1: Smile

20 3 20
                                        

Hi! I am Jaztine and this is 'Rember the first time..'

– Ms. Jaztine will be sharing a story, a story of her first time. Ms. Jaztine, you may now start the chapter of your life.

When I was a  first year high school I've met my first guy bestfriend that turns into my first heartbreak.

Sobrang nobody ko dati nung elementary ako, I only had a three or two close friend. I enjoyed my life naman noon kahit wala ako masyadong kaibigan.

Pag dating ng first year highschool or grade seven, nagkaroon ako ng mga kaibigan, babae at lalaki. One of the best thing happened to me kasi almost buong section namin dati sobrang close ko and sa mga kabilang room na I didn't experience nung nasa primary ako.

First week of our class naging interested ako sa isang guy, he is Mico, tall and has a skinny body, chinito, has a beautiful lips and a cute smile.

Diba nga sabi nila kapag highschool doon mo na  mae-experience yung mga crush na yan, so ayon naging crush ko si Mico. Lagi ko siyang tinitignan, sinusundan and iniistalk sa social media. One month past nalaman ko na may girlfriend siya, yung late enrolled naming classmate na  maganda, almost perfect na babae. Syempre I got jealous and nainis kay girl pati na rin kay Mico.

Ang sabi ko noon sa sarili ko na iuuncrush ko na siya, Mico has a friend, si Benj, siya yung naging crush ko rin and nalaman yon ng lahat ng classmate namin na may gusto ako sa kaniya. Ang nangyari is si Benj ang nakilala nilang crush ko pero deep deep inside of me si Mico talaga ang nais ko. Wala pang isang buwan nabalitaan ko naman na nagkalabuan si Mico at girlfriend niya.

Nakaramdam ako noon ng chance and excitement, one time naging kagroup ko siya sa activity, I took that chance para makipag kaibigan sa kaniya. My wish granted, naging bestfriend ko siya.

Oh my, bumabalik yung memories namin ba't ganon naluluha ako hahahahaha.

–Pwede naman umiyak Ms. Jaztine

No, hindi ako iiyak, maluluha lang. Back to the story I will be sharing some of our good memories together.

Naging super close kami dahil sa card, tinuturuan niya ako ng magic sa card and some tricks. Mahilig din kasi talaga ako sa baraha, yun na yung naging indoor activity na ginagawa namin ng mga kapatid ko.

Sabay kaming kumakain sa canteen kasama si Benj and yung bestfriend ko na si June pati na rin iba ko pang kaibigan. Magkakatabi kami sa upuan lagi, as in halos kami kami na yung laging magkasama sa loob ng isang araw. Naalala ko hinahatid pa ako ng daddy niya sa bahay namin, service niya kasi ang daddy niya and kapag nakikita kaming magkasabay lumabas ng gate isinasabay na rin ako pauwi. Kilala ako as a bestfriend.

Nabalitaan ko ulit paglipas ng ilang buwan na may girlfriend siya, ni hindi ko naisip na mag kakaroon siya ulit ng girlfriend kahit lagi na kami magkasama, hindi ko napansin na may nagugustuhan pala siyang iba. That really broke my heart kasi sobrang umaasa ako back then na magkaroon siya ng feelings sa akin, but then ayon may nagustuhan siyang iba na classmate din namin.

Iniwasan ko siya non, naging close kami ng kaibigan niyang si Benj. That was Valentine's day if I'm not mistaken, that time February yon and dapat yun yung time na mag c-confess ako ng feelings ko kay Mico and it turns out na kay Benj ako nag confess. I gave Benj a valentine's card, nakasulat don na sobrang glad ako na naging mag kaibigan kami and told him that I have feelings kay Mico, asking him a favor na kung pwede ba na paiwasin niya si Mico sa'kin.

Ginawa naman ni Benj yung favor ko pero si Mico hindi, wala siyang idea na sa bawat ngiti niya kasama yung girlfriend niya nadudurog yung puso ko. Yes ang bata pa namin non, pero ang pure nung feelings.

Lagi nag m-message si Mico sa'kin at nag tatanong kung okay lang ba ako, bakit daw ako parang umiiwas sa kaniya, bakit daw hindi na ako sumasabay umuwi. I wanted to tell him kung bakit ganon yung naging kilos ko, nag reply na lang ako ng I'm good, may problema lang sa bahay.

I don't know ha pero sobrang sakit ng puso ko non, imagine being close sa crush mo, spending every minute and second of a day na kasama ka but then one day makikita mo may pinag bubuksan na ng pinto sa kotse nila. Actually wala naman akong right para mag rant sa kaniya kasi I'm just a friend, considering my feelings magkakaroon ako ng right pero mas gugustuhin ko na lang mawalan ng karapatan para hindi ako makasira ng relasyon.

There was a time na half day lang yung class namin, maaga kami pinauwi. May mga nag mall at gumala kung saan, merong mga pumunta sa bahay ng kaibigan nila. That time rin inaaya ko yung bestfriend ko, si June, pero busy daw siya and maraming gagawin.

Pumunta ako sa court na malapit sa school, tumambay ako sa playground, umupo lang ako noon sa swing para magpalipas ng oras. I was thinking na baka masyado pa akong bata para mainlove kaya hindi siya nag w-work, or baka masyado lang ako na overwhelmed sa actions na pinakita ni Mico sa'kin at baka kaibigan lang talaga ang meron sa amin na hindi niya ako magugustuhan.

I was in the middle of my thoughts nang may humawak sa gilid ng swing na inuupuan ko and gently move it para maswing ako. As I turned my head patingin sa likod ko, nakita ko ang mukha ni Mico, wearing a big smile.

I Will Be [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon