2: Invited

14 3 13
                                    

– Mico showed from nowhere sa araw na wala kang kasama, how does it feel? nung moment na yon.

Sobrang kinabahan ako kasi I didn't expect it na mangyayari 'yon. Unang pumasok sa isip ko kung si Mico ba talaga yon, naisip ko rin na baka nag break sila ng girlfriend niya kaya siya pumunta sa'kin.

Umupo kami sa gitna ng court, may dala siyang bola noon e, pero napansin ko na may bandage siya sa paa sabi niya injured daw dahil sa laro nila. Tinuruan niya ako mag basketball, nag kwentuhan about anime and movies.

We never talked about love and mga crush, hindi rin siya nag kukwento about sa girlfriend niya pero that day tama nga ako, break na sila. Naisip ko na kailangan lang ako kapag walang girlfriend pero naisip ko rin naman na nung in relationship siya hindi naman niya ako iniwasan, ako lang talaga ang umiwas.

As usual sabay na ulit kami sa lahat ng ginagawa namin sa school, how marupok I am.

–What was the best moment that you will never forget that happened sa inyong dalawa?

Ahm, I think yung moment na parang kdrama ang dating. Umuulan kasi non, as in ang lakas ng ulan tapos wala akong payong. Nasaktuhan na nasa loob pa ako ng room kasama si June kasi kami ang magsasarado non, buti na lang nasa canteen pa sila Mico and Benj. Ang cliché pero yun yung hindi ko malilimutan na sinundo niya ako sa room para payungan, hinawakan niya ako sa bewang, sobrang lapit namin sa isa't isa feeling ko napansin niya rin na kinakabahan ako.

Around month of March wala na kami masyadong ginagawa. Tumambay kami ng mga kaibigan ko sa gilid ng room at nag kwentuhan, ang sabi nung isa naming kaibigan "oy June anong meron sa inyo ni Mico? ikaw ha!"

And I was like 0_0

Nagulat ako, tinignan ko si June pero umiwas siya ng tingin. Naisip ko agad na ito na feeling ko alam ko na mangyayari, bigla nagsalita si June "Wala, gaga ka kay Jaz lang 'yon. Hindi ko yon papatulan" she said

Cinonfirm ko kay Mico kung may namamagitan ba sa kanila ni June ang sagot niya sa'kin "Sinabi sayo?"

So secret lang pala dapat, sorry ha nalaman ko. I felt betrayed, bestfriend ko pa and what's with that hindi ko siya papatulan pero she already did. Akala ko pinaka masakit na yung recent ex girlfriend niya pero may pinaka finale pa pala, what a twist.

I hated myself, kahit sobra akong nasaktan hindi ako nagpakita ng inis or galit. Ako yung naging one call away nila tuwing magkikita sila or may problema sila. I supported both of them, their relationship. Am I a fake friend if hiniling ko noon na sana hindi magwork yung relationship nila? kasi fuck them, ilang weeks na palang sila nung time na nalaman ko.

Summer vacation sila pa rin, hinayaan ko na sila at sinabi na magiging busy ako. Months past nabalitaan ko na lang na break na sila, baka kasi ako talaga yung para kay Mico kaya walang tatagal sa kaniya.

Fast forward, grade 8 kami hindi ko na classmate si Mico pero meron siyang girlfriend na ang pangalan is June rin, buong grade 8 life ko naging magkaibigan kami ni Mico pero hindi na katulad ng dati. Siguro tumagal sila ng isang taon ni June the second.

Grade 9 nagbabalak ako mag confess sa kaniya, one time kasi sabay kami umuwi at biniro ko siya na "Mico, maganda naman ako maging jowa diba?" I asked "Oo naman, feeling ko nga jowa kita" he replied

Biruan lang naman yon pero umasa talaga ako, nasa second floor ang classroom niya. Pinuntahan ko siya kasi sabi ko may sasabihin lang ako saglit.

I saw him seating beside a beautiful girl, holding  the girl's hand habang sabay silang tumatawa. Tinawag ako ni Ella na kaibigan ko rin, sinabi niya na girlfriend daw yon ni Mico. I never saw that smile of him before, ngayon ko lang siya nakita tumawa ng ganyan sa harap ng girlfriend niya.

After nung araw na yon tinanggap ko na lang na baka time na para igive up ko yung feelings ko, sabi nga nila mahirap kalabanin ang itinadhana sa kaniya.

Days, months, and years past, I stayed single until now.

–When was the last time na nakausap mo siya? or nakasama.

Two months ago. Sa kasal....

–Best man and Maid of hon--

He got married...with that girl.

I was invited as Brides Maid. I witnessed their wedding, I witnessed the wedding of my first love.

Umiyak ako, nag halo na e. Masaya ako kasi may pamilya na siya at the same time hindi ko maiwasang masaktan. Hindi ko kaya mag sinungaling sa sarili ko, nasaktan talaga ako. Well kasalanan ko rin kasi tinanggap ko yung invitation nila, actually sinabi ni girl sa'kin yon na Mico wanted me to be a brides maid, tinanggap ko kasi wala naman alam si Mico about sa feelings ko kaya walang reason para tanggihan, kaibigan niya ako.

Weeks before ng kasal nagkita kami ni Mico, alam naman ng asawa niya yon. Nag usap kami kasi sabi niya kailangan namin mag usap.

Akala ko about wedding and stuff pero ang bungad niya sakin

Will you be okay?

I Will Be [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon