Chapter 9

4.6K 103 3
                                    




"saan tayo pupunta at bakit kailangan naka ayos tayo?" tanong ko kay cedrick. Napatingin ulit ako sa sarili ko. Nakasout ako ngayon ng black long sleeve na gown pero off shoulder yung design may hati siya sa gilid pinarisan ko lang ng 3 inch na black sandal, yung buhok ko nakalugay lang dahil hindi naman mahaba ito hanggang balikat lang nilagayan lang ni cedrick ng black ribbon sa likod. Yung mukha ko naman naka light make up lang siya lang nag ayos sa akin kasi magaling naman siya. Napalingon ako sa kanya ng ayosin niya yung bangs ko.


"habang tumatagal lalo kang gumaganda, noon cute lang ngayon shet baby nakakabaliw yung mukha mo." napakagat ako ng labi ko dahil sa kilig. "pupunta tayo sa dati kung kaklase, bday kasi ng asawa niya remember zendaya mendes?" tumango lang ako sa tanong niya. Kilala ko yung si zendaya yung isa sa mga grupo ng non-toxic girl group nakilala ko na din siya ilang beses na pati yung asawa niya mabait kaso mailap lang hindi masyadong nagsasalita pero mabait naman.


Hanggang naka baba kami sa parking lot ay nakahawak kamay kami ni cedrick, nga pala yung sout niya naka black din na tuxedo at pants pati shoes niya na kumikinang dahil sa subrang linis nito.


Pinagbuksan niya ako ng pinto bago siya sumakay sa driver seat. 20 minutes ata ang byahe bago kami nakadating sa lugar ng kaklase niya. Maganda yung lugar nila subrang liwanag dahil sa mga ilaw sa palibot. Ilang beses na din akong nakapunta dito dahil dito nakatira sila kiven at edrick.


Pagkababa niya ng sasakyan ay umikot siya sa side ko at nakangiti siyang binuksan ang pinto kung saan ako naroroon. Ang gwapo talaga ng baklang ito. Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwalang akin na talaga tong lalaking ito.


"thank you." 


"always welcome baby, ang ganda mo parang nagsisi akong nilabas ka."


"wag kang mag alala sayo lang ako. Hindi ako mawawala sa tabi mo promise." hinalikan niya muna ako bago niya hinawakan yung kamay ko. Sabay kaming pumasok sa loob. Ito yung unang beses na pumasok sa mansion ng mga de loughry, kasi pagpupunta ako sa village na ito kila ann lang naman ako. Napanganga ako sa ganda ng mansion nila.


"wag kang lalayo mrs. Brock." napatingin ako kay cedrick. Pinigilan ko yung kilig ko dahil sa sinabi niya. Totoo ba yung narinig ko, mrs. Brock. Ang baklang to talaga ang ang hilig magpakilig.


"yes mahal." napahinto siya sa paglalakad, nagtaka ako ng humarap siya sa akin. "bakit? May nasabi ba akong mali?" tanong ko.


"tinawag mo akong mahal?" di makapaniwala niyang tanong.


Napakagat ako sa labi ko. "ayaw mo ba?"


"tss! Syempre gusto." nag wink siya sa akin bago ulit naglakad. Ano ba cedrick! Naka ilan kana ngayon ah? Mamaya ka sa akin pag uwi.




----------

Asan na yung baklang yun? Sabi kukuha lang siya ng pagkain para sa akin tapos ilang minuto ng nakalipas di parin siya bumabalik. Buti pa siguro puntahan ko nalang siya. Naglakad-lakad ako habang patingin-tingin sa paligid baka kasi may kina usap lang siya. Napahinto ako ng may mahagip ang mata ko dahilan ng pag alon ng lalamunan ko. Syet! Totoo ba yan?........................ A chocolate fountain? Oh my! Totoo nga! Nakangisi akong lumapit doon. Ng nasa tapat na ako ay may biglang bumangga sa akin.



"oh my god iha are you okay- oh my god! Lisa?. Kilala mo ba ako?" tanong nong babaeng nakabangga sa akin. Nakatingin ako sa kanya, pamilyar nga siya pero hindi ko siya kilala o matandaan kung saan ko siya nakita.


"h-hindi po." pag amin ko.


"ako to, si tita casandra. Remember nong sa grocery store."


"ah, kayo po pala t-tita cas, sorry po hindi ko kayo nakilala agad, ang ganda at bumata kasi kayo ngayon." nahihiya kung sabi.


"ano kaba ok lang, by the way kumusta yung balikat mo. Magaling naba?" tukoy niya doon sa nalaglagan ng dilata.


"ok na po tita."


"ang ganda mo ngayon iha. Sino pala kasama mo?" tanong niya. Ibubuka kona sana ang bibig ko ng may biglang sumulpot sa gilid namin na isang 50% na babae at 50% na lalaki sino paba si cedrick.


"kanina pa kita hinahap andito ka lang pala sino ba itong ka-" nakita ko yung paglaki ng mata ni cedrick, hindi niya ata napansin si tita casandra kanina kaya ganyan nalang yung reaksiyon niya. "m-mommy." tukoy niya kay tita. Pero wait? Mommy? As in mama? Mother? Mudrakels? Ilaw ng tahanan? Ano paba?


"magkakilala kayo ni lisa?" tanong ni tita cas kay cedrick. Napatingin naman si cedrick sa akin.


"magkakilala kayo ni mommy?" tanong ni cedrick sa akin. Tumango naman ako. Binalingan niya ulit ng tingin si tita cas.


"cedrick?" nagtatanong niyang sambit sa pangalan ni bakla. Kinabahan ako ng lumapit si cedrick sa akin at hinawakan ang kamay ko. Nakita ko naman yung mukha ni tita na halos hindi maipinta.


"mom, alam mong kilala mona si lisa pero ibang tao ang pagkakilala niyo sa kanya, well sa akin ipapakilala ko siya sa inyo bilang soon-to-be wife ko at syempre your soon-to-be daughter in law na din, and lisa this is my mother casandra malandi brock. I know kilala niyo ang isa't isa."


"syet! Totoo ba ito cedrick?" hindi makapaniwalang sabi ni tita cas. Napayuko nalang ako dahil sa hiya, ayaw kaya ni tita cas sa akin? Pero pano nalang ito mahal na mahal kona yung anak niya.


"sorry mom."


"mag usap tayo mamaya, doon kayo uuwi sa bahay mamaya kasama si lisa." matigas na utos ni tita lisa. Napa angat ang mukha ko ng may humawak sa kamay ko, akala ko si cedrick hindi pala si tita cas pala. Magsasalita na sana ako kaya lang umurong yung dila. "thanks god at meron na akong makakasama sa gala at pag sho-shopping ko." nakangiting sabi ni tita cas. So hindi siya galit sa amin? O kaya sa akin?


"mom, saan mo dadalhin si lisa?" tanong ni cedrick ng hatakin ako papalayo ni tita cas sa kanya.


"ipapakilala ko siya sa daddy mo. Bruha ka!" natawa nalang ako sa mag inang ito. Namiss ko tuloy si mama.   



---

Gay's Obsession[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon