabagsak ang buhok n'ya.

“I hope you're aware that you're shamelessly showing your admiration to me right now.”

That woke me up from my reveries. I cleared my throat and drank my coffee. Napaiwas na lang ako ng tingin sa kanya saka hinawi ang buhok ko.

“Do you want coffee?” I asked and smiled at him. “or do you want me?”

Hindi pinansin ni Xanthos ang tanong ko at kumuha ng tubig sa ref saka uminom. Napaismid na lang ako at umupo sa mesa.

“Are you going out?” Xanthos asked and glanced at me. Saglit n'yang hinagod ng tingin ang kabuuan ko.

Oh right, I'm wearing a peach skater dress and flat sandals. Hindi ako makapagsuot ng heels dahil medyo masakit pa ang paa ko.

“Yeah, I need to buy some necessities.” Lumapit ako sa kanya at humawak sa necktie n'ya. “Will you accompany me?” I asked and gave him my sweetest smile.

Xanthos just slightly pushed me. Napaismid na lang ako at inirapan siya. Allergic ba siya sa 'kin? Para namang may nakakahawa akong sakit.

“I'm busy and even if I'm not, I still won't accompany you. I don't like wasting time over small things,” he said and fixed his necktie.

He really doesn't filter his words. Sasabihin n'ya ang gusto n'yang sabihin. Hindi pwede ang sensitive sa taong 'to.

Akmang aalis na siya ngunit agad kong nahawakan ang braso n'ya. Hinila ko siya paupo sa isang upuan saka umupo sa kandungan n'ya. Halatang natigilan siya sa ginawa ko.

“What the hell are you doing?” he asked and was about to push me but I encircled my arms around his nape.

“Wait lang kasi.” I cleared my throat and unbuttoned his coat and waistcoat. He tried to stop me but I immediately slapped his hand. Sunod kong inalis ay ang necktie n'ya.

“Are you out of your mind?” mariin tanong pa ni Xanthos.

Muli kong sinuot sa kanya ang necktie, halatang natigilan siya at nagtatakang napatingin sa ginagawa ko. I somewhat felt satisfied when I saw him showed his emotions. Minsan lang siya mag-react ng ganyan kaya talagang satisfying. Mukhang litong lito talaga siya sa ginagawa ko at nakakunot pa nang maigi ang noo n'ya.

“From now on, ako na ang magsusuot ng necktie sa 'yo, okay?” I asked and smiled sweetly at him again. Muli kong binalik sa pagkakabutones ang waistcoat n'ya.

Umalis na ako sa kandungan n'ya. Xanthos cleared his throat and stood up too. He fixed his coat and turned his back on me. Hindi na ito nagsalita pa at basta na lang umalis ng kusina. Agad ko namang kinuha ang handbag ko sa mesa at hinabol siya.

“Xanthos, wait!” I shouted but he continued walking as if he didn't hear me.

Hanggang sa makalabas na ng bahay ay hindi n'ya ako nililingon. Agad kong hinawakan ang braso n'ya at pinaharap siya sa 'kin.

Chasing the Forbidden (SERIE FEROCI 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon