19

583 21 1
                                    

PHIL'S POV;

NAGISING ako dahil sa mga naririnig kong boses. Ang sakit ng ulo ko, anong bang nangyari?

" Maddame, she have a record of Retrograde amnesia, means lose existing, previously made memories. This type of amnesia tends to affect recently formed memories first. Older memories, such as memories from childhood, are usually affected more slowly. Diseases such as dementia cause gradual retrograde amnesia. And I think nakuha nya ito ng maaksidente sya nung bata pa lamang sya, based on what you've said. Iwasan po sana nating wag ipilit na ipaalala sa kanya ang mga nakalimutan nya"

Narinig ko mula sa isang hindi pamilyar na boses kaya unti unti akong nag mulat ng mata. Wala akong maintindihan sa mga sinabi ng doctor. Atsyaka retrograde amnesia?

Nakita kong nasa silid ako kung saan ako nag palipas ng gabi dito sa mansion ng mga clayton. Naramdaman kong may naka hawak sa kamay ko kaya tinignan ko kung sino ito.

Nagulat naman ako dahil pag ka tingin ko ay naka tingin pala sya saakin ng mariin.

"A-ah anong nangyari?" Tanong ko. At napahawak sa noo ko ng maka ramdam ako ng konting kirot

Hindi ako nito sinagot at naka titig lamang sya saakin.

Bwesit na manyak to nag tatanong ako eh.

Ng hindi ko na kayang makipag titigan sa kanya ay umiwas na ako ng tingin.

Argh! Bat ang kirot ng ulo ko? Ano bang nangyari?

Nakita kong kausap ni tita marie at tito Ellios ang isang naka lab coat na sa tingin ko ay doctor? Teka doctor? Bakit may doctor dito?

"T-tita" mahinang tawag ko kaya napa baling sila saakin pati narin ang lalaking naka suot pang doctor.

Bakas ang pag aalala sa muka ni tita marie habang patungo sya papalapit saakin, hinawakan nya ng dahan dahan ang aking kamay at hinaplos ang aking pisngi

"Oh god! Mena! Your awake!" Nag aalalang sabi nya

"How's your feeling dear?" Dugtong nya

Kita ko sa mga mata nya ang pag aalala. Tumingin naman ako kay tito Ellios na naka tingin din pala saakin.

"I'm ok tita" magaang sagot ko sakanya.

Napabaling kami sa lalaking doctor dahil tumikhim sya.

"Based on maddame said you've have been suffered from a car accident when you were kid? Is that true?"

Hah? Paano nila nalaman?

Tumango naman ako pero wala akong maalala na nag ka amnesia ako. Atsyaka paano nalaman ni tita marie na naaksidente ako noon?

"I'll give you a healthy habits to lower your risk for black outs and headache. Stay mentally active throughout your life. For instance, take classes, explore new places, read new books, and play mentally challenging games.
Stay physically active throughout your life.
Eat a heart-healthy diet, including fruits, vegetables, whole grainlow-fat proteins and
Stay hydrated"

Sabi ng doctor.

Nako, healthy naman ako... Nasobrahan nga lang sa pag ka healthy. W-wait- ako? Nawalan ng alala? Pero bakit walang sinabi sila inay sa kalagayan ko?

Ang Matabang Probinsyana (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon