21

588 21 0
                                    


SOMEONE'S POV;

"ANONG balak mo? Balita ko inip na inip na si tita na higantihan ang Mafia Clayton. Gusto mo ako nalang ang gumawa?" Tinignan ko sya ng malamig.

"Pwede ba, kaya kong gantihan ang mga p*tang *nang clayton na yan ng walang tulong na mula ni isa man sa inyo!" Galit na sabi ko sa kanya.

"Edi sana matagal mo ng ginawa d'ba? Sabihin mo mahina ka lang! At natatakot! Kasi duwag ka!" Sigaw nya saakin kaya tumayo ako at sinakal sya.

"Duwag? Gusto mong unahin na kitang patayin! Kung ayaw mong mauna, wag na wag mo akong pag sasalitaan ng ganyan. Tandaan mo kahit kapatid kita, kaya kitang patayin" nan lilisik na mata na sabi ko sa kanya at binitawan sya. Uubo ubo naman syang napa upo at tumingala saakin bago ako sinamaan ng tingin.

Tinalikuran ko na sya nag lakad na papalabas ng bahay namin.

"Ang sabihin mo! Takot ka lang lalo na sa Anak ng pumatay kay abuel-"

"Manahimik ka!?" Galit na sigaw ko. At tuluyan ng umalis.

Baka kung ano pa ang magawa ko sakanya at makalimutan kong kapatid ko s'ya. Nag lakad ako papalapit sa kotse ko, ay umakay na, bago pina andar paalis.

Kung maari lang ayaw ko ng maalala pa ang mga nang yari noon, pero hinding hindi ko makakalimutan kung paano namatay si abuela, ibedensya? Hindi na ba sapat na ibedensya ang pag pasok ng walang paalam ng Clayton mafia sa aming tahanan na may dala dalang mga baril, lalo na ang walang hiyang Ellios na yon! Galit ako... Galit ako sa pamilyang Clayton dahil inagaw nila saamin lahat pati buhay ni abuela. Oras na siguro para mag higanti. Maraming taon ang pinalagpas ko upang mag sanay at mag palakas ngayong nag babalik na ako... Iisa isahin ko na sila lalo na si p-tang *inang Ellios at ang kanyang nag iisang tagapag manang si Ellioner Clayton Na bata palang karibal ko na sa lahat pati sa babaeng mahal ko na inagaw nya.

---------------

PHIL'S POV;

IWAS dito, iwas doon. Yan ang palagi kong ginagawa tuwing mag sasalubong kaming dalawa ni Ellioner. Nahihiya kasi ako sa mga pinag sasabi ko kahapon sa kanya doon sa locker room.

Huli na kasi ng marealize ko kung ano ang pinag sasabi ko sa kanya, nakakahiya! Ako tong babae pero ako pa talaga ang naunang umamin.

Paano kung, kabaliktaran naman pala ng nararamdaman ko ang nararamdaman nya?

Paano kung...- aish self! Stop overthinking!

Dali dali akong pumasok sa classroom at umupo sa tabi ni nuela na nag rereview. May quiz kasi kami ngayon kaya kailangan talagang mag review.

Ng maka upo na ako at naibaba ko na ang mga libro na yakap yakap ko sa table ko ay kinalabit ko si nuela.

"Pst! Uy, san ka nag punta kahapon? " Tanong ko

Napahinto naman to at tumingin saakin.

"Wala, hindi natuloy kaya sumunod ako sayo kahapon para samahan ka kaso may kasama ka naman pala at nag chuchu" sabi nya sabay hagikgik.

Nag chuchu?

"Huh? Anong nag chuchu?" Naguguluhang tanong ko

Ang Matabang Probinsyana (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon