Chapter 15

3.7K 79 0
                                    



"lisa." tawag niya ulit sa akin. Hindi ko na mabilang kung naka ilang bigkas na siya sa pangalan ko. Kahit pa makomatos siya sa katatawag o kasasambit ng pangalan ko hindi ko parin siya papansinin. At least ngayon alam niya na yung nasa loob ko at alam niya na ayaw ko na sa kanya. Kahit mas gustong kung mag stay sa kanya hanggang sa huli kung paghinga pero napaka imposible naman yun dahil bumalik na yung totoo niyang mahal. "kain ka muna, Hindi ka pwedeng malipasan ng gutom." mahina niyang sabi.


Hindi ko parin siya pinapansin bahala siya sa buhay niya diyan, kainin niya lahat ng dala niya! Bwisit! Narinig ko yung pagbuga niya ng hangin.


"baby please, hindi ako sanay na ganito ka. Mas gusto ko yung lisa na maingay at makulit. Sorry na kung ano man yung nabasa mo doon sa lumang diary ko. Baby believe me simula ng nakilala kita pinilit ko ang sarili kung mahalin ka dahil alam kung ikaw na yung babaeng hinahanap ko. Oo aaminin kung nung una wala akong paki alam sayo pero lisa maniwala ka nagising nalang ako isang araw takot na takot na akong malayo at mawala ka sa paningin ko. Mahal na mahal kita lisa, mahal na mahal kita." hindi ko maiwasan yung pagpatak ng aking luha ng marinig ko yung pag piyok niya sa huling niyang sinabi.


"sinungaling ka." yun nalang yung nasabi ko. Hindi kona alam kung ano pang sasabihin ko sa kanya kung maniniwala ba ako natatakot na akong maniwala sa kanya.


"lisa, you're pregnant kaya kumain ka." nagulat ako sa sinabi niya. Hinarap ko siya ng may pagtataka sa mga mukha ko.


"anong sabi mo?"


"you're pregnant." ulit niya. Napaawang ang labi ko, shet! Buntis ako? May lamang baby itong tiyan ko. Napasinghot nalang ako dahil sa hindi ko alam kung maging masaya ba ako o mas lalo pa akong matakot. Kaya pala lately iba yung pakiramdaman ko parating pagod yung katawan ko pati yung mga kinakain ko ibang iba na sa dati. Pati yung mga ayaw ko noon ay mas nagugutushan kona ngayon.


Umupo siya sa tabi ko at pinunasan yung gilid ng mata ko gamit yung hinlalaki niya. Tumulo na pala yung luha ko hindi ko man lang napansin o naramdaman. Yumuko siya at pilit na inaabot ang noo ko para mahalikan. Hindi ko na siya pinigilan dahil hindi parin ako maka move on at makapaniwala sa sinabi niya.


"you're pregnant with our child babe. Kaya don't be stress your self wag kang mag isip ng ikakasama sayo at sa baby natin. Pamilya na tayo ngayon." mahinahon na sabi niya bago ako binigyan ng halik sa labi.


"pano si ash-"


"wag mo munang isipin yan ok. Promise ko sayo pagkalabas mo dito ipapaliwanag ko sayo lahat, Sasabihin ko sayo lahat, lahat ng gusto mong malaman at itanong sa akin sasagutin ko. Pero in one condition, wag mo munang isipin ang ibang bagay. Ito muna ang isipin mo ngayon." tukoy niya sa tiyan ko. Napatango nalang ako sa mga sinabi niya. Tama naman din siya, wag ko munang isipin ang ibang bagay dapat ang isipin ko ngayon ay itong baby na nasa loob ng tiyan ko.


Buntis naba talaga ako? For real? Meron na akong anak, maging nanay na ako at ipapangako ko sa sarili na maging mabuti nanay ako sa kanya at aalagaan ko itong baby na nasa loob ng tiyan ko sa abot ng aking makakaya, tulad ng ginawa ni mama sa akin.


"kumain kana muna dahil bibili lang ako sa pharmacy ng mga kailangan mo. Babalik agad ako ok." hinalikan niya ako sa ulo ko bago siya lumabas. Ewan ko pero napangiti nalang ako sa isip ko. Over lang siguro ako kung maka react sa past ni cedrick, sa totoo lang wala naman talaga akong karapatan na paki alam yung past niya dahil nasa present na kami ngayon at ramdam ko naman yung pagmamahal niya sa akin. Dahil kung hindi niya ako mahal sana iniwan niya ako nung nalaman niyang buntis ako. Pero hindi eh andito siya sa tabi ko at inaalagaan ako.


Nakangiti ako habang sumusubo ng hinanda niya para sa akin. Nung naubos kona yung pagkain ay parang may hinahanap yung tiyan ko sa something. Tumingin ako sa gilid ng mesa kung saan andoon lahat ng prutas na nakalagay sa basket, tumingin-tingin ako pero wala talaga. Bakit walang buko! Gusto ko ng buko! Napaiyak nalang ako ng wala talaga akong mahanap.


Ganito ba talaga pag buntis? Napalingon ako sa pinto ng bumukas ito ng nakita ko si cedrick ay mas lalo akong naiyak, dali-dali naman siyang lumapit sa akin.


"anong nangyari? Bakit ka umiiyak may masakit ba sayo?" alala niyang tanong sabay suri sa bawat parte ng katawan ko nag tagal siya doon sa tiyan ko.


Umiling ako at saka siya niyakap at inamoy, ang bango ng baby ko! "gusto ko kasi ng buko kaya lang wala naman diyan." turo ko sa basket.


"ok ilan ba gusto mo?" napahiwalay ako sa kanya.


"bibilhan mo ako? Ngayon na?"


"yes, meron akong nakita sa harap ng hospital na ito na nagbebenta ng buko, now tell me kung ilang ang gusto mo?"


Nakatingin ako sa kanya, nahiya ako bigla sa kanya. Pero gusto ko talaga ng buko eh. Ngumiti ako sa kanya. "pwede lahat?" nagulat naman siya sa sinabi ko. Pero kalaunan ay ngumiti na.


"bibilhan kita ng sampo, pag labas natin dito pupunta tayo sa hacienda namin at doon tayo titira kahit araw-araw kapang kakain ng buko doon walang pipigil sayo. Ok ba yun?" mas lalong nag ningning ang mata ko.


"Ok daddy."


"kulit." pinisil niya yung pisngi ko. "babalik agad ako. Wag kang malikot mommy dahil baka mapano sila sa tiyan mo." masaya naman akong tumango, ng makalabas ulit siya sa pinto ay doon ko lang na realize yung sinabi niya.


"sila?" taka kung tanong sa sarili ko, dahan-dahan kung hinimas yung tiyan ko. So hindi lang isang baby yung laman nito kundi dalawa? Napangiti nalang ako, hindi lang isang baby ang aalagaan ko kundi dalawa. Ayiee! Excited na akong lumabas kayo kahit medyo natatakot ako.


Maya-maya din ay bumalik na si cedrick bitbit na yung buko na binili niya. Agad ko naman nilantakan yun wala na akong hiya dahil takam na takam na talaga sa buko na ito.  



---

Gay's Obsession[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon