Chapter 10

4.1K 88 0
                                    




Pababa palang ako ng hagdan ay rinig ko na yung tawanan at sigawan sa kusina nitong mansion ng mga brock hindi talaga kami tinantanan ni tita at tito kagabi hanggang hindi kami uuwi dito sa mansion nila. Ang akala ko talaga ayaw na nila sa akin pero mali pala ako dahil napaka saya ng mag awasang brock lalo na si tito dahil ang akala niya ay tatandang binata si cedrick dahil wala pa itong pinakilala sa magulang. Napangiti tuloy ako ng palihim dahil sa nalaman ko kagabi. Napaka espesyal ko talaga sa baklang yun. Pagkababa ko ay nahagip ng mata ko si scarlet yung asawa ni edrick. Bakit pala andito siya sa sala?


Bago ko siya nilapitan ay nilibot ko muna ang paningin ko sa loob nitong mansion, ngayon ko lang kasi makita at masuri ito ng mabuti dahil kagabi hindi ko masyadong nakita dahil sa yellow ang light at kinakabahan din ako. Pero ngayon na subrang liwanag na dahil sa malalaking wall glass kung saan pumapasok ang liwanag at sikat ng araw galing sa labas. Napansin ko lang sa bahay nila silver, green at white lang yung nakikita kung kulay. At napaka linis pa mukang alagang alaga talaga yung mansion nila, mas madumi pa ata mukha ko dito sa mansion na ito.


Ng masuri ko ng mabuti ang kabooan ng mansion ay lumapit na ako sa kinaroroonan ni scarlet, nakatingin lang siya sa malaking flat screen dito sa sala habang kumakain ng apple na hilaw na sinawsaw sa ketchup. Naiingit tuloy ako. Mukha kasing masarap yung kinakain niya.


"h-hi, good morning" mahina kung bati. Tumingin lang siya sa akin saglit tapos balik ulit ang maganda niyang mata sa tv. "bakit andito ka?" tanong ko.


"bakit ikaw lang ba ang may karapatang pumasok dito?" taas kilay niyang tanong sa akin.


"hindi sa ganon ang ibig kung sabihin, bakit ikaw lang mag isa dito? Bakit wala ka doon sa kitchen? Mukha kasing masaya sila doon." nakangiti kung sabi sa kanya.


"masaya talaga sila dahil andyan yung babaeng bruha."


"babaeng bruha?" sino kaya yung tinutukoy niya.


"yes, ang bestfriend ng kambal."


"talaga?" may bestfriend pa pala yung kambal maliban kila kiven, harvey and zendaya, hindi naman maitatago na napaka bait talaga nila kaya nga sabi nila pagmabait ka marami kang kaibigan. Napatingin ako sa tiyan ni scarlet. "ilang months na yang tiyan mo?"


"8." tipid niya sagot. Napatango nalang ako, tama nga si ann na hindi itong magandang kausapin si scarlet dahil napaka tipid at minsan lang ito nagsasalita. Mukha naman siyang mabait, sabi kasi sa akin ni kiven na napaka maldita daw nito. Pero Hindi ko pa masasabing maldita talaga siya dahil ito yung unang tagpo namin ni scarlet at hindi ko pa siya masyadong kilala.


"sige ah, punta lang ako sa kitchen." paalam ko. Tumayo na ako at hindi ko na hinintay yung sagot niya dahil mukha wala naman siyang balak na sagutin ako. Ng nasa pinto na ako ay napahinto ako ng may marinig ako maliit na boses ng babae, hindi naman bata mukhang nagpapabebe lang ganon.


"hindi talaga ako makapaniwala, ang gwapo-gwapo niyo ngayon lalo na itong si baby cedrick ko. Sarap mong jowain." rinig sabi nong babae.


"tss! Siya lang ba?" si edrick.


"syempre ikaw din pero gwapo talaga si cedrick."


"ay nako, buti pa gisingin muna si lisa sa taas cedrick baka gutom na yun." rinig kung sabi ni tita dahilan ng pagkataranta ko. Wait bakit naman ako matataranta hindi naman ako magnanakaw. Huminga na muna ako ng malalim bago pumasok sa kitchen ng tuluyan.


Nakita ko agad yung mala manikang mukha ng babae dahil sa ganda niya, ngumiti ako. "good morning." nahihiya kung bati.


"oh lisa, hali kana at kakain na buti naman at gising kana. Pinagod ka talaga nitong si cedrick siguro kagabi kaya tanghali kana ng nagising." pinamulahan ako ng mukha dahil sa sinabi ni tita cas. Nako tita kung alam niyo lang.


Lumapit si cedrick sa akin at hinalikan ako sa noo, hindi naman nakaligtas ng mga mata ko yung pagtataka sa mukha ng babae. "by the way ash, si lisa fiance ko, lisa si ashley bestfriend namin ni edrick." pakilala ni cedrick.


"hi, ang cute mo."


"thank you." pasalamat ko.


"edrick tawagin muna si scarlet para makakain na tayo, batang yun talaga alam naman niyang buntis tapos anong oras ng kumakain." napailing nalang si tita cas.


Pina upo na ako ni cedrick bago siya umupo sa tabi ni ashley, kung baga ang pwesto namin, si tita cas yung nasa dulo, kabilang side si edrick at scarlet tapos kami naman sa kabilang side kaya lang hindi ko katabi si cedrick kundi itong si ashley, pero ok lang bestfriend naman niya yan eh.


"guys pwede niyo ba akong samahan mamaya?" malambing na tanong ni ashley sa kambal.


"saan naman?" si edrick


"shopping." masiglang sagot niya. "eh si tita kasi busy. Kaya kayo lang pede? Miss na miss kona kasi kayo..... Please?"


"i'm busy to ash. May appointment kami ngayon sa OB." si edrick.


"ikaw ba cedrick, for sure hindi ka busy at wala kang appiontment sa kahit ano dahil hindi naman din buntis si lisa right?" baling niya sa akin. Tumango nalang ako. Napatingin na din si cedrick sa akin.


"ok lang, pupunta din akong school ngayon dahil may practise kami mamayang tangahali." sabi ko nalang.


"ok." napayuko nalang ako sa sagot ni cedrick, ang akala ko tatanggi siya pero di pala. Kasalanan mo naman bruha ka ang O.A mo kasi.


"epal." wala sa sariling sambit ni scarlet. "tapos na ako, nakakawalang ganang kumain." dagdag niya bago tumayo. Pipigilan sana siya ni tita cas kaya lang pinigilan din siya ni edrick.


"sa labas nalang kami kakain mamaya mom." sabi ni edrick bago tumayo at humalik sa pisngi ng kanya ina.


"saan mo gustong mauna mamaya baby ced?" nakangiting tanong ni ashley.


"ikaw ng bahala." pasulyap-sulyap lang ako sa kanila habang sumusubo. Si tita cas naman nakangiti lang din habang kumakain. Ako ito kahit labag sa loob ko ang ngumiti ay ginawa ko nalang para hindi ako mag mukhang kontrabida sa bahay na ito.


Pagkatapos naming kumain ay hinatid agad ako ni cedrick sa condo niya. Kung wala lang talaga kaming practise sasama talaga ako sa kanila iba kasi yung nararamdaman ko sa ashley na yun. Baka tama si scarlet. Bruha yun.




--- 

Gay's Obsession[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon