12

614 19 0
                                    

PHIL'S POV:

"HOY!"

Napa talon naman ako sa gulat dahil sa babaeng to.

"Cassandra bakit ka nanggugulat?" Kunot noong tanong ko sakanya.

Kasalukuyan kasi akong nag lilinis ng pinag kainan ng kaka alis lang na customer.

"Para kasing wala ka sa sarili mo habang nag iimis, kaya kinuha ko ung atensyon mo. baka kasi mapagalitan ka"

Napabuntong hininga nalang ako. Hindi ko na sya sinagot dahil wala ako sa mood makipag dal-dalan ngayun.

Nang matapos ako sa pag iimis, pumunta na ako sa kusina para dalhin ang mga maruruming hugasin.

Naramdaman ko namang naka sunod saakin si Cassandra.

"Wala ka bang gagawin at naka sunod ka saakin?" Hindi ko mapigilang tanong.

Umakto pa itong nag iisip "Hmm... Wala naman, kaya na nila yon" Binigyan ako nito nang malawak na ngiti, kaya pinabayaan ko nalang siya bago tumango.

"Phil, pwede bang dun muna ako sa inyo mamaya?" Napahinto ako sa ginagawa ko bago siya nilingon.

"Bakit?" Nag tatakang tanong ko.

"Hmm... Wala lang d'ba friends naman na tayo?"

Nag mamalik mata lang siguro ako ng mapasin kong medyo tumaas ang sulok ng labi nya.

"Uhmm... Hindi ko kasi alam kung papayag yung kasama ko sa bahay at yung care taker" may pag aalangan ang boses ko.

I don't know pero iba talaga ang kutob ko sa babaeng to. Para bang any moment gulo ang dala niya saakin.

Hindi Naman sa pagiging judgmental pero malakas ang radar ko sa mga ganyan.

"Aww.." napa labi ito bago pinag laruan ang sariling daliri.

"I thought we're friends" Bumuntong hininga ito, bagsak ang dalawang balikat.

"Hindi pala."

Napa kagat ang sa ibabang labi dahil sa malungkot niyong itsura. Masyado nga lang siguro akong nag overthink tungkol sa kanya.

"Umm..." Pano ba to?

Bumuga ako ng hangin bago nag aalangang tumango sakanya. "S-sige.. nanga"

Nang sabihin ko yun, tumalikod sakanya at nag patuloy sa pag lalapag nang hugasin sa lababo, hindi na pinansin pa ang mabilisang pag palit nito ng ekspresyon.

Shems... Sana nasa kwarto na nya yung manyak na hinayupak na yon mamaya! Kundi baka masapak ko nanaman sya dahil sa ginawa nya saakin.

_____

(Flashback)

Naramdaman ko nanaman uli ang bagay na ginawa niya kanina lang para magising ako ng tuluyan

He kissed me...

Again...

Napa tulala ako kasabay ng panlalaki ang mga mata ko.

Nabalik lang ako sa wisyo nang maramdaman kong may pumisil sa pwetan ko, kaya buong lakas ko syang itinulak.

"Y-you- what do you think you're doing! Yo-y-you.. K-kiss stealer! Napaka manyak mo talaga! Pati yung pwet ko dinadamay mo!"

Halos lumuwa na ang mata ko dahil sa pan lalaki ng mga to, kasabay pa ng paulit-ulit kong pan duduro sa gagong nasa harapan ko na ngayo'y akala mo ay inosenteng bata na naka tingin saakin.

Ang Matabang Probinsyana (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon