Chapter Seven

182K 6.1K 4.4K
                                    

Gaya ng inaasahan ko, wala na si Xanthos paggising ko. Hindi na rin naman ako nag-e-expect. Xanthos hates me, he finds me annoying... he will never like me.

“Ano'ng trip mo? Bakit ka pupunta rito?” tanong ni Cad sa kabilang linya.

“H'wag ka munang magtrabaho ngayon. Kailangan ko ng kasama,” sabi ko saka tiningnan ang sarili ko sa salamin bago lumabas ng kuwarto ko.

I'm ready to go, I'm just wearing a black long sleeve mesh crop top with black tube beneath and paired it with a high-waisted jeans. I missed wearing clothes like this. Palagi kasi akong busy sa trabaho.

“Cook breakfast for me. Make sure your ref has lots of beer in it. Tinatamad ako pumunta sa bar mo, gusto ko muna ng tahimik,” sabi ko saka dumiretso sa kusina para uminom ng tubig.

Napakunot ang noo ko nang mapansing may nakatakip sa mesa. Agad kong inangat ang pantakip na kulay red na may butas butas na palaging ginagamit ng mga katulong sa bahay pantakip ng ulam.

Fried rice with egg and bacon? Who cooked this? Xanthos? I thought he doesn't know how to cook?

Napailing na lang ako at tinakpan 'yon ulit. I won't eat this, baka hindi masarap.

“Huy, bakit natahimik ka na riyan?”

Natauhan lang ako nang marinig ko ang boses ni Cad sa kabilang linya. Napabuntong-hininga na lang ako at napakamot sa batok ko.

“H'wag ka na pala magluto ng breakfast, dito na 'ko kakain,” sabi ko na lang at kumuha ng spoon and fork sa lagayan saka umupo sa upuan.

I don't want to waste food and besides, it seems like Xanthos wasn't the one who cooked this. I'll give this one a try.

“Parang timang. Nga pala, anong oras ka pala pupunta?”

“Give me at least thirty minutes,” I answered and instantly ended the call. 

Napalunok ako saka sinubukang tikman iyon. Napangiwi ako nang mapansing masyadong maalat ang fried rice pati na rin ang itlog. Kung araw-araw ko 'tong kakainin baka magkasakit ako dahil sa alat.

Napailing na lang ako at itinuloy ang pagkain. I'm just eating this because I don't want to waste food, iyon lang.

Pagkatapos ng ilang minutong pagtitiis kainin ang fried rice na 'yon, nag-toothbrush na ako saka umalis. Hindi na ako naglagay ng make up dahil kay Cadence lang naman ako pupunta.

Dumiretso na ako sa unit ni Cadence. Nag-taxi na lang ako para hindi hassle. I've been there for how many times. Madalas doon ako natutulog kapag nalalasing ako nang sobra. I trust Cadence naman, he may be a goofball but he never took advantage of me.

Sa isang high-end condominium natuloy si Cad ngayon, malapit lang sa bar n'ya kaya rito na n'ya ko dinadala kapag lasing na lasing ako. Alam n'ya kasi na magagalit ako kapag inuwi n'ya ako sa bahay ng lasing. Ayaw kong makikita ako nina Dad ng lasing.

Alam ko na ang PIN code ng unit ni Cad kaya hindi na 'ko nag-doorbell. Basta na lang ako dumiretso sa loob.

My forehead creased when Cadence immediately rushed to my direction. He's wearing a simple t-shirt and short with apron. Cadence is a good cook, he's way better than me.

“I told you not to cook breakfast for me anymore,” I said and kissed him on his cheek. Nasanay na siguro ako na gano'n ang bati sa kanya.

“Ahm, hindi mo ba nabasa ang text ko? Sabi ko h'wag ka munang pumunta kasi pupunta 'yung mga kaibigan ko,” bulong n'ya. Napakunot ang noo ko saka umiling. Naka-silent ang phone ko.

Chasing the Forbidden (SERIE FEROCI 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon